Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Exodo 38

Exodo Rango:

668
Mga Konsepto ng TaludtodKahoyAkasya na KahoyParisukat, MgaSukat ng mga Gamit sa TemploNahahanda Itayo ang Tansong Dambana

At kaniyang ginawa ang dambanang pagsusunugan ng handog na kahoy na akasia: limang siko ang haba niyaon, at limang siko ang luwang niyaon, parisukat; at tatlong siko ang taas niyaon.

697

Ito ang mga bilang ng mga bagay sa tabernakulo, sa makatuwid baga'y sa tabernakulo ng patotoo, gaya ng binilang nila, ayon sa utos ni Moises para sa paglilingkod ng mga Levita sa pamamagitan ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote.

744
Mga Konsepto ng TaludtodTansoSalamin, MgaTansoPagtitipon sa Pasukang DaananPagkamal ng TansoParaan ng PaglilinisTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At kaniyang ginawa ang hugasan na tanso, at ang tungtungan niyao'y tanso, na niyari sa mga salamin ang tanso ng mga tagapaglingkod na babae na naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

837
Mga Konsepto ng TaludtodKalagitnaan ng EdadPagawaan ng SinsilyoDalawangpuTatlo hanggang Siyamraang LiboKalahati ng mga Bagay-bagayMga Pagtitimbang na PanukatTamang SukatBuwis na Dapat Bayaran

Na tigisang beka bawa't ulo, samakatuwid, kalahati ng isang siklo, ayon sa siklo ng santuario, sa bawa't isa na nasanib sa mga nabilang, magmula sa dalawangpung taong gulang na patanda, sa anim na raan at tatlong libo at limang daan at limangpung lalake.

887
Mga Konsepto ng TaludtodPagawan ng SinsilyoPilakPagkamal na PilakTamang Sukat

At ang pilak niyaong mga nabilang sa kapisanan ay isang daang talento, at isang libo't pitong daan at pitongpu't limang siklo, ayon sa siklo ng santuario:

961
Mga Konsepto ng TaludtodLinoLino, Mga Iba't Ibang

At kaniyang ginawa ang looban, sa tagilirang timugan na dakong timugan, ang tabing ng looban ay mga linong pinili na may isang daang siko:

973
Mga Konsepto ng TaludtodIwinagayway na HandogTamang SukatTimbang ng Ginto

Lahat ng ginto na ginamit sa gagawin sa buong gawain sa santuario, sa makatuwid baga'y ang gintong handog ay dalawangpu't siyam na talento, at pitong daan at tatlongpung siklo, ayon sa siklo ng santuario.

986
Mga Konsepto ng TaludtodLinoTrabahoHusayPulang MateryalesAsul na TelaLila, Tela na KulayPaguukitMala-Asul na Lila at Iskarlata

At kasama niya si Aholiab, na anak ni Ahisamac, sa lipi ni Dan, na tagapagukit, at bihasang manggagawa, at mangbuburda sa bughaw at sa kulay-ube, at sa pula, at sa lino.

1014
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasagawa ng TabernakuloBayan ng Juda

At ginawa ni Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda, yaong lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises.

1015
Mga Konsepto ng TaludtodTolda, MgaTalasokTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At lahat ng mga tulos ng tabernakulo, at ng looban sa palibot, ay tanso.

1046
Mga Konsepto ng TaludtodPlangganaPala, MgaTansong mga Bagay para sa TabernakuloProbisyon ng Kagamitan sa Templo

At kaniyang ginawa ang lahat ng mga kasangkapan ng dambana: ang mga kawa, at ang mga pala, at ang mga mangkok, ang mga pangalawit, at ang mga suuban lahat ng kasangkapan ay kaniyang ginawang tanso.

1061
Mga Konsepto ng TaludtodSampung BagayKanlurang Bahagi

At sa tagilirang kalunuran, may mga tabing na may limangpung siko, ang mga haligi ay sangpu, at ang mga tungtungan ay sangpu; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak.

1078
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamal ng TansoTimbang ng Ibang mga BagayKaloob

At ang tansong handog ay pitongpung talento, at dalawang libo at apat na raang siklo.

1081
Mga Konsepto ng TaludtodPinapaibabawan ng Pilak

At sa isang libo't pitong daan at pitong pu't limang siklo, ay naigawa ng sima ang mga haligi at binalot ang mga kapitel, at iginawa ng mga pilete.

1095
Mga Konsepto ng TaludtodLino, Mga Iba't Ibang

Lahat ng mga tabing ng looban sa palibot, ay linong pinili.

