Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 17

Ezekiel Rango:

47
Mga Konsepto ng TaludtodGarantiyaWalang Takas

Sapagka't kaniyang hinamak ang sumpa sa pagsira ng tipan; at narito, naiabot na niya ang kaniyang kamay, at gayon ma'y ginawa ang lahat na bagay na ito; siya'y hindi makatatanan.

70
Mga Konsepto ng TaludtodPaglabag sa Tipan

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Buhay ako, walang pagsalang ang panunumpa sa akin na kaniyang hinamak, at ang tipan sa akin na kaniyang sinira, aking pararatingin sa kaniyang sariling ulo.

93
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Israel ay Ipinatapon saLambatDiyos na Naglalagay ng PatibongPagpapatapon, Mga Tao saDiyos na Naghahain ng KasoHindi Tapat

At aking ilalagay ang aking panilo sa kaniya, at siya'y mahuhuli sa aking silo, at dadalhin ko siya sa Babilonia, at siya'y aking hahatulan doon dahil sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang laban sa akin.

106
Mga Konsepto ng TaludtodMalambingMessias, Propesiya tungkol saMatalinghagang PagtatanimAng mga Kabundukan ng Israel

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Kukuha naman ako sa dulo ng mataas na cedro, at aking itatanim; sa pinakamataas ng kaniyang sariwang sanga ay puputol ako ng supling, at aking itatanim sa isang mataas na bundok at matayog:

133
Mga Konsepto ng TaludtodKulay, Berde naMaliliit na mga BagayMamasa masang mga BagaySirain ang mga PunoIbinababa ang mga BagayBagay na Itinaas, MgaBagay sa Kaitaasan, Mga

At ang lahat na punong kahoy sa parang ay makakaalam na akong Panginoon ang nagbaba sa mataas na punong kahoy, nagtaas sa mababang punong kahoy, tumuyo sa sariwang punong kahoy, at nagpanariwa sa tuyong punong kahoy: akong Panginoon ang nagsalita at gumawa niyaon.

345
Mga Konsepto ng TaludtodPuganteNalabiPinatay sa TabakNakaligtas, Pananakot sa mga

At ang lahat niyang mga tanan sa lahat niyang pulutong ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang nalabi ay mangangalat sa bawa't dako: at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagsalita niyaon.

356
Mga Konsepto ng TaludtodPamumunga

Sa bundok na kaitaasan ng Israel ay aking itatanim: at magsasanga at magbubunga, at magiging mainam na cedro: at sa lilim niyao'y tatahan ang lahat na ibon na ma'y iba't ibang uri; sa lilim ng mga sanga niyaon magsisitahan sila.

465

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

466
Mga Konsepto ng TaludtodAgilaIbon, Uri ng mgaPakpak ng IbonBalahiboIba't Ibang KulayKulayBahaghari

At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Isang malaking aguila na may mga malaki at mahabang pakpak na puno ng mga balahibo, na may sarisaring kulay, naparoon sa Libano, at kinuha ang dulo ng cedro:

563

Anak ng tao, magbugtong ka, at magsalita ka ng talinhaga sa sangbahayan ni Israel;

658
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Israel ay Ipinatapon saMararangal na TaoPaghihimagsik ng IsraelHari na Ipinatapon, MgaKahuluganKahangalan sa Totoo

Sabihin mo nga sa mapanghimagsik na sangbahayan, Hindi baga ninyo nalalaman ang kahulugan ng mga bagay na ito? saysayin mo sa kanila, Narito, ang hari sa Babilonia ay dumating sa Jerusalem, at kinuha ang hari niyaon, at ang mga prinsipe niyaon, at dinala niya sa Babilonia.

727
Mga Konsepto ng TaludtodPanata ng TaoMga Taong IpinataponMaharlika, Pagka

At siya'y kumuha sa lahing hari, at nakipagtipan siya sa kaniya: isinailalim din niya siya sa panunumpa, at dinala ang mga dakila sa lupain;

736

Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi:

763
Mga Konsepto ng TaludtodMatabang LupainTubig para sa HalamanSanga ng mga Kahoy, MgaPagtatanim ng mga BinhiMabunga, Pagiging

Kumuha rin siya sa binhi ng lupain, at itinanim sa isang mainam na lupa; itinanim niya sa tabi ng maraming tubig; kaniyang itinanim na parang puno ng kahoy na sauce.

