Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Exodo 10

Exodo Rango:

77
Mga Konsepto ng TaludtodPagtataboyTao, Sumasambang mgaNananambahan sa Diyos

Huwag ganyan: yumaon kayong mga lalake, at maglingkod sa Panginoon; sapagka't iyan ang inyong ninanasa. At sila'y pinaalis sa harap ni Faraon.

92
Mga Konsepto ng TaludtodSagisag, MgaIunatNatitirang PagkainHayop, Kumakain na mga

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa lupain ng Egipto, upang magdala ng mga balang, at bumaba sa lupain ng Egipto, at kumain ng lahat na halaman sa lupain, yaong lahat na iniwan ng granizo.

113
Mga Konsepto ng TaludtodPananakop, MgaNatatanging mga NilalangMaraming mga Nilalang

At ang mga balang ay bumaba sa buong lupain ng Egipto, at nagsipagpahinga sa lahat ng hangganan ng Egipto; totoong napakakapal; bago noon ay hindi nagkaroon ng gayong balang, at hindi na magkakaroon pa, pagkatapos noon, ng gayon.

126
Mga Konsepto ng TaludtodIunat

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dakong langit, upang magdilim sa lupain ng Egipto, ng kadiliman na mahihipo.

131
Mga Konsepto ng TaludtodKasalanan, Kalikasan ngNagmamadaling HakbangHari na Ipinatawag, MgaKami ay Nagkasala

Nang magkagayo'y tinawag na madali ni Faraon si Moises at si Aaron, at kaniyang sinabi, Ako'y nagkasala laban sa Panginoon ninyong Dios, at laban sa inyo.

132
Mga Konsepto ng TaludtodHindi NamamatayKamatayang NaiwasanPagpapatawad sa Isa't IsaIpanalangin ninyo KamiNananalangin para sa MakasalananPagpapatawad

Ngayon nga'y ipatawad mo, isinasamo ko sa iyo, ang aking kasalanan, na ngayon na lamang at idalangin ninyo sa Panginoon ninyong Dios, na kaniya lamang ilayo sa akin ang kamatayang ito.

135
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaan ng KaloobanKatigasang PusoDiyos na Nagpapatigas ng PusoMatinding Kahibangan

Datapuwa't pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon, at hindi niya pinayaon ang mga anak ni Israel.

136
Mga Konsepto ng TaludtodHari na Ipinatawag, MgaSambahin ang Diyos!

At tinawag ni Faraon si Moises, at sinabi, Yumaon kayo, maglingkod kayo sa Panginoon; inyo lamang iwan ang inyong mga kawan at ang inyong mga bakahan; isama rin naman ninyo ang inyong mga bata.

137
Mga Konsepto ng TaludtodNananalangin para sa Makasalanan

At nilisan niya si Faraon, at nanalangin sa Panginoon.

138
Mga Konsepto ng TaludtodSilanganGalit ng Diyos, Mga Halimbawa ngHimala ni Moises at Aaron, MgaIsang ArawMula sa SilanganKulisapAng Silangang Hangin

At iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa lupain ng Egipto, at ang Panginoo'y nagpahihip ng hanging silanganan sa lupain ng buong araw na yaon, at ng buong gabi; at nang maumaga, ang hanging silanganan ay nagdala ng mga balang.

190
Mga Konsepto ng TaludtodItimNilulukuban ang MundoKadiliman kahit UmagaBerdeNatitirang PagkainHayop, Kumakain na mgaSirain ang mga Puno

Sapagka't tinakpan ng mga yaon ang balat ng buong lupa, na ano pa't ang lupain ay nagdilim; at kinain ang lahat na halaman sa lupain, at ang lahat na bunga ng mga kahoy na iniwan ng granizo; at walang natirang anomang sariwang bagay, maging sa punong kahoy o sa halaman sa parang, sa buong lupain ng Egipto.

204
Mga Konsepto ng TaludtodKaragatanKanluranHanginHimala ni Moises at Aaron, MgaMula sa KanluranIba pang mga Talata tungkol sa Pulang Dagat

At pinapagbalik ng Panginoon ang isang napakalakas na hanging kalunuran, na siyang nagpaitaas sa mga balang, at tumangay ng mga yaon sa Dagat na Mapula; walang natira kahit isang balang sa buong hangganan ng Egipto.

223
Mga Konsepto ng TaludtodPaulit UlitHimala ni Moises at Aaron, MgaHindi Pangkaraniwang KadilimanIunatTatlong Araw

At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dakong langit; at nagsalimuutan ang dilim sa buong lupain ng Egipto, na tatlong araw;

247
Mga Konsepto ng TaludtodLiwanag, KaraniwangSalot, MgaTatlong ArawLiwanag sa DaigdigHindi NakikitaPaglipat sa Bagong Lugar

Sila'y hindi nagkikita, at walang tumindig na sinoman sa kinaroroonan sa loob ng tatlong araw; kundi lahat ng mga anak ni Israel ay nagilaw sa kanikaniyang tahanan.

261
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagpapatigas ng Puso

Datapuwa't pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon, at hindi niya pinayaon sila.