1098
Mga Konsepto ng TaludtodPagbuburdaKulay, Asul naTarangkahan ng TemploPulang MateryalesAsul na TelaLila, Tela na KulayMala-Asul na Lila at Iskarlata

At ang tabing sa pintuang daan ng looban ay yari ng mangbuburda, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili: at may dalawangpung siko ang haba, at ang taas sa luwang ay may limang siko, na kabagay ng mga tabing sa looban.

1117
Mga Konsepto ng TaludtodIsang DaanTakukap Mata

At ang isang daang talentong pilak ay ginamit sa pagbububo ng mga tungtungan ng santuario, at ng mga tungtungan ng mga haligi ng lambong; isang daang tungtungan sa isang daang talento, isang talento sa bawa't tungtungan.

1132
Mga Konsepto ng TaludtodSungay, MgaApat na SungayPinapaibabawan ng TansoIsang Materyal na Bagay

At kaniyang ginawa ang mga anyong sungay niyaon sa ibabaw ng apat na sulok niyaon; ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din: at kaniyang binalot ng tanso.

1139
Mga Konsepto ng TaludtodPilakPinapaibabawan ng PilakTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At ang mga tungtungan para sa mga haligi ay tanso: ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak; at ang mga balot ng mga kapitel ay pilak; at ang lahat ng haligi ng looban ay napipiletehan ng pilak.

1153
Mga Konsepto ng TaludtodDalawangpuTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

Ang mga haligi ng mga yao'y dalawangpu, at ang mga tungtungan ay dalawangpu, tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak.

1155
Mga Konsepto ng TaludtodGuwang, Pagkakaroon ngDala-dalang mga Banal na BagayGuwang

At kaniyang isinuot ang mga pingga sa mga argolya na nasa mga tagiliran ng dambana, upang mabuhat; ginawa niya ang dambana na kuluong sa pamamagitan ng mga tabla.

1156
Mga Konsepto ng TaludtodKalahati ng mga Bagay-bagayTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At kaniyang iginawa ang dambana ng isang salang tanso na ayos lambat, sa ibaba ng gilid ng dambana sa palibot niyaon, sa dakong ibaba, na umaabot hanggang sa kalahatian ng dambana.

1162
Mga Konsepto ng TaludtodApat na SuhayHaligi sa Tabernakulo, MgaPinapaibabawan ng PilakTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At ang mga haligi ay apat, at ang mga tungtungan ay apat, tanso; ang mga sima ay pilak, at ang mga balot ng kapitel, at ang mga pilete ay pilak.

1163
Mga Konsepto ng TaludtodMangagawa ng SiningDalawangpuTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At sa dakong hilagaan ay may isang daang siko, ang mga haligi ay dalawangpu, at ang mga tungtungan ay dalawangpu, tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ay pilak.

1171
Mga Konsepto ng TaludtodTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At siyang ipinaggawa ng mga tungtungan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at ng dambanang tanso, at ng salang tanso niyaon, at ng lahat ng kasangkapan ng dambana,

1172
Mga Konsepto ng TaludtodApat na Suhay

At siya'y nagbubo ng apat na argolya para sa apat na sulok ng pinakasalang tanso, sa mga dakong susuutan ng mga pingga.

1186
Mga Konsepto ng TaludtodTalasokTansong mga Bagay para sa Tabernakulo

At ng mga tungtungan ng looban sa palibot, at ng mga tungtungan ng pintuan ng looban, at ng lahat ng mga tulos ng dampa, at ng lahat ng mga tulos ng looban sa palibot.

1193
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong Iba pang Bagay

Ang mga tabing sa isang dako ng pintuang-daan ay may labinglimang siko; ang mga haligi ay tatlo, at ang mga tungtungan ay tatlo;

1199
Mga Konsepto ng TaludtodAkasya na KahoyPinapaibabawan ng TansoPinapaibabawan ng Kahoy

At ginawa niya ang mga pingga na kahoy na akasia, at pinagbalot ng tanso.

1202

At sa tagilirang silanganan na dakong silanganan ay may limangpung siko.

1213
Mga Konsepto ng TaludtodTatlong Iba pang Bagay

At gayon din sa kabilang dako: sa dakong ito at sa dakong yaon ng pintuang daan ng looban ay may mga tabing na tiglalabing limang siko; ang mga haligi niyaon, ay tatlo, at ang mga tungtungan niyaon ay tatlo.