Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 21

Ezekiel Rango:

68
Mga Konsepto ng TaludtodTrosong PanggibaSigaw ng PakikipaglabanPagsalakay sa Jerusalem ay IpinahayagMasama para sa Kanang KamayPagkubkob sa mga Kabundukan

Nasa kanang kamay niya ang panghuhula sa Jerusalem, upang mag-umang ng mga pangsaksak, upang bukahin ang bibig sa pagpatay, upang itaas ang tinig sa paghiyaw, upang mag-umang ng mga pangsaksak laban sa mga pintuang-bayan, upang maglagay ng mga bunton upang magtayo ng mga katibayan.

150
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang mga Daan

At sa kanila ay magiging parang panghuhulang walang kabuluhan sa kanilang paningin, na nanumpa sa kanila; nguni't ipinaa-alaala niya sa kanilang kasamaan, upang sila'y mangahuli.

304
Mga Konsepto ng TaludtodPaalala ng Kasalanan, Mga

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't inyong ipinaalaala ang inyong kasamaan, palibhasa'y ang inyong mga pagsalangsang ay nalitaw, na anopa't sa lahat ninyong gawa ay nagsilitaw ang inyong mga kasalanan; sapagka't dumating ang pagkaalaala sa inyo, kayo'y huhulihin ng kamay.

330
Mga Konsepto ng TaludtodAng Araw ng Kahatulan

At ikaw, Oh masama na nasugatan ng ikamamatay, na prinsipe sa Israel, na ang kaarawan ay dumating, sa panahon ng parusang pinaka wakas;

350
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Hinuhubaran ang mga TaoIbinababa ang mga BagayBagay na Itinaas, MgaBagay sa Kaitaasan, MgaPaghamakKorona, Mga

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ilapag mo ang tiara, at alisin mo ang putong; ito'y hindi na mangyayari pa uli; itaas mo ang mababa at ibaba mo ang mataas.

375
Mga Konsepto ng TaludtodGiba, MgaPagkawasak ng JerusalemAng Katotohanan ng Kanyang Pagdating

Aking ititiwarik, ititiwarik, ititiwarik: ito rin nama'y hindi na mangyayari uli, hanggang sa dumating yaong may matuwid na kaniya; at aking ibibigay sa kaniya.

411
Mga Konsepto ng TaludtodHininga ng DiyosHusayYaong mga MangwawasakApoy ng Galit ng DiyosMahuhusay na mga Tao

At aking ibubuhos ang aking galit sa iyo; aking hihipan ka sa pamamagitan ng apoy ng aking poot: at aking ibibigay ka sa kamay ng mga tampalasang tao na bihasang pumatay.

436
Mga Konsepto ng TaludtodAtaySalamangka, Pagsasagawa ngPana, Gamit ng mgaMga Diyus-diyusan sa BahayMga Taong Nanginginig

Sapagka't ang hari sa Babilonia ay tumayo sa pinagkakahiwalayan ng daan, sa bukana ng dalawang daan, upang magbadya ng panghuhula: kaniyang iniwasiwas ang mga pana na paroo't parito, siya'y sumangguni sa mga diosdiosan, siya'y nagsiyasat sa atay.

444
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Tumigis na Dugo ngKinalimutan ang mga TaoPagpatay na Mangyayari

Ikaw ay magiging pinakapanggatong sa apoy; ang iyong dugo ay mabububo sa gitna ng lupain; ikaw ay hindi na maaalaala: sapagka't akong Panginoon ang nagsalita.

445
Mga Konsepto ng TaludtodMakislapDiyos, Espada ng

At ikaw, anak ng tao, manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa mga anak ni Ammon, at tungkol sa kanilang kapulaan; at sabihin mo, Isang tabak, isang tabak ay binunot, na ukol sa pagpatay ay kuminang upang papanglipulin, upang maging parang kidlat;

504
Mga Konsepto ng TaludtodMga Tao, Pinagmulan ng

Isuksok mo iyan sa kaniyang kaloban. Sa dakong pinaglalangan sa iyo, sa lupain ng kapanganakan mo, hahatulan kita.

523

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

630
Mga Konsepto ng TaludtodEspada, MgaBagay na Hinubaran, MgaDiyos na LabanPapatayin ng Diyos ang Kanyang BayanDiyos, Espada ng

At sabihin mo sa lupain ng Israel, Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, ako'y laban sa iyo, at aking bubunutin ang aking tabak sa kaloban, at ihihiwalay ko sa iyo ang matuwid at ang masama.

640
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang mga PangitainBulaang mga DaanPropesiya, Kasinungalingang

Samantalang sila'y nangakakakita sa iyo ng walang kabuluhan, samantalang sila'y nanganghuhula sa iyo ng mga kabulaanan, upang ipasan ka sa mga leeg ng masama na sinugatan ng ikamamatay, na ang kaarawan ay dumating, sa panahon ng parusang pinaka wakas.

693
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya!

Anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha sa dakong Jerusalem, at magbadya ka ng iyong salita sa dako ng mga santuario, at manghula ka laban sa lupain ng Israel;

711
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatibay

Ikaw ay magtatakda ng daan para sa tabak na paroon sa Raba ng mga anak ni Ammon, at sa Juda sa Jerusalem na nakukutaan.

735
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang Hindi Nahahawakang Bagay

Gayon din, ikaw na anak ng tao, magtakda ka sa iyo ng dalawang daan, na mapanggagalingan ng tabak ng hari sa Babilonia; silang dalawa ay kapuwa lalabas sa isang lupain: at landasan mo ng dako, landasan mo sa bukana ng daang patungo sa bayan.

743
Mga Konsepto ng TaludtodMakislapDiyos, Espada ng

Anak ng tao, manghula ka, at sabihin mo, Ganito ang sabi ng Panginoon: Sabihin mo, Isang tabak, isang tabak ay nahasa, at kuminang din naman;

789
Mga Konsepto ng TaludtodKidlatSetroHinahasaMakislap

Nahasa upang manglipol; kuminang upang maging parang kidlat: gagawa nga baga tayo ng mga kasayahan? ang tungkod ng aking anak ay humahamak sa bawa't punong kahoy.

832
Mga Konsepto ng TaludtodPalakpakPagsasagawa ng Paulit-ulit

Ikaw nga, anak ng tao, manghula ka, at ipakpak mo kapuwa ang iyong mga kamay; at ang tabak ay malupi sa ikatlo, ang tabak ng nasugatan sa ikamamatay: siyang tabak ng dakilang nasugatan sa ikamamatay na pumasok sa kanilang mga silid.

844
Mga Konsepto ng TaludtodPrinsipe, MgaDigmaan bilang Hatol ng DiyosHita, MgaPamamalo sa SariliPinatay sa Tabak

Humiyaw ka at manambitan ka, anak ng tao; sapagka't nauumang sa aking bayan, nauumang sa lahat ng mga prinsipe sa Israel: sila'y nangabigay sa tabak na kasama ng aking bayan; tampalin mo nga ang iyong hita.

850
Mga Konsepto ng TaludtodTamang Panig

Humayo ka sa isang dako, lumagay ka sa kanan, o lumagay ka sa kaliwa, saan man mapaharap ang iyong mukha.

871
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang BalitaPanghihina ng LoobKahinaan, Pisikal naTuhodBagay na Tulad ng Tubig, MgaGaya ng TubigPagkawala ng TapangWalang Lakas na NatiraBakit mo ito Ginagawa?

At mangyayari, pagka kanilang sinasabi sa iyo, Bakit ka nagbubuntong-hininga? na iyong sasabihin, Dahil sa mga balita, sapagka't dumarating; at ang bawa't puso ay manglulumo, at ang lahat na kamay ay manghihina, at ang bawa't espiritu ay manglulupaypay, at ang lahat na tuhod ay manglalambot na parang tubig: narito, dumarating, at mangyayari, sabi ng Panginoong Dios.

885
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Sumusubok sa mga Tao

Sapagka't may paglilitis; at paano kung pati ng tungkod na humahamak ay mawala? sabi ng Panginoong Dios.

889
Mga Konsepto ng TaludtodHinahasaHipuin upang SaktanMakislap

At pinakikinang, upang hawakan: ang tabak, ito'y nahasa, oo, pinakinang, upang ibigay sa kamay ng manglilipol.

899

Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi,

920
Mga Konsepto ng TaludtodPalakpakDiyos, Hindi na Magagalit ang

Akin din namang ipapakpak kapuwa ang aking mga kamay, at aking lulubusin ang aking kapusukan: ako ang Panginoon, ang nagsalita.

972
Mga Konsepto ng TaludtodTarangkahanNakatayo sa PasukanMakislapPagkawala ng TapangDiyos, Espada ng

Aking iniumang ang kumikinang na tabak laban sa lahat nilang pintuang-bayan, upang ang kanilang puso ay manglumo, at ang kanilang mga pagkatisod ay dumami: ah! ang pagkayari ay parang kidlat, na inihasa upang ipangpatay.

1061
Mga Konsepto ng TaludtodBagay na Hinubaran, MgaLahat ng TaoDiyos, Espada ng

At malalaman ng lahat na tao na akong Panginoon ay bumunot ng aking tabak sa kaloban; hindi na isusuksok pa.

1066
Mga Konsepto ng TaludtodHilagaTimogHilaga at TimogDiyos na PumapatayLahat ng TaoDiyos, Pumapatay angPapatayin ng Diyos ang Kanyang Bayan

Yaman nga na aking ihihiwalay sa iyo ang matuwid at ang masama, kaya't aking bubunutin ang aking tabak sa kaloban na laban sa lahat na tao na mula sa timugan hanggang sa hilagaan:

1073
Mga Konsepto ng TaludtodKalungkutanKapaitanPusong Nagdurusa

Magbuntong-hininga ka nga, ikaw na anak ng tao; na may pagkasira ng iyong mga balakang at may kapanglawang magbubuntong-hininga ka sa harap ng kanilang mga mata.

1190

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,