Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 20

Ezekiel Rango:

24
Mga Konsepto ng TaludtodKahatulan sa IlangKung Susundin Ninyo ang KautusanBuhay sa Pamamagitan ng Pagtupad sa KautusanSabbath, Paglabag saHindi Nila Tinupad ang mga UtosGawa ng Kautusan

Nguni't ang mga anak ay nanganghimagsik laban sa akin; sila'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, o nangagingat man ng aking mga kahatulan upang isagawa, na kung gawin ng tao ay mabubuhay sa mga yaon: kanilang nilapastangan ang aking mga sabbath. Nang magkagayo'y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila, upang ganapin ang aking galit sa kanila sa ilang.

51
Mga Konsepto ng TaludtodPaglapastangan sa Pangalan ng DiyosPagsasaalis ng mga Tao mula sa kanilang mga LugarMinamasdan ang mga Gawa ng Diyos

Gayon ma'y iniurong ko ang aking kamay, gumawa ako alang-alang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na sa paningin ng mga yaon ay inilabas ko sila.

75
Mga Konsepto ng TaludtodApoy na Nagmumula sa DiyosLahat ng TaoMinamasdan ang mga Gawa ng Diyos

At malalaman ng lahat ng tao na akong Panginoon ang nagpaalab niyaon; hindi mapapatay.

109
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagpangalat sa IsraelKahatulan sa IlangDiyos na Sumumpa ng Kapinsalaan

Bukod dito'y itinaas ko ang aking kamay sa kanila sa ilang, upang pangalatin ko sila sa gitna ng mga bansa, at panabugin sila sa mga lupain;

126
Mga Konsepto ng TaludtodPanganayInialay na mga BataPagaalay ng mga Panganay na AnakMga Taong DinungisanPagpatay sa mga Anak na Lalake at Babae

At ipinariwara ko sila sa kanilang sariling mga kaloob, sa kanilang pagpaparaan sa apoy ng lahat na nangagbubukas ng bahay-bata, upang aking ipahamak sila, upang kanilang maalaman na ako ang Panginoon.

159
Mga Konsepto ng TaludtodInuming HandogYamutin ang DiyosAltarPagsasagawa ng Butil na Handog sa DiyosPagaalay sa Matataas na DakoPagsamba sa mga Puno

Sapagka't nang dalhin ko sila sa lupain, na aking pinaggawaran ng aking kamay upang ibigay ko sa kanila, kanila ngang nakita ang lahat na mataas na burol, at lahat na mayabong na punong kahoy, at inihandog nila roon ang kanilang mga hain, at doo'y kanilang iniharap ang nakagagalit nilang handog; nagsuob rin sila roon ng kanilang pabango, at ibinuhos nila roon ang kanilang mga inuming handog.

176
Mga Konsepto ng TaludtodMukha ng DiyosPagiging Harap-Harapan sa Diyos

At aking dadalhin kayo sa ilang ng mga bayan, at doo'y makikipagkatuwiranan ako sa inyo ng harapan.

182
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklam, Pagsamba sa Diyus-diyusan ayTinutularan ang mga Masasamang TaoMga Taong Dinudungisan ang Kanilang SariliAng Reyna ng Patutot

Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nangagpakarumi baga kayo ng ayon sa paraan ng inyong mga magulang? at kayo baga'y nagpatutot ng ayon sa kanilang mga kasuklamsuklam?

184
Mga Konsepto ng TaludtodKatangian ng MananampalatayaMga Taong NakakaalalaMga Taong Dinudungisan ang Kanilang Sarili

At doo'y maaalaala ninyo ang inyong mga lakad, at lahat ng inyong gawa, na inyong pinagpakadumhan; at inyong kayayamutan ang inyong sarili sa inyong sariling paningin dahil sa lahat ninyong kasamaan na inyong ginawa.

188
Mga Konsepto ng TaludtodTipan, BagongKahirapan na Nagbubunga ng MabutiTipan na ginawa sa Bundok sa Sinai

At pararaanin ko kayo sa ilalim ng tungkod, at dadalhin ko kayo sa pakikipagkasundo ng tipan;

204
Mga Konsepto ng TaludtodPagsamba sa Diyus-diyusanSabbath, Paglabag saHindi Nila Tinupad ang mga Utos

Sapagka't hindi nila isinagawa ang aking mga kahatulan, kundi itinakuwil ang aking mga palatuntunan, at nilapastangan ang aking mga sabbath, at ang kanilang mga mata'y nakasunod sa mga diosdiosan ng kanilang mga magulang.

279
Mga Konsepto ng TaludtodKahatulan sa Ilang

Kung paanong ako'y nakipagkatuwiranan sa inyong mga magulang sa ilang ng lupain ng Egipto, gayon ako makikipagkatuwiranan sa inyo, sabi ng Panginoong Dios.

