Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 1

Deuteronomio Rango:

22
Mga Konsepto ng TaludtodBuwanBuwan, Ikalabing Isang

At nangyari nang ikaapat na pung taon, nang ikalabing isang buwan, nang unang araw ng buwan, na nagsalita si Moises sa mga anak ni Israel, tungkol sa lahat na ibinigay sa kaniyang utos ng Panginoon sa kanila;

37
Mga Konsepto ng TaludtodPagkatalo

Pagkatapos na kaniyang masaktan si Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumatahan sa Hesbon, at si Og na hari sa Basan, na tumatahan sa Astarot sa Edrei:

39
Mga Konsepto ng TaludtodLampas sa JordanAng Kautusan ay Ibinigay sa Pamamagitan ni Moises

Sa dako roon ng Jordan, sa lupain ng Moab, pinasimulan ni Moises na ipinahayag ang kautusang ito, na sinasabi,

40
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos ng ating mga NinunoIsanglibong mga TaoDiyos na Nagpaparami sa mga TaoNawa'y Pagpapalain ng DiyosKasaganahanPagpapala mula sa DiyosPagpapala sa IbaPagpapala at KaunlaranPagbibigay, Balik na

Kayo nawa'y dagdagan ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng makalibo pa sa dami ninyo ngayon, at kayo nawa'y pagpalain, na gaya ng ipinangako niya sa inyo!

41
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapala kay AbrahamDiyos ng ating mga NinunoJacob bilang PatriarkaTinataglayNinunoProsesoLupain

Narito, aking inilagay ang lupain sa harap ninyo: inyong pasukin at ariin ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa inyong mga magulang, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na ibibigay sa kanila at sa kanilang binhi pagkamatay nila.

42
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakaroon ng BungaMabigat na PasanHindi NagiisaPananagutanHindi Talagang NagiisaPanggigipit

At ako'y nagsalita sa inyo nang panahong yaon na sinasabi, Hindi ko madadalang magisa kayo:

43
Mga Konsepto ng TaludtodMga GawainIlagay sa Isang Lugar

Ang Panginoon nating Dios ay nagsalita sa atin sa Horeb, na nagsasabi, Kayo'y nakatahan ng malaon sa bundok na ito:

47
Mga Konsepto ng TaludtodIlog at Sapa, MgaDalampasiganIlog EupratesHanggang sa Hangganan ng EupratesAng SepelaPaglipat sa Bagong Lugar

Pumihit kayo, at kayo'y maglakbay, at kayo'y pumaroon sa lupaing maburol ng mga Amorrheo, at sa lahat ng mga dakong malapit, sa Araba, sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Timugan, at sa baybayin ng dagat, sa lupain ng mga Cananeo at sa Lebano, hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.

51
Mga Konsepto ng TaludtodKarunungan, Halaga sa TaoSibil na PamahalaanPinuno, MgaHalimbawa ng PamumunoKarunungang KumilalaPamumuno, Katangian ngMaayos na KatawanKaranasanMarunong

Kumuha kayo sa inyo ng mga lalaking pantas, at nakakaalam, at kilala, ayon sa inyong mga lipi, at sila'y aking gagawing pangulo sa inyo.

52
Mga Konsepto ng TaludtodKatapangan sa Pagharap sa KaawayPanghihina ng LoobKatiyakan sa Buhay PananampalatayaTakot, PagtagumpayangPananakopLabanan ang Kahinaan ng Loob

Narito, inilalagay ng Panginoon ninyong Dios ang lupain sa harap mo: sampahin mo, ariin mo, na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang; huwag kang matakot, ni manglupaypay.

56

Pinarami kayo ng Panginoon ninyong Dios, at, narito, kayo sa araw na ito ay gaya ng mga bituin sa langit sa karamihan.

58
Mga Konsepto ng TaludtodKomanderKarunungan, Halaga sa TaoTao, Katangian ng Pamahalaan ngSampung TaoLimangpuIsang DaanIsanglibong mga Tao

Sa gayo'y kinuha ko sa inyo ang mga pangulo ng inyong mga lipi, na mga taong pantas, at kilala, at akin silang ginawang pangulo sa inyo, na mga punong kawal ng libolibo, at mga punong kawal ng mga daandaan, at mga punong kawal ng mga limangpu-limangpu, at mga punong kawal ng mga sangpu-sangpu, at mga pinuno ayon sa inyong mga lipi.

61
Mga Konsepto ng TaludtodMabigat na PasanHindi NagiisaPanggigipit

Paanong madadala kong magisa ang inyong ligalig, at ang inyong pasan, at ang inyong pagkakaalitan?

62
Mga Konsepto ng TaludtodKorteHukom, MgaMahistrado, MgaHumahatol ng MatuwidMga Banyaga na Kasama sa Kautusan

At aking pinagbilinan ang inyong mga hukom nang panahong yaon na sinasabi, Inyong dinggin ang mga usap ng inyong mga kapatid, at inyong hatulan ng matuwid ang tao at ang kaniyang kapatid, at ang taga ibang lupa na kasama niya.

63
Mga Konsepto ng TaludtodPaulit Ulit

At tayo ay naglakbay mula sa Horeb at ating tinahak yaong buong malawak at kakilakilabot na ilang na inyong nakita, sa daang patungo sa lupaing maburol ng mga Amorrheo, na gaya ng iniutos ng Panginoon nating Dios sa atin, at tayo'y dumating sa Cades-barnea.

67
Mga Konsepto ng TaludtodMabubuting Salita

At kayo'y sumagot sa akin at nagsabi, Ang bagay na iyong sinalita ay mabuting gawin namin.

68

At aking sinabi sa inyo, Inyong narating ang lupaing maburol ng mga Amorrheo na ibinibigay sa atin ng Panginoon nating Dios.

69
Mga Konsepto ng TaludtodAsuntoPagiging MaliitMahistrado, MgaTakot sa TaoPagtatangiDakila at MuntiMabigat na GawainHuwag Matakot sa TaoHumahatolPaggalangPagsasagawa ng PasyaPagpapasyaPagaawayPamilya, Kaguluhan saPaggalang sa PamahalaanHumahatol sa mga Gawa ng IbaPagtatangi

Huwag kayong magtatangi ng tao sa kahatulan; inyong didinggin ang maliliit, na gaya ng malaki: huwag kayong matatakot sa mukha ng tao; sapagka't ang kahatulan ay sa Dios: at ang usap na napakahirap sa inyo, ay inyong dadalhin sa akin, at aking didinggin.

70
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Atas ng

At aking iniutos sa inyo nang panahong yaon ang lahat ng mga bagay na inyong dapat gagawin.

71
Mga Konsepto ng TaludtodLupain, Bunga ngPagbibigay ng Mabubuting BagayPlano ng Diyos Para Sa AtinPagbibigay, Balik na

At sila'y nagbitbit ng bunga ng lupain sa kanilang mga kamay, at kanilang ipinanaog sa atin, at sila'y nagdala ng kasagutan at nagsabi, Mabuting lupain ang ibinibigay sa atin ng Panginoon nating Dios.

74

At sila'y pumihit at sumampa sa bundok, at dumating hanggang sa libis ng Escol, at kanilang tiniktikan.

86
Mga Konsepto ng TaludtodUgali ng PaghihimagsikPaghihimagsik ng IsraelMga Taong Hindi NagkukusaPaghihimagsik laban sa DiyosPagsuko

Gayon ma'y hindi kayo umakyat, kundi nanghimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon ninyong Dios.

88
Mga Konsepto ng TaludtodEspiya, Mga

At kayo'y lumapit sa akin, bawa't isa sa inyo, at nagsabi, Tayo'y magsugo ng mga lalake sa unahan natin, upang kanilang kilalanin ang lupain para sa atin, at magbigay alam sa atin ng daang ating marapat sampahan, at ng mga bayang ating daratnin.

94
Mga Konsepto ng TaludtodMabubuting SalitaLabing Dalawang Tribo

At ang bagay na yaon ay inakala kong magaling: at ako'y kumuha ng labing dalawang lalake sa inyo, na isang lalake sa bawa't lipi.

96
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibayLungsod na Pinaliligiran ng mga MuogPagmamalabisLungsodPag-aalinlangan, Bunga ngPanghihina ng LoobPuso ng TaoKalakihanPesimismoHimpapawidTao, Damdamin ngPanghihina ng KaloobanHigante, MgaPagkawala ng TapangSaan Tutungo?Himpapawid, Talinghagang Gamit sa

Saan tayo sasampa? pinapanglupaypay ng ating mga kapatid ang ating puso, na sinasabi, Ang mga tao ay malalaki at matataas kay sa atin; ang mga bayan ay malalaki at nakukutaan ng hanggang sa himpapawid; at bukod dito'y aming nakita roon ang mga anak ng mga Anaceo.

116
Mga Konsepto ng TaludtodAma, Mga Pananagutan ng mgaLiwanag, KaraniwangNagpapanatiling ProbidensiyaDiyos na Pumapasan sa mga TaoDiyos na Nanguna sa Paglalakbay sa Ilang

At sa ilang, na inyong kinakitaan kung paanong dinala ka ng Panginoon ninyong Dios, na gaya ng pagdadala ng tao sa kaniyang anak, sa buong daang inyong nilakaran hanggang sa dumating kayo sa dakong ito.

118
Mga Konsepto ng TaludtodReklamoPag-aalinlangan, Bunga ngHinanakit Laban sa DiyosAlanganing DamdaminDiyos na Nagagalit sa mga TaoDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa EhiptoDiyos, Bibiguin sila ngPagrereklamo

At kayo'y dumaing sa inyong mga tolda, at inyong sinabi, Sapagka't kinapootan tayo ng Panginoon, ay inilabas tayo sa lupain ng Egipto, upang tayo'y ibigay sa kamay ng mga Amorrheo, upang tayo'y lipulin.

119
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Mauuna Saiyo

Ang Panginoon ninyong Dios, na nangunguna sa inyo, ay kaniyang ipakikipaglaban kayo, ayon sa lahat ng kaniyang ginawa sa Egipto dahil sa inyo sa harap ng inyong mga mata;

128
Mga Konsepto ng TaludtodHuwag Matakot sa TaoTakot at KabalisahanNatatakot

Nang magkagayo'y sinabi ko sa inyo, Huwag kayong mangilabot ni matakot sa kanila.

189
Mga Konsepto ng TaludtodKakulangan sa PagkilalaHindi PaglagoWalang KaranasanGulang ng PananagutanPagkakaalam sa Tama at MaliTuntunin tungkol sa mga KabataanYaong mga MangmangSanggol na Pumunta sa Langit

Bukod dito'y ang inyong mga bata, na inyong sinasabing magiging bihag, at ang inyong mga anak na sa araw na ito ay hindi nakakaalam ng mabuti o ng masama, ay sila ang papasok doon, at sa kanila'y aking ibibigay, at kanilang aariin.

207
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapalakas-Loob, Halimbawa ngPatnubay mula sa mga MakaDiyos na TaoWalang KaranasanPagpapalakas ng Loob sa Iba!

Si Josue na anak ni Nun, na nakatayo sa harap mo, ay siyang papasok doon: palakasin mo ang kaniyang loob; sapagka't kaniyang ipamamana sa Israel.

