Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Deuteronomio 25

Deuteronomio Rango:

321
Mga Konsepto ng TaludtodEtika, Personal naMagkapatidKatapatanDayuhanKulang sa AnakBayawTungkulinKamatayan ng isang Kaanib ng PamilyaRelasyon sa Kasintahang LalakeKamatayan ng isang BataPag-aasawa sa Pagitan ng Lalake at BabaePagpapalaki ng mga BataKababaihan, Gampanin ng mgaRelasyon at PanunuyoPamilya, Kamatayan saKultura

Kung ang magkapatid ay tumahang magkasama, at isa sa kanila'y mamatay, at walang anak, ang asawa ng patay ay huwag magaasawa ng iba sa labas: ang kapatid ng kaniyang asawa ay sisiping sa kaniya, at kukunin siya niyang asawa, at tutuparin sa kaniya ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.

486
Mga Konsepto ng TaludtodHumawakLalake, Ari ngPakikipaglaban sa Isa't IsaPagpapakasakitPagkalalake

Pag may dalawang lalaking nag-away, at ang asawa ng isa ay lumapit upang iligtas ang kaniyang asawa sa kamay ng nananakit sa kaniya, at iniunat niya ang kaniyang kamay at hinawakan niya ang mga sangkap na lihim:

492

Alalahanin mo ang ginawa sa iyo ng Amalec sa daan nang ikaw ay lumabas sa Egipto;

508
Mga Konsepto ng TaludtodEtika, Dahilan ngKawalang Muwang, Turo saAriing Ganap, Kinakailangan naAsuntoMahistrado, Mga

Kung magkaroon ng pagkakaalit ang mga tao, at sila'y dumating sa hukuman, at sila'y hatulan ng mga hukom; ay kanila ngang mamatuwirin ang may matuwid at hahatulan ang salarin:

613
Mga Konsepto ng TaludtodBinuburaBurahinPanahon ng Kapayapaan

Kaya't mangyayari, na pagka binigyan ka ng Panginoon mong Dios ng kapahingahan sa lahat ng iyong mga kaaway sa palibot, sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana upang ariin, ay iyong papawiin ang pagalaala sa Amalec sa silong ng langit; huwag mong lilimutin.

633
Mga Konsepto ng TaludtodKasalanan, Hatol ng Diyos saPayo sa Mapanakit sa Tao

At mangyayari, na kung ang salarin ay marapat paluin, ay padadapain siya ng hukom sa lupa, at papaluin sa kaniyang harap, ayon sa kaniyang sala na may bilang,

670
Mga Konsepto ng TaludtodPamamalo, MgaLatigoApatnapung Taon

Apat na pung palo ang maibibigay niya sa kaniya, huwag niyang lalagpasan: baka kung siya'y lumagpas, at paluin niya ng higit sa mga ito ng maraming palo, ay maging hamak nga sa iyo ang iyong kapatid.

769
Mga Konsepto ng TaludtodMukha, MgaPagduraLaway

Ang asawa nga ng kapatid ay paroroon sa kaniya sa harap ng mga matanda at huhubarin ang panyapak niya sa kaniyang mga paa, at luluran siya sa mukha; at siya'y sasagot at sasabihin, Ganyan ang gagawin sa lalake, na ayaw magtayo ng sangbahayan ng kaniyang kapatid.

817
Mga Konsepto ng TaludtodMatandang Edad, Ugali sa mayBayanPagdating sa TarangkahanMga Taong Hindi NagkukusaBayawPag-aasawa sa Pagitan ng Lalake at Babae

At kung ayaw kunin ng lalake ang asawa ng kaniyang kapatid, ay sasampa nga ang asawa ng kaniyang kapatid sa pintuang-bayan sa mga matanda, at sasabihin, Ang kapatid ng aking asawa ay tumatangging itindig ang pangalan ng kaniyang kapatid sa Israel; ayaw niyang tuparin sa akin ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.

848
Mga Konsepto ng TaludtodTamang TimbanganTumpakPaano Mabuhay ng MatagalTimbangSukat

Isang tunay at tapat na takalan magkakaroon ka; isang tunay at tapat na takalan magkakaroon ka: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

892

Huwag kang magkakaroon sa iyong bahay ng iba't ibang takalan, ng isang malaki at ng isang maliit.

904
Mga Konsepto ng TaludtodPagpipitagan at Asal sa LipunanKapaguranWalang Takot sa DiyosPagod sa PanghahabolKaaway, Atake ng mgaPagod

Na kung paanong sinalubong ka niya sa daan, at sinaktan niya ang mga kahulihulihan sa iyo, yaong lahat na mahina sa hulihan mo, nang ikaw ay pagod at pagal; at siya'y hindi natakot sa Dios.

915
Mga Konsepto ng TaludtodPangalang BinuraTinatapon ang Binhi sa Lupa

At mangyayari, na ang panganay na kaniyang ipanganganak ay hahalili sa pangalan ng kaniyang kapatid na namatay, upang ang kaniyang pangalan ay huwag mapawi sa Israel.

921

At ang kaniyang pangala'y tatawagin sa Israel, Ang bahay ng hinubaran ng panyapak.

954
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Hindi Nagkukusa

Kung magkagayo'y tatawagin siya ng mga matanda sa kaniyang bayan at pangungusapan siya: at kung siya'y tumayo at sabihin niya, Ayaw kong kunin siya;