287
Mga Konsepto ng TaludtodBuhay sa Pamamagitan ng Pagtupad sa KautusanBantayog

Bukod dito'y binigyan ko sila ng mga palatuntunan na hindi mabuti, at ng mga kahatulan na hindi nila kabubuhayan;

351
Mga Konsepto ng TaludtodSumpa ng TaoPamumusongHindi TapatGumagawa

Kaya't, anak ng tao, salitain mo sa sangbahayan ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa ganito ma'y nilapastangan ako ng inyong mga magulang, sa kanilang pagsalangsang laban sa akin.

355
Mga Konsepto ng TaludtodKalakasan ng Diyos

Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsalang sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay, at ng unat na bisig, at ng kapusukan na ibinubugso, ay maghahari ako sa inyo.

357
Mga Konsepto ng TaludtodSabbath, Pagtatatag saGinawang Banal ang BayanHalloweenPagpapakabanal

Bukod dito'y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga sabbath, upang maging tanda sa akin at sa kanila, upang kanilang makilala na ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.

363
Mga Konsepto ng TaludtodKahoyHindi KaylanmanGaya ng mga BansaHindi Pa Natutupad na SalitaKahoy at Bato

At ang nagmumula sa inyong pagiisip ay hindi mangyayari sa anomang paraan, sa inyong sinasabi, Kami ay magiging gaya ng mga bansa; na gaya ng mga angkan ng mga lupain upang mangaglingkod sa kahoy at bato.

382
Mga Konsepto ng TaludtodSinagogaAraw, IkasampungBuwan, IkalimangNauupo sa Paanan

At nangyari nang ikapitong taon, nang ikalimang buwan, nang ikasangpu ng buwan, na ang ilan sa mga matanda ng Israel ay nagsiparoon na sumangguni sa Panginoon, at nagsiupo sa harap ko.

414
Mga Konsepto ng TaludtodPagaangkinAko ay Kanilang Magiging DiyosSabbath, Pangingilin saSabbath, Pagtatatag sa

At inyong ipangilin ang aking mga sabbath; at mga magiging tanda sa akin at sa inyo, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios.

415
Mga Konsepto ng TaludtodPagkaPanginoon ng Tao at DiyosPagtitipon sa mga IsraelitaKalakasan ng Diyos

At ilalabas ko kayo na mula sa mga bayan, at pipisanin ko kayo na mula sa mga lupain, na inyong pinangalatan, sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay, at ng unat na bisig, at ng kapusukan na ibinubuhos;

416
Mga Konsepto ng TaludtodAlay na Natupad sa Bagong TipanPaanong Sambahin ang Diyos

Sapagka't sa aking banal na bundok, sa bundok na kaitaasan ng Israel, sabi ng Panginoong Dios, doon ako paglilingkuran sa lupain ng buong sangbahayan ni Israel, nilang lahat: doo'y tatanggapin ko sila, at doon ko hihingin ang inyong mga handog, at ang mga unang bunga na inyong mga alay, sangpu ng lahat ninyong banal na bagay.

419

Nang magkagayo'y sinabi ko sa kanila, Anong kahulugan ng mataas na dako na inyong pinaroroonan? Sa gayo'y ang pangalan niyaon ay tinawag na Bama hanggang sa araw na ito.

457
Mga Konsepto ng TaludtodInialay na mga BataAlay sa Lumang TipanPagpatay sa SanggolPagkasiraHindi Sumasangguni sa DiyosMga Taong Dinudungisan ang Kanilang SariliPagsamba sa Diyus-diyusanBulaang Relihiyon hanggang sa Araw na ItoPagpatay sa mga Anak na Lalake at Babae

At pagka inyong inihahandog ang inyong mga kaloob, pagka, inyong pinararaan sa apoy ang inyong mga anak, nangagpapakarumi baga kayo sa lahat ninyong diosdiosan hanggang sa araw na ito? at ako baga'y mapagsasanggunian ninyo, Oh sangbahayan ni Israel? Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi ninyo ako mapagsasanggunian;

492
Mga Konsepto ng TaludtodKung Susundin Ninyo ang KautusanBuhay sa Pamamagitan ng Pagtupad sa KautusanBunga ng Pagsunod sa KautusanAng Kautusan ay Ibinigay ng DiyosGawa ng Kautusan

At ibinigay ko sa kanila ang aking mga palatuntunan, at itinuro ko sa kanila ang aking mga kahatulan, na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon.