219
Mga Konsepto ng TaludtodTagapagbantay, MgaPaglalakbayBanal na KapahayaganDiyos na Mauuna SaiyoPagpapakita ng Diyos sa ApoyPagkatuto sa Tamang ParaanPagkakampo sa Panahon ng Exodo

Na nagpauna sa inyo sa daan, upang ihanap kayo ng dakong mapagtatayuan ng inyong mga tolda, na nasa apoy pagka gabi, upang ituro sa inyo kung saang daan kayo dadaan, at nasa ulap pagka araw.

334
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagbigay Pansin sa KanilaPagrereklamo

At narinig ng Panginoon ang tinig ng inyong mga salita, at nag-init, at sumumpa, na nagsasabi,

352
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang LahiPagbubukod

Tunay na hindi makikita ng isa man nitong mga taong masamang lahi ang mabuting lupain na aking isinumpang ibigay sa inyong mga magulang,

362
Mga Konsepto ng TaludtodPagdating sa Dagat na PulaDiyos na Nanguna sa Paglalakbay sa IlangTuntunin

Nguni't tungkol sa inyo, ay bumalik kayo, at maglakbay kayo sa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula.

366
Mga Konsepto ng TaludtodLampas sa Jordan

Ito ang mga salita na sinalita ni Moises sa buong Israel sa dako roon ng Jordan sa ilang, sa Araba na katapat ng Suph, sa pagitan ng Paran, at ng Thopel, at ng Laban, at ng Haseroth, at ng Di-zahab.

384
Mga Konsepto ng TaludtodNananatili ng Mahabang Panahon

Sa gayon, ay natira kayong malaon sa Cades, ayon sa mga araw na inyong itinira roon.

386
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan, Halimbawa ngPagsunod sa Diyos

Liban si Caleb na anak ni Jephone; at siya ang makakakita; at sa kaniya ko ibibigay ang lupain na kaniyang tinuntungan, at sa kaniyang mga anak: sapagka't siya'y lubos na sumunod sa Panginoon.

422
Mga Konsepto ng TaludtodKalsadaSampu o Higit pang mga Araw

Labing isang araw na lakbayin mula sa Horeb kung dadaan ng bundok ng Seir hanggang sa Cades-barnea.

433
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Galit sa mga TaoLupain

Ang Panginoon ay nagalit din sa akin, dahil sa inyo, na nagsasabi, Ikaw man ay hindi papasok doon:

443
Mga Konsepto ng TaludtodPagtangisEspirituwal na Pagkabingi

At kayo'y bumalik at umiyak sa harap ng Panginoon; nguni't hindi dininig ng Panginoon ang inyong tinig, ni pinakinggan kayo.

455
Mga Konsepto ng TaludtodSariling KaloobanPalalong mga Tao

Gayon sinalita ko sa inyo, at hindi ninyo dininig; kundi kayo'y nanghimagsik laban sa utos ng Panginoon, at naghambog at umakyat sa bundok.

478
Mga Konsepto ng TaludtodMaliitinMadali para sa mga TaoKami ay Nagkasala

Nang magkagayo'y sumagot kayo at sinabi ninyo sa akin, Kami ay nagkasala laban sa Panginoon, kami ay sasampa at lalaban, ayon sa buong iniutos sa amin ng Panginoon naming Dios. At nagsipagsakbat bawa't isa sa inyo ng kanikaniyang sandata na pangdigma, at kayo'y nagmadaling sumampa sa bundok.

490
Mga Konsepto ng TaludtodPagkataloDiyos na NagbabawalKaaway, Atake ng mga

At sinabi sa akin ng Panginoon, Sabihin mo sa kanila, Huwag kayong sumampa, ni lumaban; sapagka't ako'y wala sa inyo; baka kayo'y masugatan sa harap ng inyong mga kaaway.

518
Mga Konsepto ng TaludtodBubuyogInsekto

At ang mga Amorrheo na tumatahan sa bundok na yaon, ay nagsilabas na laban sa inyo, at kayo'y hinabol, na gaya ng ginagawa ng mga pukyutan, at kayo'y tinalo sa Seir, hanggang sa Horma.