Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 26

Deuteronomio Rango:

370
Mga Konsepto ng TaludtodLupain bilang Pananagutan ng DiyosUnang Bunga

At mangyayari, pagka nakapasok ka sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana, at iyong inaari, at iyong tinatahanan;

421
Mga Konsepto ng TaludtodMakabayanLagalagLagalag, MgaMga Taong DumaramiIlang TaoSiryaPaglalagalag

At ikaw ay sasagot, at magsasabi sa harap ng Panginoon mong Dios, Isang taga Siria na kamunti nang mamatay ang aking ama; siyang bumaba sa Egipto, at nakipamayan doon, na kaunti sa bilang; at doo'y naging isang bansang malaki, makapangyarihan, at makapal:

493
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay ng Ari-arianPananimBanyaga, MgaEtika, PanlipunangNaulila, Pagmamalasakit sa mgaKasiyahanBalo, MgaDayuhanIkapu at Handog

Pagkatapos mo ng pagbibigay ng buong ikasangpung bahagi ng iyong pakinabang sa ikatlong taon, na siyang taon ng pagbibigay ng ikasangpung bahagi, ay magbibigay ka nga rin sa Levita, sa taga ibang lupa, sa ulila, at sa babaing bao, upang sila'y makakain sa loob ng iyong mga pintuang-daan, at mabusog;

618
Mga Konsepto ng TaludtodPagpipilianBasket, Gamit ngPagsamba, Mga Lugar ngLugar para sa Pangalan ng DiyosUnang Bunga

Na iyong kukunin ang mga una sa lahat ng bunga ng lupain, na iyong mga pipitasin sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios: at iyong isisilid sa isang buslo, at ikaw ay paroroon sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios, na patatahanan sa kaniyang pangalan:

637
Mga Konsepto ng TaludtodEtika, Personal naEtika at BiyayaPuso at Espiritu SantoBuong PusoPagtupad sa KautusanTuparin ang Kautusan!

Sa araw na ito ay iniuutos sa iyo ng Panginoon mong Dios, na tuparin mo ang mga palatuntunan at mga hatol na ito: iyo ngang gaganapin at tutuparin ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa.

733
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kabutihan ngKagalakan ng IsraelPagmamahal sa BanyagaKumakain, Umiinom at Nagpapakasaya

At magagalak ka sa lahat ng magaling na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, at sa iyong sangbahayan, ikaw, at ang Levita, at ang taga ibang lupa na nasa gitna mo.

742
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagbigay ng Lupain

At paroroon ka sa saserdote sa mga araw na yaon, at sasabihin mo sa kaniya, Aking ipinahahayag sa araw na ito sa Panginoon mong Dios, na ako'y nasok sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa aming mga magulang, upang ibigay sa amin.

754
Mga Konsepto ng TaludtodDambana ng Panginoon, AngAlay sa Tansong AltarIkapu at Handog

At kukunin ng saserdote ang buslo sa iyong kamay at ilalagay sa harap ng dambana ng Panginoon mong Dios.

795
Mga Konsepto ng TaludtodKatubusan sa Lumang TipanSiya ay ating Diyos

Iyong ipinahayag sa araw na ito na ang Panginoo'y iyong Dios, at ikaw ay lalakad sa kaniyang mga daan, at iyong gaganapin ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga hatol, at iyong didinggin ang kaniyang tinig:

799
Mga Konsepto ng TaludtodIsang AsawaBayan ng Diyos sa Lumang TipanKayamananEspirituwal na Pag-aampon

At inihayag ka ng Panginoon sa araw na ito, na maging isang bayan sa kaniyang sariling pag-aari, gaya ng ipinangako niya sa iyo, upang iyong ganapin ang lahat ng kaniyang utos;

808
Mga Konsepto ng TaludtodLangit ay Tahanan ng DiyosLangit na Saglit Nasilip na mga TaoDiyos, Kanyang Kilos mula sa KalangitanGatas at PulotNawa'y Pagpapalain ng Diyos

Tumungo ka mula sa iyong banal na tahanan, mula sa langit, at pagpalain mo ang iyong bayang Israel, at ang lupa na iyong ibinigay sa amin, gaya ng iyong isinumpa sa aming mga magulang, na isang lupang binubukalan ng gatas at pulot.

824
Mga Konsepto ng TaludtodNigromansiyaPandurungis, Ipinagbabawal angHindi TumatangisPakikinig sa DiyosEspiritisismo, Layuan angIkapu at Handog

Hindi ko kinain sa aking pagluluksa, ni inilabas ko nang ako'y marumi, ni ibinigay ko upang gamitin sa patay: aking dininig ang tinig ng Panginoon kong Dios; aking ginawa ayon sa buong iniutos mo sa akin.

832
Mga Konsepto ng TaludtodPagkainLupain, Espirituwal na Aspeto ngGatas at Pulot

At kaniyang dinala kami sa lupaing ito, at ibinigay sa amin ang lupaing binubukalan ng gatas at pulot.

843
Mga Konsepto ng TaludtodBisig ng DiyosKamay ng DiyosKalakasan ng DiyosDiyos na Nagpalaya sa Israel mula sa Ehipto

At inilabas kami ng Panginoon sa Egipto ng kamay na makapangyarihan, at ng unat na bisig, at ng malaking kakilabutan, at ng mga tanda, at ng mga kababalaghan:

853
Mga Konsepto ng TaludtodBanal, MgaPangalan at Titulo para sa KristyanoBayang BanalPaghahayag ng Kanyang KapurihanKarangalan

At upang itaas ka sa lahat ng bansa na kaniyang nilikha, sa ikapupuri, at sa ikababantog, at sa ikararangal; at upang ikaw ay maging isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, gaya ng kaniyang sinabi.

859
Mga Konsepto ng TaludtodPagyukodUnang Bunga

At ngayon, narito, aking dala ang mga una sa bunga ng lupa, na ibinigay mo sa akin, Oh Panginoon. At iyong ilalapag sa harap ng Panginoon mong Dios, at sasamba ka sa harap ng Panginoon mong Dios:

885
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Kinakalimutan

At iyong sasabihin sa harap ng Panginoon mong Dios, Aking inalis ang mga pinapaging banal na bagay sa aking bahay, at akin ding ibinigay sa Levita, at sa taga ibang lupa, sa ulila at sa babaing bao, ayon sa iyong madlang utos na iyong iniutos sa akin: hindi ko sinalangsang ang anoman sa iyong mga utos, ni kinalimutan ko:

937

At kami ay tinampalasan ng mga taga Egipto, at pinighati kami at inatangan kami ng isang mabigat na pagkaalipin:

940
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagbigay Pansin sa KanilaAko ay Nananalangin

At kami ay dumaing sa Panginoon, sa Dios ng aming mga magulang at dininig ng Panginoon ang aming tinig, at nakita ang aming kadalamhatian, at ang aming gawa, at ang aming kapighatian;