517
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakakilala sa DiyosNililinisPagpasok sa KaharianPagiging Nilinis sa Kasalanan

At aking lilinisin sa gitna ninyo ang mga mapanghimagsik, at ang mga nagsisisalangsang laban sa akin; aking ilalabas sila sa lupaing kanilang pinangingibahang bayan, nguni't hindi sila magsisipasok sa lupain ng Israel: at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

522
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Sumasangguni sa Diyos

Anak ng tao, salitain mo sa mga matanda ng Israel, at sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kayo baga'y naparito upang sumangguni sa akin? Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi ako mapagsasanggunian ninyo.

535
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklam, Kahatulan ngKasuklamsuklam, Kasalanan ayPagtataboy sa mga BagayMasamang mga MataPandurungis, Ipinagbabawal angPag-Iwas sa Diyus-diyusanAko ay Kanilang Magiging Diyos

At sinabi ko sa kanila, Itakuwil ng bawa't isa sa inyo ang mga bagay na kasuklamsuklam sa kaniyang mga mata, at huwag kayong mangahawa sa mga diosdiosan ng Egipto; ako ang Panginoon ninyong Dios.

555
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang mga MagulangBulaang RelihiyonHalimbawa, MasamangMasama, Babala laban saMga Bata, Ugali para saHindi Tinutuluran ang MasamaPandurungis, Ipinagbabawal angPag-Iwas sa Diyus-diyusanMagulang na MaliBantayog

At sinabi ko sa kanilang mga anak sa ilang, Huwag kayong magsilakad ng ayon sa mga palatuntunan ng inyong mga magulang, o ingatan man ang kanilang mga kahatulan, o magpakahawa man sa kanilang mga diosdiosan:

561
Mga Konsepto ng TaludtodPagtanggi sa DiyosSabbath sa Lumang TipanKahatulan sa IlangKung Susundin Ninyo ang KautusanBuhay sa Pamamagitan ng Pagtupad sa KautusanSabbath, Paglabag saGawa ng KautusanPaghihimagsik laban sa Diyos

Nguni't ang sangbahayan ni Israel ay nanghimagsik laban sa akin sa ilang: sila'y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, at kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, na kung gawin ng tao, ay mabubuhay sa mga yaon; at ang aking mga sabbath ay kanilang nilapastangang mainam. Nang magkagayo'y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila sa ilang, upang lipulin sila.

567
Mga Konsepto ng TaludtodPaglapastangan sa Pangalan ng DiyosPagsasaalis ng mga Tao mula sa kanilang mga LugarMinamasdan ang mga Gawa ng Diyos

Nguni't ako'y gumawa alangalang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na sa paningin ng mga yaon ay aking inilabas sila.

571
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pahayag ngKahangalan sa DiyosPagkakaalam sa Diyos, Katangian ngBayan ng Diyos sa Lumang TipanPahayag sa Lumang TipanAko ay Kanilang Magiging DiyosPagkakaalam na Mayroong Diyos

At sabihin mo sa kanila; Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nang araw na aking piliin ang Israel, at itaas ko ang aking kamay sa lahi ng sangbahayan ni Jacob, at pakilala ako sa kanila sa lupain ng Egipto, na iginawad ko ang aking kamay sa kanila na sinabi, Ako ang Panginoon ninyong Dios;

590
Mga Konsepto ng TaludtodHilagaTimogHilaga at TimogSirain ang mga Puno

At sabihin mo sa gubat ng Timugan, Iyong pakinggan ang salita ng Panginoon: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking papagniningasin ang isang apoy sa iyo, at susupukin ang bawa't sariwang punong kahoy sa iyo, at ang bawa't tuyong punong kahoy: ang maalab na liyab at hindi mapapatay, at ang lahat na mukha na mula sa timugan hanggang sa hilagaan ay masusunog sa liyab.

611
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nanguna sa Paglalakbay sa Ilang

Sa gayo'y pinalabas ko sila mula sa lupain ng Egipto, at dinala ko sila sa ilang.

619
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihimagsik ng IsraelKasalanan at ang Katangian ng DiyosPaghihimagsik laban sa Diyos, Ipinakita saPagtataboy sa mga BagayMasamang mga MataPagsamba sa Diyus-diyusanPaghihimagsik laban sa Diyos

Nguni't sila'y nanghimagsik laban sa akin, at hindi nakinig sa akin; hindi itinakuwil ng bawa't isa sa kanila ang mga kasuklamsuklam ng kanilang mga mata, o nilimot man nila ang mga diosdiosan sa Egipto. Nang magkagayo'y sinabi kong aking ibubuhos sa kanila ang aking kapusukan, upang ganapin ko ang aking galit laban sa kanila, sa gitna ng lupain ng Egipto.

