Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 2

Deuteronomio Rango:

55
Mga Konsepto ng TaludtodHilagaNakaharap sa HilagaPagbabago ng LandasBumabagsakPaglalagalagMason

Malaon na ninyong naligid ang bundok na ito: lumiko kayo sa dakong hilagaan.

111
Mga Konsepto ng TaludtodTakot sa Ibang mga Tao

At iutos mo sa bayan, na iyong sabihin, Kayo'y dadaan sa hangganan ng inyong mga kapatid na mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir; at sila'y matatakot sa inyo. Magsipagingat nga kayong mabuti:

139
Mga Konsepto ng TaludtodIwasan ang Pakikipag-awayKaloob ng Diyos, MgaIba pang Kaloob ng DiyosBakas ng Paa

Huwag kayong makipagkaalit sa kanila; sapagka't hindi ko ibibigay sa inyo ang kanilang lupain, kahit ang natutungtungan ng talampakan ng isang paa: sapagka't ibinigay ko kay Esau, na pinakaari ang bundok ng Seir.

142
Mga Konsepto ng TaludtodPamimili ng PagkainSalaping Pagpapala

Kayo'y bibili sa kanila ng pagkain sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makakain; at kayo'y bibili rin sa kanila ng tubig sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makainom.

187
Mga Konsepto ng TaludtodKakulanganDisyertoDiyos na TagapagkaloobPaglalakbayAng Bilang ApatnapuPagbabantay ng DiyosBanal na PagtustosAnibersaryo, MgaDiyos, Pagkamaalam sa Lahat ng40 hanggang 50 mga taonMasagana sa IlangDiyos ay Laging SumasaiyoPagpapala mula sa DiyosPaglalagalag

Sapagka't pinagpala ka ng Panginoon mong Dios, sa lahat ng gawa ng iyong kamay; kaniyang natalastas ang iyong paglalakbay dito sa malawak na ilang; sa loob nitong apat na pung taon ay sumaiyo ang Panginoon mong Dios; ikaw ay di kinulang ng anoman.

201
Mga Konsepto ng TaludtodLandas na Daraanan

Gayon tayo nagdaan sa ating mga kapatid, na mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, mula sa daan ng Araba, mula sa Elath at mula sa Esion-geber. At tayo'y bumalik at nagdaan sa ilang ng Moab.

206
Mga Konsepto ng TaludtodHigante, Mga

(Ang mga Emimeo ay nanahan doon noong una, bayang malaki, at marami, at matataas na gaya ng mga Anaceo:

216
Mga Konsepto ng TaludtodIwasan ang Pakikipag-awayKaloob ng Diyos, MgaIba pang Kaloob ng DiyosPanliligalig

At sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong kaalitin ang Moab, ni kakalabanin sila sa digma; sapagka't hindi kita bibigyan sa kaniyang lupain ng pinakaari; sapagka't aking ibinigay na pinakaari ang Ar sa mga anak ni Lot.

226
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagbigay ng Lupain

Ang mga Hereo man ay tumahan sa Seir noong una, nguni't ang mga anak ni Esau ay humalili sa kanila; at nalipol sila ng mga ito sa harap din nila, at tumahan na kahalili nila; gaya ng ginawa ng Israel sa lupaing kaniyang pag-aari, na ibinigay ng Panginoon sa kanila.)

237
Mga Konsepto ng TaludtodPagdating sa Dagat na PulaDiyos na Nanguna sa Paglalakbay sa IlangNananatili ng Mahabang PanahonBumabagsak

Nang magkagayo'y pumihit tayo, at lumakad tayo sa ilang na daang patungo sa Dagat na Mapula, gaya ng sinalita sa akin ng Panginoon; at tayo'y malaong lumigid sa bundok ng Seir.

246
Mga Konsepto ng TaludtodHigante, MgaMga Taong Nagbibigay Pangalan sa mga Tao

Ang mga ito man ay ibinilang na mga Rephaim, na gaya ng mga Anaceo; nguni't tinatawag silang Emimeo ng mga Moabita.

274
Mga Konsepto ng TaludtodDigmaan

Kaya't nangyari, nang malipol at mamatay sa gitna ng bayan ang lahat ng lalaking mangdidigma.

276
Mga Konsepto ng TaludtodSalinlahi30 hanggang 40 mga taonKamatayan bilang Kaparusahan

At ang mga araw na ating ipinaglakad mula sa Cades-barnea hanggang sa tayo'y nakarating sa batis ng Zered, ay tatlong pu't walong taon, hanggang sa ang buong lahi ng mga lalaking mangdidigma ay nalipol sa gitna ng kampamento, gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon.

286

Ngayon, tumindig kayo, at tumawid kayo sa batis ng Zered. At tayo'y tumawid sa batis ng Zered.

298

Ay sinalita sa akin ng Panginoon, na sinasabi,

302
Mga Konsepto ng TaludtodPagdurusa, Sa PusoPesimismoHinagpis, Sanhi ngTerorismo

Sa araw na ito ay pasisimulan kong ilagay sa mga bayang nangasa silong ng buong langit, ang sindak sa iyo at ang takot sa iyo, na maririnig nila ang iyong kabantugan, at magsisipanginig, at mangahahapis, dahil sa iyo.

