Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 30

Ezekiel Rango:

636
Mga Konsepto ng TaludtodUlap, Talinghagang Gamit ngHuling mga ArawAng Katotohanan ng Araw na IyonNalalapit na Panahon, PangkalahatanKawalang-PagasaUlap, Mga

Sapagka't ang kaarawan ay malapit na, sa makatuwid baga'y ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na; magiging kaarawan ng pagaalapaap; panahon ng mga bansa.

662
Mga Konsepto ng TaludtodAfrikaPinatay sa Tabak

Ang Etiopia, at ang Phut, at ang Lud, at ang buong halohalong bayan, at ang Chub, at ang mga anak ng lupain na nangasa pagkakasundo, mangabubuwal na kasama nila sa pamamagitan ng tabak.

674
Mga Konsepto ng TaludtodDoktor, MgaKagalinganButo, Mga BalingWalang KagalinganKagalingan ng Sugatang Puso

Anak ng tao, aking binali ang kamay ni Faraon na hari sa Egipto; at, narito, hindi natalian, upang lapatan ng mga gamot, na lagyan ng isang tapal upang talian, upang humawak na matibay ng tabak.

677

Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi,

692
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunog sa mga Lungsod

At aking sisirain ang Patros, at ako'y magsisilab ng apoy sa Zoan, at maglalapat ako ng mga kahatulan sa No.

698
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasTakot na DaratingPagtalikod sa mga Diyus-diyusanWalang Hari

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Akin din namang sisirain ang mga diosdiosan, at aking paglilikatin ang mga larawan sa Memphis; at hindi na magkakaroon pa ng prinsipe sa lupain ng Egipto; at ako'y maglalagay ng katakutan sa lupain ng Egipto.

754
Mga Konsepto ng TaludtodPundasyonAfrikaPundasyon ng mga BansaPinatay sa TabakGawing mga Pag-aari

At isang tabak ay darating sa Egipto, at kahirapan ay sasa Etiopia, pagka ang mga patay ay mangabubuwal sa Egipto; at dadalhin nila ang kaniyang karamihan, at ang kaniyang mga patibayan ay mangawawasak.

756
Mga Konsepto ng TaludtodMemphisKabataang NaghihirapPagpatay na Mangyayari

Ang mga binata sa Aven at sa Pi-beseth ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang mga ito ay magsisipasok sa pagkabihag.

773
Mga Konsepto ng TaludtodKatapusanPamatokPagtigilKadiliman kahit UmagaDiyos na Nagpapalaya sa mga BilanggoBagay na Humihinto, MgaLakas ng Babae

Sa Tafnes nama'y magdidilim ang araw, pagka aking inalis roon ang mga atang ng Egipto, at ang kapalaluan ng kaniyang kapangyarihan ay maglilikat doon: tungkol sa kaniya, ay tatakpan siya ng alapaap, at ang kaniyang mga anak na babae ay magsisipasok sa pagkabihag.

792
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Galit sa mga Bansa

At aking ibubugso ang aking kapusukan sa Sin, na katibayan ng Egipto; at aking ihihiwalay ang karamihan ng mga taga No.

800
Mga Konsepto ng TaludtodKaalyadoKapalaluan, Pinagmulan ngPinatay sa TabakGrupong NagtutulunganAng Kayabangan ay Ibabagsak

Ganito ang sabi ng Panginoon: Sila namang nagsialalay sa Egipto ay mangabubuwal; at ang kapalaluan ng kaniyang kapangyarihan ay mabababa: mula sa moog ng Seveneh ay mangabubuwal sila roon sa pamamagitan ng tabak, sabi ng Panginoong Dios.

820
Mga Konsepto ng TaludtodAbang Kapighatian sa Ikasasakuna

Anak ng tao, manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manambitan kayo: Sa aba ng araw na yaon!

857
Mga Konsepto ng TaludtodAng Ikapitong Araw ng LinggoAraw, Ikapitong

At nangyari nang ikalabing isang taon nang unang buwan, nang ikapitong araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

887
Mga Konsepto ng TaludtodPagdurusa, Hatol ng DiyosMemphisGawa ng Pagbubukas, AngPagsunog sa mga Lungsod

At ako'y magsusulsol ng apoy sa Egipto: ang Sin ay malalagay sa malaking kadalamhatian, at ang No ay magigiba: at ang Memphis ay magkakaroon ng mga kaaway sa kaarawan.

903
Mga Konsepto ng TaludtodAraw ng PANGINOON

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Akin namang paglilikatin ang karamihan ng Egipto, sa pamamagitan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia.

912
Mga Konsepto ng TaludtodButo, Mga BalingDiyos na LabanBagay na Nahuhulog, Mga

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban kay Faraon na hari sa Egipto, at aking babaliin ang kaniyang mga bisig, ang malakas na bisig, at yaon na nabali; at aking palalagpakin ang tabak mula sa kaniyang kamay.

945
Mga Konsepto ng TaludtodKatuyuanLupain na Walang LamanTubig, NatutuyongDiyos na Tinutuyo ang mga Bagay-bagayPaghihirap mula sa mga BanyagaTaggutom

At aking tutuyuin ang mga ilog, at aking ipagbibili ang lupain sa kamay ng mga masamang tao; at aking sisirain ang lupain, at lahat na nandoon, sa pamamagitan ng kamay ng mga taga ibang lupa: akong Panginoon ang nagsalita.

946
Mga Konsepto ng TaludtodKasiyahan sa SariliMandaragatKaragatan, Manlalayag sa

Sa araw na yaon ay magsisilabas ang mga sugo mula sa harap ko sa mga sasakyan upang takutin ang mga walang bahalang taga Etiopia; at magkakaroon ng kahirapan sa kanila gaya sa kaarawan ng Egipto; sapagka't narito, dumarating.

992
Mga Konsepto ng TaludtodButo, Mga BalingDiyos na Nagpapalakas sa mga TaoDiyos, Espada ng

At aking palalakasin ang mga bisig ng hari sa Babilonia, at ilalagay ko ang aking tabak sa kaniyang kamay; nguni't aking babaliin ang mga bisig ni Faraon, at siya'y dadaing sa harap niyaon ng mga daing ng taong nasugatan ng ikamamatay.

1030
Mga Konsepto ng TaludtodNangakalat na mga Tao

At aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa, at pananabugin ko sila sa mga lupain.

1059
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang TiwalaApoy ng KahatulanGrupong Nagtutulungan

At kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka ako'y nagsulsol ng apoy sa Egipto, at lahat niyang katulong ay nangalipol.

1160
Mga Konsepto ng TaludtodNangakalat na mga Tao

At aking pangangalatin ang mga taga Egipto sa gitna ng mga bansa, at pananabugin ko sila sa mga lupain; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

1187
Mga Konsepto ng TaludtodLungsod na Sinasalakay

At sila'y magiging sira sa gitna ng mga lupain na sira; at ang kaniyang mga bayan ay ibibilang sa mga bayan na giba.

1207
Mga Konsepto ng TaludtodPuspusin ang mga LugarPagpatay sa Maraming TaoMga Taong Walang Awa

Siya at ang kaniyang bayan na kasama niya, na kakilakilabot sa mga bansa, ay ipapasok upang gibain ang lupain; at kanilang hahawakan ang kanilang mga tabak laban sa Egipto, at pupunuin ng mga patay ang lupain.

1226
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagpapalakas sa mga TaoBagay na Nahuhulog, MgaDiyos, Espada ng

At aking aalalayan ang mga bisig ng hari sa Babilonia; at ang mga bisig ni Faraon ay bababa; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking ilalagay ang aking tabak sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang iuunat sa lupain ng Egipto.

1244

Ganito maglalapat ako ng mga kahatulan sa Egipto; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.