Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Awit ng mga Awit 6

Awit ng mga Awit Rango:

20
Mga Konsepto ng TaludtodPampaganda

Ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng granada sa likod ng iyong lambong.

40
Mga Konsepto ng TaludtodPakikitungo sa mga TaoIka-walongpu

May anim na pung reina, at walong pung babae; at mga dalaga na walang bilang.

51
Mga Konsepto ng TaludtodNatatanging mga TaoPinupuri ang Ilang Kinauukulang TaoTao, Ang Paborito ngPagiging Natatangi

Ang aking kalapati, ang aking sakdal ay isa lamang; siya ang bugtong ng kaniyang ina; siya ang pili ng nanganak sa kaniya. Nakita siya ng mga anak na babae, at tinawag siyang mapalad; Oo, ng mga reina at ng mga babae, at pinuri siya nila.

57
Mga Konsepto ng TaludtodTumitingin ng Masidhi sa mga Tao

Bumalik ka, bumalik ka, Oh Sulamita; bumalik ka, bumalik ka, upang ikaw ay aming masdan. Bakit ninyo titingnan ang Sulamita, nang gaya sa sayaw ng Mahanaim.

68
Mga Konsepto ng TaludtodAng Buwan

Sino siyang tumitinging parang umaga, maganda na parang buwan, maliwanag na parang araw, kakilakilabot na parang hukbo na may mga watawat?

78
Mga Konsepto ng TaludtodNamumulaklakLaro, Mga

Ako'y bumaba sa halamanan ng mga pile, upang tingnan ang mga sariwang pananim ng libis, upang tingnan kung nagbubuko ang puno ng ubas, at ang mga puno ng granada ay namumulaklak.

83

Bago ko naalaman, inilagay ako ng aking kaluluwa sa gitna ng mga karo ng aking marangal na bayan.

85
Mga Konsepto ng TaludtodSaan Tutungo?

Saan naparoon ang iyong sinisinta, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae? Saan tumungo ang iyong sinisinta, upang siya'y aming mahanap na kasama mo?

86
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Inaangkin ang Ibang mga BagayPagmamahalanNabibilangMagsingirog

Ako'y sa aking sinisinta, at ang sinisinta ko ay akin: pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.

97
Mga Konsepto ng TaludtodWatawat, Talinghagang Gamit ng

Ikaw ay maganda, sinta ko, na gaya ng Tirsa, kahalihalina na gaya ng Jerusalem, kakilakilabot na gaya ng hukbo na may mga watawat.

106
Mga Konsepto ng TaludtodTumitingin ng Masidhi sa mga TaoPaglabas ng BuhokTalon, Mga

Ihiwalay mo ang iyong mga mata sa akin, Sapagka't kanilang dinaig ako. Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing, na nangahihilig sa gulod ng Galaad.

107

Ang sinisinta ko'y bumaba sa kaniyang halamanan, sa mga pitak ng mga especia, upang magaliw sa mga halaman, at upang mamitas ng mga lila.

117
Mga Konsepto ng TaludtodKambal, MgaNgipinMalinis na mga HayopNakunang Hayop, Mga

Ang iyong mga ngipin ay gaya ng kawan ng mga babaing tupa, na nagsiahong mula sa pagpaligo; na bawa't isa'y may anak na kambal, at walang baog sa kanila.