270
Mga Konsepto ng TaludtodNagmamay-ari ng mga HayopMga Taong Hindi TumatalikodPaa ng mga NilalangKahangalan sa Totoo

Ang aming hayop man ay yayaong kasama namin; wala kahit isang paa na maiiwan; sapagka't sa kanila kami nararapat kumuha ng aming ipaglilingkod sa Panginoon naming Dios; at hindi namin nalalaman kung ano ang aming nararapat ipaglingkod sa Panginoon, hanggang sa kami ay dumating doon.

271
Mga Konsepto ng TaludtodSinunog na Alay

At sinabi ni Moises, ikaw ay nararapat ding magbigay sa aming kamay ng mga hain at mga handog na susunugin, upang aming maihain sa Panginoon naming Dios.

276
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklamMasamang mga MagulangKaranasan sa DiyosMga Bata, Pangangailangan ngKasaysayanPagkakakilala sa DiyosTagubilin sa mga BataMagulang sa mga Anak, Tungkulin ngIyong Malalaman na Ako ang PanginoonPagtuturo sa mga BataNagsasabi tungkol sa Diyos

At upang iyong maisaysay sa mga pakinig ng iyong anak, at sa anak ng iyong anak, kung anong mga bagay ang ginawa ko sa Egipto, at ang aking mga tandang ginawa sa gitna nila; upang inyong maalaman, na ako ang Panginoon.

283
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NaghihiwalayHindi Nakikita ang mga Tao

At sinabi ni Moises, Mabuti ang sabi mo, hindi ko na muling makikita ang iyong mukha.

287
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Nakikita ang mga TaoPagpatay na Mangyayari

At sinabi ni Faraon sa kaniya, Umalis ka sa harap ko, iyong pagingatang huwag mo nang makitang muli ang aking mukha; sapagka't sa araw na iyong makita ang aking mukha ay mamamatay ka.

304
Mga Konsepto ng TaludtodKapakumbabaanBago Kumilos ang Taong-BayanNananambahan sa DiyosKapakumbabaan ng Sarili

At pinasok ni Moises at ni Aaron si Faraon at sinabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga Hebreo, Hanggang kailan tatanggi kang mangayupapa sa harap ko? payaunin mo ang aking bayan, upang ako'y mapaglingkuran nila.

306
Mga Konsepto ng TaludtodInsektoBalang, MgaGagawin ng Diyos sa Kinabukasan

O kung tatanggihan mong payaunin ang aking bayan, ay narito, bukas ay magdadala ako ng mga balang sa iyong hangganan:

310
Mga Konsepto ng TaludtodPuspusin ang mga LugarPuspusin ang mga BahayNatatanging mga Nilalang

At ang inyong mga bahay ay mapupuno, at ang mga bahay ng lahat mong lingkod, at ang mga bahay ng mga Egipcio: na hindi nakita ng inyong mga magulang, mula nang araw na sila'y mapasa lupa hanggang sa araw na ito. At siya'y pumihit at nilisan si Faraon.

320
Mga Konsepto ng TaludtodKawan, MgaLahat ng TaoAng mga Tao at Hayop ay Kapwa NaapektuhanPagdiriwang na Tinatangkilik

At sinabi ni Moises: Kami ay yayaon sangpu ng aming mga bata at sangpu ng mga matanda, sangpu ng aming mga anak na lalake at babae, sangpu ng aming mga kawan at sangpu ng aming mga bakahan, kami ay yayaon; sapagka't kami ay nararapat magdiwang ng isang pista sa Panginoon.

324
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Patibong saBago Kumilos ang Taong-BayanNananambahan sa Diyos

At sinabi sa kaniya ng mga lingkod ni Faraon, Hanggang kailan magiging isang silo sa atin ang taong ito? payaunin mo ang mga taong iyan upang sila'y makapaglingkod sa Panginoon nilang Dios: hindi mo pa ba natatalastas, na ang Egipto'y giba na?

331
Mga Konsepto ng TaludtodNilulukuban ang MundoNatitirang PagkainHayop, Kumakain na mgaSirain ang mga Puno

At kanilang tatakpan ang ibabaw ng lupa, na walang makakakita ng ibabaw ng lupa: at kanilang kakanin ang naiwan sa nangaligtas, na itinira sa inyo ng granizo, at kanilang kakanin ang bawa't kahoy na itinutubo sa inyo ng parang:

359
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na SasaiyoGawan ng Mali ang Ibang Tao

At kaniyang sinabi sa kanila, Sumainyo nawa ang Panginoon, na gaya ng aking pagpapayaon sa inyo, at sa inyong mga bata: magingat kayo; sapagka't ang kasamaan ay nasa harap ninyo.

367
Mga Konsepto ng TaludtodLingkod, Panambahan sa Diyos at PagigingSino ang Gumagawa?Sambahin ang Diyos!

At si Moises at si Aaron ay pinapagbalik kay Faraon, at kaniyang sinabi sa kanila, Kayo'y yumaon, maglingkod kayo sa Panginoon ninyong Dios: datapuwa't sino sino yaong magsisiyaon?

539
Mga Konsepto ng TaludtodMahimalang mga TandaDiyos na Nagpapatigas ng Puso

At sinabi ng Panginoon kay Moises: Pasukin mo si Faraon, sapagka't aking pinapagmatigas ang kaniyang puso, at ang puso ng kaniyang mga lingkod; upang aking maipakilala itong aking mga tanda sa gitna nila: