Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ester 5

Ester Rango:

29
Mga Konsepto ng TaludtodAlkohol, Paggamit ngUmiinom ng AlakKalahati ng Distrito

At sinabi ng hari kay Esther sa pigingan ng alak: Ano ang iyong hingi? at ipagkakaloob sa iyo at ano ang iyong hiling? kahit kalahati ng kaharian ay ipagkakaloob.

35
Mga Konsepto ng TaludtodKahilingan

Nang magkagayo'y sumagot si Esther, at nagsabi, Ang aking hingi at ang aking hiling ay ito;

38
Mga Konsepto ng TaludtodHandaan, Katangian ngTao, Kanyang Kilos sa KinabukasanLingap

Kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa paningin ng hari, at kung kalugdan ng hari na ipagkaloob ang aking hingi, at gawin ang aking hiling, na pumaroon ang hari at si Aman sa pigingan na aking ihahanda sa kanila, at aking gagawin bukas na gaya ng sinabi ng hari.

45
Mga Konsepto ng TaludtodPinangalanang mga Asawang Babae

Gayon may nagpigil si Aman sa kaniyang sarili, at umuwi sa bahay; at siya'y nagsugo at tinipon ang kaniyang mga kaibigan at si Zeres na kaniyang asawa.

76
Mga Konsepto ng TaludtodNauupo sa PasukanPinangalanang mga Tao na may Galit sa IbaNagagalak sa Tagumpay

Nang magkagayo'y lumabas si Aman sa araw na yaon na galak at may masayang puso: nguni't nang makita ni Aman si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari, na hindi siya tumayo o kumilos man sa kaniya, siya'y napuno ng pagkapoot laban kay Mardocheo.

84
Mga Konsepto ng TaludtodAng Ikatlong Araw ng LinggoNaiibang KasuotanMaharlika, Pagka

Nangyari nga, nang ikatlong araw, na nagsuot si Esther ng kaniyang bihisang pagkareina, at tumayo sa pinakaloob ng bahay ng hari, sa tapat ng bahay-hari; at ang hari ay naupo sa kaniyang luklukang hari sa bahay-hari, sa tapat ng pasukan sa bahay.

106
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapahayagPagtataasAng Maraming Anak ay MabutiPaghahanap sa KarangalanMayayamang Tao

At isinaysay ni Aman sa kanila ang kaluwalhatian ng kaniyang mga kayamanan, at ang karamihan ng kaniyang mga anak, at lahat ng bagay na ipinagkaloob ng hari sa kaniya, at kung paanong siya'y nataas ng higit kay sa mga prinsipe at mga lingkod ng hari.

116
Mga Konsepto ng TaludtodInggit, Halimbawa ngNauupo sa Pasukan

Gayon ma'y ang lahat ng ito'y walang kabuluhan sa akin habang aking nakikita si Mardocheo na Judio na nakaupo sa pintuang-daan ng hari.

118
Mga Konsepto ng TaludtodPagtakas sa mga Pisikal na BagayMasamang Asawa, Halimbawa ngManunuksong mga KababaihanSukat ng Ibang mga BagayMga Taong BinitayPinangalanang mga Asawang Babae

Nang magkagayo'y sinabi ni Zeres na kaniyang asawa at ng lahat niyang kaibigan sa kaniya: Magpagawa ka ng isang bibitayan na may limang pung siko ang taas, at sa kinaumagahan ay salitain mo sa hari na bitayin doon si Mardocheo: kung magkagayo'y yumaon kang masaya na kasama ng hari sa pigingan. At ang bagay ay nakalugod kay Aman; at kaniyang ipinagawa ang bibitayan.

120
Mga Konsepto ng TaludtodHipuin ang Banal na mga Bagay

At nagkagayon, nang makita ng hari si Esther na reina na nakatayo sa looban, na siya'y nagtamo ng biyaya sa kaniyang paningin: at inilawit ng hari kay Esther ang gintong cetro na nasa kaniyang kamay. Sa gayo'y lumapit si Esther, at hinipo ang dulo ng cetro.

126
Mga Konsepto ng TaludtodReynaAno ba ang Kalagayan?Kalahati ng Distrito

Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa kaniya, Anong ibig mo, reina Esther? at ano ang iyong hiling? mabibigay sa iyo kahit kalahati ng kaharian.

128
Mga Konsepto ng TaludtodIsang Tao Lamang

Sinabi ni Aman, bukod dito: Oo, si Esther na reina ay hindi nagpasok ng sinoman na kasama ng hari sa pigingan na kaniyang inihanda kundi ako lamang; at kinabukasan naman ay inaanyayahan niya ako na kasama ng hari.

133
Mga Konsepto ng TaludtodPinagmamadali ang Iba

Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Papagmadaliin si Aman upang magawa ang gaya ng sinabi ni Esther. Sa gayo'y naparoon ang hari at si Aman sa pigingan na inihanda ni Esther.

136

At sinabi ni Esther, Kung inaakalang mabuti ng hari, pumaroon sa araw na ito ang hari at si Aman sa pigingan na aking inihanda sa kaniya.