303
Mga Konsepto ng TaludtodHigante, MgaMga Taong Nagbibigay Pangalan sa mga Tao

(Yaon man ay ibinilang na lupain ng mga Rephaim: ang mga Rephaim ang tumatahan doon noong una; nguni't tinawag na mga Zomzommeo ng mga Ammonita;

309
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapalitan ng mga BansaDayuhan, Mga

At ang mga Heveo na nangagsitahan sa mga nayon hanggang sa Gaza, ay nilipol ng mga Caftoreo na nangagmula sa Caftor, at tumahang kahalili nila.)

315
Mga Konsepto ng TaludtodIlog ArnonPakikipaglaban sa mga KaawayYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang KamayLabanan

Magsitindig kayo, kayo'y maglakbay, at magdaan kayo sa libis ng Arnon: narito, aking ibinigay sa iyong kamay si Sehon na Amorrheo, na hari sa Hesbon, at ang kaniyang lupain: pasimulan mong ariin, at kalabanin mo siya sa digma.

320
Mga Konsepto ng TaludtodKung Saan ang mga Tao ay Namumuhay Hanggang Ngayon

Gaya ng ginawa ng Panginoon sa mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, nang kaniyang lipulin ang mga Horeo sa harap nila; at sila'y humalili sa kanila, at tumahang kahalili nila hanggang sa araw na ito:

323
Mga Konsepto ng TaludtodSugo, Mga IpinadalangDisyerto, Espisipikong

At ako'y nagsugo ng mga sugo mula sa ilang ng Cademoth kay Sehon na hari sa Hesbon na may mapayapang pananalita, na sinasabi,

324

Bayang malaki at marami at matataas na gaya ng mga Anaceo; nguni't nilipol sila ng Panginoon sa harap nila; at sila'y humalili sa kanila, at tumahang kahalili nila:

325
Mga Konsepto ng TaludtodIwasan ang Pakikipag-awayKaloob ng Diyos, MgaIba pang Kaloob ng DiyosPanliligalig

At pagka ikaw ay matatapat sa mga anak ni Ammon, ay huwag kang manampalasan sa kanila ni makipagtalo sa kanila: sapagka't hindi ko ibibigay sa iyo na pinakaari ang lupain ng mga anak ni Ammon: sapagka't aking ibinigay na pinakaari sa mga anak ni Lot.

333
Mga Konsepto ng TaludtodKamatayan bilang KaparusahanDiyos na Laban

Bukod dito'y ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa kanila, upang lipulin sila sa gitna ng kampamento, hanggang sa sila'y nalipol.

335
Mga Konsepto ng TaludtodPaglalagalag

At ang Panginoon ay nagsalita sa akin, na sinasabi,

343
Mga Konsepto ng TaludtodIlog, Tawiran ng

Ikaw ay dadaan sa araw na ito sa Ar, na hangganan ng Moab:

356
Mga Konsepto ng TaludtodPagtawid tungo sa Lupang Pangako

Gaya ng ginawa sa akin ng mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, at ng mga Moabita na tumatahan sa Ar; hanggang sa makatawid ako sa Jordan, sa lupaing sa amin ay ibinibigay ng Panginoon naming Dios.

360
Mga Konsepto ng TaludtodPamimili at PagtitindaTubigPamimili ng Pagkain

Pagbibilhan mo ako ng pagkain sa salapi, upang makakain ako, at bibigyan mo ako ng tubig sa salapi, upang makainom ako; paraanin mo lamang ako ng aking mga paa;

361
Mga Konsepto ng TaludtodLandas na DaraananDumaan sa GitnaHindi Lumiliko

Paraanin mo ako sa iyong lupain: sa daan lamang ako lalakad, hindi ako liliko maging sa kanan ni sa kaliwa.

569
Mga Konsepto ng TaludtodPagkalipolWalang NakaligtasPaglipol

At ating sinakop ang lahat niyang mga bayan nang panahong yaon, at ating lubos na nilipol ang bawa't bayan na tinatahanan, sangpu ng mga babae at ng mga bata; wala tayong itinira:

614

At ibinigay siya ng Panginoon nating Dios sa harap natin; at ating sinaktan siya, at ang kaniyang mga anak at ang kaniyang buong bayan.

636
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaan ng KaloobanPinatigas na mga PusoPusong Makasalanan at TinubosMatigas ang UloDiyos na Nagpapatigas ng PusoMga Taong Hindi Nagkukusa

Nguni't ayaw tayong paraanin ni Sehon na hari sa Hesbon sa lupa niya; sapagka't pinapagmatigas ng Panginoon mong Dios ang kaniyang diwa, at pinapagmatigas ang kaniyang puso, upang maibigay siya sa iyong kamay gaya sa araw na ito.

706

At sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, aking pinasimulang ibigay sa harap mo si Sehon at ang kaniyang lupain: pasimulan mong ariin upang iyong mamana ang kaniyang lupain.

744

Nang magkagayo'y lumabas si Sehon laban sa atin, siya at ang buong bayan niya, sa pakikipagbaka sa Jahaz.

840
Mga Konsepto ng TaludtodLungsod na SinasalakayArnonYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

Mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon at mula sa bayan na nasa libis, hanggang sa Galaad, ay wala tayong minataas na bayan: ibinigay na lahat sa harap natin ng Panginoon nating Dios:

883
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagbabawal

Sa lupain lamang ng mga anak ni Ammon hindi ka lumapit; sa buong pangpang ng ilog Jaboc at sa mga bayan ng lupaing maburol, at saan man na ipinagbawal sa atin ng Panginoon nating Dios.

934
Mga Konsepto ng TaludtodSamsam sa Digmaan

Ang mga hayop lamang ang dinalang pinakasamsam, sangpu ng mga nasamsam sa mga bayan na ating sinakop.