770
Mga Konsepto ng TaludtodSugoKalakihanPaghihimagsik laban sa Diyos, Ipinakita saWalang TakasPagkakaroon ng Maraming KabayoMalaking Hukbo

Nguni't siya'y nanghimagsik laban sa kaniya sa pagpapadala ng kaniyang mga sugo sa Egipto, upang mabigyan nila siya ng mga kabayo at maraming tao. Giginhawa baga siya? makatatanan baga siya na gumagawa ng ganyang mga bagay? makatatahan kaya siya na sumira ng tipan?

805
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Israel ay Ipinatapon saPosibilidad ng KamatayanKapamahalaan na Ipinagkatiwala sa Bayan

Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, tunay na sa dakong tinatahanan ng hari na pinaggawaan sa kaniyang hari, na ang sumpa ay hinamak niya, at ang tipan ay sinira niya, siya nga'y mamamatay sa gitna ng Babilonia na kasama niya.

806
Mga Konsepto ng TaludtodSilanganMula sa SilanganHalamang Lumalago, MgaAng Silangang Hangin

Oo, narito, yamang natanim ay giginhawa baga? hindi baga lubos na matutuyo pagka nahipan siya ng hanging silanganan? matutuyo sa mga pitak na tinubuan niya.

817
Mga Konsepto ng TaludtodYaong Napasailalim sa mga TaoKapakumbabaan ng Sarili

Upang ang kaharian ay mababa, upang huwag makataas, kundi sa pagiingat ng kaniyang tipan ay mapatayo.

828
Mga Konsepto ng TaludtodMangangalakalKalakal

Kaniyang binali ang pinakamataas na sariwang mga sanga niyaon, at dinala sa isang lupain na kalakalan; inilagay niya sa isang bayan ng mga mangangalakal.

851
Mga Konsepto ng TaludtodAgilaPakpakPakpak ng IbonBalahiboYaong Napasailalim sa mga Tao

May iba namang malaking aguila na may mga malaking pakpak at maraming balahibo: at, narito, ang puno ng baging na ito ay pumihit ang mga ugat niyaon, sa dako niya, at isinupling ang kaniyang mga sanga sa dako niya mula sa mga pitak na kinatatamanan, upang kaniyang madilig.

878
Mga Konsepto ng TaludtodKutaTinatangkang PatayinPagkubkob sa mga KabundukanMakalupang Hukbo

Kahit si Faraon man sangpu ng kaniyang makapangyarihang hukbo at malaking pulutong sa pakikidigma ay walang magagawa, pagka sila'y mangagtitindig ng mga bunton; at mangagtatayo ng mga katibayan, upang pumatay ng maraming mga tao.

943
Mga Konsepto ng TaludtodMatabang LupainTubig para sa HalamanPamumunga

Natanim sa isang mabuting lupa sa siping ng maraming tubig, upang makapagsanga, at makapagbunga, upang maging mabuting puno ng baging.

1002
Mga Konsepto ng TaludtodKumakalatSumisibol na HalamanMaliliit na mga BagaySumisibolYaong Napasailalim sa mga Tao

At tumubo, at naging mayabong, na puno ng baging na mababa, na ang mga sanga ay patungo sa dako niya, at ang mga ugat niyao'y nasa ilalim niya; sa gayo'y naging isang puno ng baging, at nagsanga, at nagsupling.

1013
Mga Konsepto ng TaludtodUgatHindi PagbubungaMaraming KaawayHalamang Lumalago, MgaMadali para sa mga Tao

Sabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Giginhawa baga yaon? hindi baga niya bubunutin ang mga ugat niyaon, at kikitlin ang bunga niyaon, upang matuyo; upang ang lahat na sariwang ladlad na mga dahon niyaon ay mangatuyo? at hindi sa pamamagitan ng malakas na bisig o maraming tao ay ito'y mabubunot sa mga ugat.