Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ester 9

Ester Rango:

20
Mga Konsepto ng TaludtodSampung Tao

Na sangpung anak ni Aman, na anak ni Amedatha, na kaaway ng mga Judio, ay pinatay nila; nguni't sa pagsamsam, hindi nila binuhat ang kanilang kamay.

37
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay ng Impormasyon

Nang araw na yaon ay ang bilang ng nangapatay sa Susan na bahay-hari ay dinala sa harap ng hari.

40
Mga Konsepto ng TaludtodSampung TaoApat hanggang Limang DaanApat at Limang DaanBilang ng mga Banyagang Namatay

At sinabi ng hari kay Esther na reina; Ang mga Judio ay nagsipatay at nagsilipol ng limang daang lalake sa Susan na bahay-hari, at ng sangpung anak ni Aman; ano nga ang kanilang ginawa kaya sa ibang mga lalawigan ng hari? Ngayon, ano pa ang iyong kahilingan? at ipagkakaloob sa iyo: o ano pa ang iyong kahingian? at gagawin.

48
Mga Konsepto ng TaludtodBuwan, Ikalabing DalawangJudio, sa Ilalim ng PananakotPagkamuhi sa mga Tao

Sa ikalabing dalawang buwan nga, na siyang buwan ng Adar, nang ikalabing tatlong araw ng buwan ding yaon, nang ang utos ng hari at ang pasiya niya ay malapit nang gagawin, nang araw na inaasahan ng mga kaaway ng mga Judio na magpuno sa kanila; (yamang napabaligtad, na ang mga Judio ay siyang naghari sa kanila na nangapopoot sa kanila),

52

At sinulat ni Mardocheo ang mga bagay na ito, at nagpadala ng mga sulat sa lahat ng Judio, na nangasa lahat na lalawigan ng haring Assuero, sa malapit at gayon din sa malayo,

53
Mga Konsepto ng TaludtodTatlo at ApatnaraanBuwan, Ikalabing DalawangTatlong Daan at Higit PaBilang ng mga Banyagang Namatay

At ang mga Judio na nangasa Susan ay nagpipisan nang ikalabing apat na araw din ng buwan ng Adar, at nagsipatay ng tatlong daang lalake sa Susan: nguni't sa pagsamsam ay hindi sila nangagbuhat na kanilang kamay.

54
Mga Konsepto ng TaludtodBuwan, Ikalabing Dalawang

Ito'y nagawa nang ikalabing tatlong araw ng buwan ng Adar: at nang ikalabing apat na araw ng buwan ding yaon ay nangagpahinga sila, at ginawang araw ng pistahan at kasayahan.

56
Mga Konsepto ng TaludtodLimangpu hanggang Siyamnapung LiboJudio, sa Ilalim ng PananakotPagkamuhi sa mga TaoBilang ng mga Banyagang Namatay

At ang ibang mga Judio na nangasa mga lalawigan ng hari ay nagpipisan, at ipinagsanggalang ang kanilang buhay, at nangagkaroon ng kapahingahan sa kanilang mga kaaway, at nagsipatay sa mga nangapopoot sa kanila ng pitong pu't limang libo; nguni't sa pagsamsam ay hindi nila binuhat ang kanilang kamay.

58
Mga Konsepto ng TaludtodPagkatuwaBuwan, Ikalabing DalawangKanayunanMga Taong Nagbibigay Pagkain

Kaya't ang mga Judio sa mga nayon, na nagsisitahan sa mga bayan na hindi nangakukutaan, ginagawa ang ikalabing apat na araw ng buwan ng Adar na araw ng kasayahan at pistahan, at mabuting araw, at ng padalahan ng mga bahagi ng isa't isa.

65
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatagBuwan, Ikalabing DalawangPagdiriwang

Upang ipagbilin sa kanila na kanilang ipangilin ang ikalabing apat na araw ng buwan ng Adar, at ang ikalabing lima niyaon, taon-taon.

71
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang mga KathaMga Taong Binitay

Nguni't nang dumating sa harap ng hari ang bagay, ay kaniyang iniutos sa pamamagitan ng mga sulat na ang kaniyang masamang banta, na kaniyang ibinanta laban sa mga Judio, ay mauwi sa kaniyang sariling ulo; at siya at ang kaniyang mga anak ay mabitay sa bibitayan.

113
Mga Konsepto ng TaludtodNakabitinSampung TaoMga Taong Binitay

At iniutos ng hari na gawing gayon: at ang pasiya ay nabigay mula sa Susan; at kanilang ibinitin ang sangpung anak ni Aman.

125
Mga Konsepto ng TaludtodSampung TaoTao, Kanyang Kilos sa KinabukasanMga Taong Binitay

Nang magkagayo'y sinabi ni Esther, Kung kinalulugdan ng hari ipagkaloob sa mga Judio na nangasa Susan na gawin din bukas ang ayon sa pasiya ng araw na ito, at ang sangpung anak ni Aman ay mabitin sa bibitayan.

141
Mga Konsepto ng TaludtodPagtagumpayan ang mga KaawayMga Taong Nagbibigay PagkainNagagalak sa Gawa ng Diyos

Na mga pinakaaraw na ipinagkaroon ng kapahingahan ng mga Judio sa kanilang mga kaaway, at buwan ng ikinapaging kasayahan ng kapanglawan, at ikinapaging mabuting araw ng pagtangis: upang kanilang gawing mga araw ng pistahan at kasayahan, at ng pagpapadalahan ng mga bahagi ng isa't isa, at ng mga kaloob sa mga dukha.

148
Mga Konsepto ng TaludtodBuwan, Ikalabing Dalawang

Nguni't ang mga Judio na nangasa Susan ay nagpipisan nang ikalabing tatlong araw niyaon, at nang ikalabing apat niyaon; at nang ikalabing limang araw ng buwan ding yaon ay nangagpahinga sila, at ginawang araw ng kapistahan at kasayahan.

149
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatay sa mga Israelita

Sapagka't si Aman na anak ni Amedatha na Agageo, na kaaway ng lahat na Judio ay nagbanta laban sa mga Judio upang lipulin sila, at pinagsapalaran nga ang Pur, upang patayin, at upang lipulin sila;

150

At si Pharmastha, at si Arisai, at si Aridai, at si Vaizatha,

151
Mga Konsepto ng TaludtodTakot sa Ibang mga Tao

Ang mga Judio ay nagpipisan sa kanilang mga bayan sa lahat na lalawigan ng haring Assuero, upang magbuhat ng kamay sa mga nagbabanta ng kanilang kapahamakan: at walang makatayo sa kanila; sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa lahat ng mga bayan.

153

At si Phorsandatha, at si Dalphon, at si Asphatha,

154
Mga Konsepto ng TaludtodApat hanggang Limang DaanApat at Limang DaanBilang ng mga Banyagang Namatay

At sa Susan na bahay-hari ay nagsipatay ang mga Judio at nagsilipol ng limang daang lalake.

155
Conceptos de los VersículosPurim

Ang mga Judio ay nangagpasiya at nagsipangako sa kanilang sarili at sa kanilang binhi, at sa lahat ng yaon na nagpipisan sa kanila, na anopa't huwag magkulang, na kanilang ipangingilin ang dalawang araw na ito ayon sa sulat niyaon, at ayon sa takdang panahon niyaon taon-taon;

156
Mga Konsepto ng TaludtodJudio, sa Ilalim ng PananakotTakot sa Isang Tao

At lahat ng mga prinsipe sa mga lalawigan, at ang mga satrapa, at ang mga tagapamahala, at ang mga nagsisigawa ng gawain ng hari, ay nagsitulong sa mga Judio; sapagka't ang takot kay Mardocheo ay suma kanila,

157

At si Phoratha, at si Ahalia, at si Aridatha.

158

At sinaktan ng mga Judio ang lahat ng kanilang mga kaaway sa taga ng tabak, at sa pagpatay at paggiba, at ginawa ang naibigan nila sa nangapopoot sa kanila.

159
Mga Konsepto ng TaludtodPurimAnibersaryo ng mga Pista, AngPagdiriwangNagdiriwang

Kaya't kanilang tinawag ang mga araw na ito na Purim, ayon sa pangalan ng Pur. Kaya't dahil sa lahat na salita ng sulat na ito, at ng kanilang nakita tungkol sa bagay na ito, at ng dumating sa kanila,

160
Mga Konsepto ng TaludtodKatibayan

Nang magkagayo'y si Esther na reina na anak ni Abihail, at si Mardocheo na Judio, sumulat ng buong kapamahalaan upang pagtibayin ang ikalawang sulat na ito ng Purim.

161
Mga Konsepto ng TaludtodAlaala

At ang mga araw na ito ay aalalahanin at ipangingilin sa buong panahon, na bawa't angkan, ng bawa't lalawigan, at ng bawa't bayan; at ang mga araw na ito ng Purim ay hindi lilipas sa mga Judio, o ang alaala man sa mga yaon ay lilipas sa kanilang binhi.

162
Mga Konsepto ng TaludtodSumusunod sa mga Tao

At pinagkasunduan ng mga Judio na gawin ang gaya ng kanilang pinasimulan, at ang isinulat ni Mardocheo sa kanila;

163
Mga Konsepto ng TaludtodIsangdaan at ilan

At siya'y nagpadala ng mga sulat sa lahat ng mga Judio, sa isang daan at dalawang pu't pitong lalawigan ng kaharian ni Assuero, na may mga salita ng kapayapaan at katotohanan,

164
Mga Konsepto ng TaludtodKatanyaganProbinsiya

Sapagka't si Mardocheo ay dakila sa bahay ng hari, at ang kaniyang kabantugan ay lumaganap sa lahat ng mga lalawigan: sapagka't ang lalaking si Mardocheo ay dumakila, ng dumakila.

166
Mga Konsepto ng TaludtodPaano Mag-ayuno

Upang pagtibayin ang mga araw na ito ng Purim, sa kanilang mga takdang panahon, ayon sa ibinilin sa kanila ni Mardocheo na Judio at ni Esther na reina, at ayon sa kanilang ipinasiya sa kanilang sarili at sa kanilang binhi, sa bagay ng pag-aayuno at ng kanilang pagdaing.

167
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng Kasaysayan

At pinagtibay ng utos ni Esther ang mga bagay na ito ng Purim; at nasulat sa aklat.