Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ester 4

Ester Rango:

1
Mga Konsepto ng TaludtodPurimKapamahalaan ng BayanTamang Panahon para sa mga TaoPagliligtasPagpapalayaMaharlika, Pagka

Sapagka't kung ikaw ay lubos na tumahimik sa panahong ito, ay magtataglay nga ng katiwasayan at kaligtasan ang mga Judio sa ibang dako, nguni't ikaw at ang sangbahayan ng iyong magulang ay mapapahamak: at sinong nakakaalam na kung kaya ka pinasapit sa kaharian ay dahil sa bagay na ito?

10
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatanong ng Partikular na Bagay

Nang magkagayo'y tinawag ni Esther si Atach, na isa sa mga kamarero ng hari, na siya niyang inihalal na magingat sa kaniya, at binilinan niyang pumaroon kay Mardocheo, upang maalaman kung ano yaon, at kung bakit gayon.

31

At isinaysay sa kaniya ni Mardocheo ang lahat na nangyari sa kaniya, at ang lubos na kabilangan ng salapi na ipinangako ni Aman na ibayad sa mga ingatang-yaman ng hari hinggil sa mga Judio, upang lipulin sila.

33
Mga Konsepto ng TaludtodLungsod, Punong

Sa gayo'y nilabas nga ni Atach si Mardocheo, sa luwal na dako ng bayan, na nasa harap ng pintuang-daan ng hari.

51
Mga Konsepto ng TaludtodKopya ng mga DokumentoMga Taong Nagpapakita ng HabagAng Utos ng Hari

Binigyan din niya siya ng salin ng pasiya na natanyag sa Susan upang lipulin sila, upang ipakilala kay Esther, at ipahayag sa kaniya: at upang ibilin sa kaniya na siya'y paroon sa hari upang mamanhik sa kaniya, at upang hingin sa kaniya, dahil sa kaniyang bayan.

55

At si Atach ay naparoon, at isinaysay kay Esther ang mga salita ni Mardocheo.

61
Mga Konsepto ng TaludtodPinunit ang KasuotanAbo, MgaTumatangisYaong mga Humapak ng Kanilang KasuotanAbo ng Pagpapakababa

Nang maalaman nga ni Mardocheo ang lahat na nagawa, hinapak ni Mardocheo ang kaniyang suot, at nanamit ng kayong magaspang na may mga abo, at lumabas sa gitna ng bayan, at humiyaw ng malakas at kalagimlagim na hiyaw:

66
Mga Konsepto ng TaludtodPakikibagay

Nang magkagayo'y nagsalita si Esther kay Atach, at nagpasabi kay Mardocheo, na sinasabi,

73
Mga Konsepto ng TaludtodIsang BuwanParusang Kamatayan laban sa Karahasan

Lahat ng lingkod ng hari at ang bayan ng mga lalawigan ng hari ay nangakakaalam, na sinoman, maging lalake o babae, na paroroon sa hari sa pinakaloob na looban, na hindi tinatawag, may isang kautusan sa kaniya, na siya'y patayin, liban yaong paglawitan ng hari ng gintong cetro, upang siya'y mabuhay: nguni't hindi ako tinawag na paroon sa hari ng tatlong pung araw na ito.

77
Mga Konsepto ng TaludtodTadhana

Nang magkagayo'y pinapagbalik ng sagot sila ni Mardocheo kay Esther: Huwag mong isipin sa iyong sarili na ikaw ay makatatanan sa bahay ng hari, ng higit kay sa lahat na mga Judio.

95
Mga Konsepto ng TaludtodPakikibagay

Nang magkagayo'y nagpabalik ng sagot si Esther kay Mardocheo:

98
Mga Konsepto ng TaludtodNagsasabi tungkol sa Sinabi ng mga Tao

At isinaysay nila kay Mardocheo ang mga salita ni Esther.

101
Mga Konsepto ng TaludtodProbinsiyaAbo, MgaPagtangisMga Taong Tumatangis sa Pagkawasak

At sa bawa't lalawigan, na kinararatingan ng utos ng hari at ng kaniyang pasiya, ay nagkaroon ng malakas na panangisan sa gitna ng mga Judio, at ng pagaayuno, at ng iyakan at ng taghuyan; at marami ay nagsipanamit ng kayong magaspang at mga abo.

105
Mga Konsepto ng TaludtodDamit, Kailangan ngPagkabalisa, Mga Halimbawa ngMga Taong Nagbibigay ng Damit

At ang mga dalaga ni Esther at ang kaniyang mga kamarero ay nagsiparoon, at isinaysay sa kaniya; at ang reina ay namanglaw na mainam: at siya'y nagpadala ng bihisan upang isuot ni Mardocheo, at upang hubarin ang kaniyang kayong magaspang: nguni't hindi niya tinanggap.

114
Mga Konsepto ng TaludtodSumusunod sa mga Tao

Sa gayo'y yumaon si Mardocheo at ginawa ang ayon sa lahat na iniutos ni Esther sa kaniya.

119
Mga Konsepto ng TaludtodPagdating sa Tarangkahan

At siya'y naparoon hanggang sa harap ng pintuang-daan ng hari: sapagka't walang makapapasok sa loob ng pintuang-daan ng hari na nakapanamit ng magaspang na kayo.

152
Mga Konsepto ng TaludtodPagaayuno, Halimbawa ngIpanalangin ninyo KamiPagaayunoPagaayuno at Pananalangin

Ikaw ay yumaon, pisanin mo ang lahat na Judio, na nangakaharap sa Susan, at ipagayuno ninyo ako, at huwag kayong magsikain o magsiinom man na tatlong araw, gabi o araw; ako naman at ang aking mga dalaga ay mangagaayuno ng gayon ding paraan; at sa gayo'y papasukin ko ang hari, na hindi ayon sa kautusan: at kung ako'y mamatay ay mamatay.