Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 29

Ezekiel Rango:

431
Mga Konsepto ng TaludtodKosmikong mga NilalangMga Taong Inaangkin ang Ibang mga Bagay

Iyong salitain, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y lalaban sa iyo, Faraong hari sa Egipto, na malaking buwaya na nahihiga sa gitna ng kaniyang mga ilog, na nagsabi: Ang ilog ko ay aking sarili, at aking ginawa sa ganang aking sarili.

477
Mga Konsepto ng TaludtodBuwan, Ikasampung

Nang ikasangpung taon, nang ikasangpung buwan, nang ikalabing dalawang araw ng buwan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

574
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakalboBisig LamangYaong mga Nagpagal

Anak ng tao, pinapaglilingkod ng mabigat ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia ang kaniyang kawal laban sa Tiro: lahat ng ulo ay nakalbo, at lahat ng balikat ay nalabnot; gayon ma'y wala siyang kaupahan, o ang kaniyang hukbo man, mula sa Tiro, sa paglilingkod na kaniyang ipinaglingkod laban doon.

641
Mga Konsepto ng TaludtodMga HanggananEtyopyaAfrikaLupain na Walang LamanMga Taong Winawasak ang Banyagang mga Bansa

Kaya't, narito, ako'y laban sa iyo, at laban sa iyong mga ilog, at aking lubos na gigibain at sisirain ang lupain ng Egipto, mula sa moog ng Seveneh hanggang sa hangganan ng Etiopia.

684
Mga Konsepto ng TaludtodPropeta, Gampanin ng mga

Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha laban kay Faraon na hari sa Egipto, at manghula ka laban sa kaniya, at laban sa buong Egipto;

710
Mga Konsepto ng TaludtodSungay, MgaAng Pipi ay Nakapagsalita

Sa araw na yao'y aking palilitawin ang isang sungay upang tumulong sa sangbahayan ni Israel, at aking papangyayarihin ang iyong salita sa gitna nila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

765
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabalik sa Lupain

At aking ibabalik uli ang mga bihag sa Egipto, at aking pababalikin sila sa lupain ng Patros, na lupain na kinapanganakan sa kanila; at sila'y magiging doo'y isang mababang kaharian.

782

At nangyari, nang ikadalawang pu't pitong taon, nang unang buwan, nang unang araw ng buwan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi:

837
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Tiwala

At lahat ng nananahan sa Egipto ay makakaalam na ako ang Panginoon, sapagka't sila'y naging tukod na tambo sa sangbahayan ni Israel.

879
Mga Konsepto ng TaludtodPositibong PananawPaalala, MgaPagtitiwala sa Ibang TaoPagkakasala ng Bayan ng DiyosHindi Humahanap sa Diyos

At hindi na magiging pagasa pa ng sangbahayan ni Israel, na nagpapaalaala ng kasamaan, pagka kanilang lilingunin sila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoong Dios.

890
Mga Konsepto ng TaludtodMasasarap na PagkainGawing mga Pag-aari

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking ibibigay ang lupain ng Egipto kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at dadalhin niya ang kaniyang karamihan, at kukunin ang samsam sa kaniya, at kukunin ang huli sa kaniya; at magiging kaupahan para sa kaniyang hukbo.

906
Mga Konsepto ng TaludtodNangakalat na mga Tao

At aking gagawing sira ang lupain ng Egipto sa gitna ng mga lupain na sira; at ang kaniyang mga bayan sa gitna ng mga bayang giba ay magiging sira na apat na pung taon; at aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa, at aking pananabugin sila sa mga lupain.

915
Mga Konsepto ng TaludtodLupain na Walang LamanAng mga Tao at Hayop ay Kapwa Naapektuhan

Walang paa ng tao na daraan doon, o paa man ng hayop ay daraan doon, o tatahanan man siyang apat na pung taon.

923
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon ng mga NilalangHayop, Kumakain ng Tao ng mgaWalang LibingPaglakiping Muli

At ikaw ay aking iiwan tapon sa ilang, ikaw at ang lahat na isda ng iyong mga ilog: ikaw ay mabubuwal sa luwal na parang; ikaw ay hindi pipisanin, o pupulutin man; aking ibinigay kang pagkain sa mga hayop sa lupa, at sa mga ibon sa himpapawid.

930
Mga Konsepto ng TaludtodBagay na NagkadikitdikitDiyos na Nagtataas sa mga Tao

At kakawitan kita ng mga pangbingwit sa iyong mga panga, at aking padidikitin ang isda ng iyong mga ilog sa iyong mga kaliskis; at isasampa kita mula sa gitna ng iyong mga ilog, na kasama ng lahat na isda ng iyong mga ilog na magsisidikit sa iyong mga kaliskis.

948
Mga Konsepto ng TaludtodLupain na Walang LamanMga Taong Winawasak ang Banyagang mga BansaMga Taong Inaangkin ang Ibang mga Bagay

At ang lupain ng Egipto ay magiging giba at sira; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon. Sapagka't kaniyang sinabi, Ang ilog ay akin, at aking ginawa;

979

Ibinigay ko sa kaniya ang lupain ng Egipto na pinakaganti sa kaniya dahil sa kaniyang ipinaglingkod, sapagka't sila'y nagsipagpagal ng dahil sa akin, sabi ng Panginoong Dios.

994
Mga Konsepto ng TaludtodPinatay sa Tabak

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, pagdadalhan kita ng tabak sa iyo, at aking ihihiwalay sa iyo ang tao at hayop.

997
Mga Konsepto ng TaludtodBalikatBinaling mga PatpatMga Taong NanginginigKalamnan

Nang kanilang pigilan ka sa iyong kamay, iyong binali, at iyong nilabnot ang kanilang mga balikat; at nang sila'y sumandal sa iyo, iyong binalian, at iyong pinapanghina ang kanilang mga balakang.

1038
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging Mababa

Siyang magiging pinakamababa sa mga kaharian; at hindi na matataas pa man ng higit kay sa mga bansa: at aking babawasan sila, upang huwag na silang magpuno sa mga bansa.

1155
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon sa Ibang mga Bansa

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa katapusan ng apat na pung taon ay aking pipisanin ang mga taga Egipto, mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan;