Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Exodo 11

Exodo Rango:

256
Mga Konsepto ng TaludtodKagantihanOrganisasyon

At sinabi ng Panginoon kay Moises, May isang salot pa akong dadalhin kay Faraon at sa Egipto; pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niyang kayo'y umalis dito: pagpapahintulot niya sa inyong yumaon, ay tunay na kayo'y samasamang palalayasin niya rito.

278
Mga Konsepto ng TaludtodOrasHating Gabi

At sinabi ni Moises, Ganito ang sinasabi ng Panginoon, Sa may hating gabi ay lalabas ako sa gitna ng Egipto:

298
Mga Konsepto ng TaludtodGinigilingNauupoTronoKamatayan ng mga PanganayKamatayan ng lahat ng NilalangDakila at MuntiAng mga Tao at Hayop ay kapwa NapatayKamatayan ng ibang GrupoAng Kamatayan ng mga SanggolKamatayan ng isang BataPamilya, Kamatayan sa

At lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto ay mamamatay, mula sa panganay ni Faraon, na nakaluklok sa kaniyang luklukan, hanggang sa panganay ng aliping babaing nasa likuran ng gilingan; at ang lahat ng mga panganay sa mga hayop.

299
Mga Konsepto ng TaludtodAso, MgaSalot, MgaTahol at AlulongDiyos na Nagbibigay PagkakaibaAng mga Tao at Hayop ay Kapwa NaapektuhanPagkakaalam sa Katangian ng DiyosIsrael

Datapuwa't sa lahat ng anak ng Israel mula sa tao hanggang sa hayop, ay walang maggagalaw kahit isang aso ng kaniyang dila laban sa tao o sa hayop: upang inyong makilala kung paano ang pagkakalagay ng pagkakaiba ng Panginoon sa mga Egipcio at sa Israel.

311

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Hindi kayo didinggin ni Faraon: upang ang aking mga kababalaghan ay dumami sa lupain ng Egipto.

316
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Lingap ng

At pinagbiyayaan ng Panginoon ang bayan, sa paningin ng mga Egipcio. Saka si Moises ay lalaking naging dakila sa lupain ng Egipto, sa paningin ng mga lingkod ni Faraon, at sa paningin ng bayan.

317
Mga Konsepto ng TaludtodPangungutang, Halimbawa ngGinto

Magsalita ka ngayon sa pakinig ng bayan, at humingi ang bawa't lalake sa kaniyang kapuwa, at bawa't babae sa kaniyang kapuwa, ng mga hiyas na pilak, at ng mga hiyas na ginto.

322
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, bilang Tagapagsalita ni MoisesHimala, Tugon sa mgaDiyos na Nagpapatigas ng PusoIba pang mga Himala

At ginawa ni Moises at ni Aaron ang lahat ng mga kababalaghang ito sa harap ni Faraon: at pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon, at hindi niya pinahintulutan ang mga anak ni Israel ay umalis sa kaniyang lupain.

340
Mga Konsepto ng TaludtodNatatanging mga Pangyayari

At magkakaroon ng malakas na hiyawan sa buong lupain ng Egipto, na hindi nagkaroon ng kaparis, at hindi na magkakaroon pa ng kaparis.

351
Mga Konsepto ng TaludtodPagyukodGalit ng TaoMainitGalit, Halimbawa ng MakatuwirangGalit ng Tao, SanhiUmali sa EhiptoPinangalanang mga Tao na may Galit sa Iba

At bababain ako nitong lahat na iyong lingkod, at magsisiyukod sa akin, na magsasabi, Umalis ka, at ang buong bayan na sumusunod sa iyo: at pagkatapos niyaon ay aalis ako. At siya'y umalis sa harap ni Faraon na may maalab na galit.