668
Mga Konsepto ng TaludtodKasalanan ng mga MagulangBagay na Nahayag, Mga

Hahatulan mo baga sila, anak ng tao, hahatulan mo baga sila? Ipakilala mo sa kanila ang mga kasuklamsuklam ng kanilang mga magulang;

687

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

694
Mga Konsepto ng TaludtodAromaKabanalan, Layunin ngAmoyPagtitipon sa mga IsraelitaNagpapasariwang DiyosMinamasdan ang mga Gawa ng Diyos

Parang masarap na amoy na tatanggapin ko kayo, pagka kayo'y aking naihiwalay sa mga bayan, at napisan ko kayo mula sa mga lupain na inyong pinangalatan; at ako'y ipaari ninyong banal sa paningin ng mga bansa.

704
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Sigasig ngPagkakaalam sa Diyos, Katangian ngPaglapastangan sa Pangalan ng DiyosPagsasaalis ng mga Tao mula sa kanilang mga LugarMinamasdan ang mga Gawa ng Diyos

Nguni't ako'y gumawa alangalang sa aking pangalan, upang huwag malapastangan sa paningin ng mga bansa, na kinaroroonan nila, na sa mga paningin nila ay napakilala ako sa kanila, sa paglalabas ko sa kanila sa lupain ng Egipto.

724

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

725
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaan, Pagsasabuhay nito sa Lumang TipanPagkainGatasKagandahan sa KalikasanDiyos na Nangako ng PagpapalaGatas at Pulot

Nang araw na yaon ay iginawad ko ang aking kamay sa kanila, upang ilabas ko sila sa lupain ng Egipto, na dalhin sa lupain na aking itinaan sa kanila na binubukalan ng gatas at pulot, na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain.

728
Mga Konsepto ng TaludtodKaloob, MgaKawalang PitaganKalapastangananPaglapastangan sa Pangalan ng DiyosHindi Sumasamba sa mga Diyus-diyusanPakikinig sa DiyosMaling Gamit sa Pangalan ng Diyos

Tungkol sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel, ganito ang sabi ng Panginoong Dios; magsiyaon kayo, maglingkod bawa't isa sa kaniyang mga diosdiosan, at sa haharapin man, kung hindi ninyo ako didinggin; nguni't ang aking banal na pangalan ay hindi na ninyo lalapastanganin ng inyong mga kaloob, at ng inyong mga diosdiosan.

767
Mga Konsepto ng TaludtodNakaharap sa Timog

Anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha sa dakong timugan, at magbadya ka ng iyong salita sa dakong timugan, at manghula ka laban sa gubat ng parang sa Timugan;

771
Mga Konsepto ng TaludtodPagaangkinAko ay Kanilang Magiging DiyosTuparin ang Kautusan!Bantayog

Ako ang Panginoon ninyong Dios: magsilakad kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at ingatan ninyo ang aking mga kahatulan, at inyong isagawa;

807
Mga Konsepto ng TaludtodTanggihan ang mga BagayKalikasan ng Pagsamba sa Diyus-diyusanSabbath, Paglabag saHindi Nila Tinupad ang mga Utos

Sapagka't kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, at hindi nagsilakad ng gayon sa aking mga palatuntunan, at nilapastangan ang aking mga sabbath: sapagka't ang kanilang puso ay nagsisunod sa kanilang mga diosdiosan.

833
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapanumbalikSa Kapakanan ng Kanyang Pangalan

At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka ako'y nakagawa na sa inyo alangalang sa aking pangalan, hindi ayon sa inyong mga masamang lakad, o ayon sa inyong mga masamang gawa man, Oh ninyong sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoong Dios.

854
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Katiyagaan ngPagtitiyaga ng DiyosPagkamatay sa Ilang

Gayon ma'y ang aking mata ay nagpatawad sa kanila at hindi ko sila nilipol, o ginawan ko man sila ng lubos na kawakasan sa ilang.

950
Mga Konsepto ng TaludtodTalinghaga, MgaKawalang Katapatan sa DiyosIba na Gumagamit ng mga Talinghaga

Nang magkagayo'y sinabi ko: Ah Panginoong Dios! sinasabi nila sa akin, Hindi baga siya'y mapagsalita ng mga talinghaga?

1008
Mga Konsepto ng TaludtodKatiyakan, Batayan ng

At inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka kayo'y aking ipapasok sa lupain ng Israel, sa lupain na aking pinagtaasan ng aking kamay upang ibigay sa inyong mga magulang.

1043
Mga Konsepto ng TaludtodPagbubukodKahatulan sa IlangDiyos na Sumumpa ng KapinsalaanGatas at Pulot

Bukod dito'y iginawad ko naman ang aking kamay sa kanila sa ilang, upang huwag ko silang dalhin sa lupain na aking ibinigay sa kanila, na binubukalan ng gatas at pulot, na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain;