Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 32

Ezekiel Rango:

432
Mga Konsepto ng TaludtodBuwanEklipse, MgaNagdidilim na Araw, Buwan at mga BituinKadiliman sa KatapusanAstronomikal, PalatandaangKosmikong PagkagambalaLuciferAng Buwan

At pagka ikaw ay aking nautas, aking tatakpan ang langit, at padidilimin ko ang mga bituin niyaon; aking tatakpan ng alapaap ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag.

493
Mga Konsepto ng TaludtodBalyenaKosmikong mga NilalangGaya ng mga Nilalang

Anak ng tao, panaghuyan mo si Faraong hari sa Egipto, at sabihin mo sa kaniya, Ikaw ay kawangis ng isang batang leon sa mga bansa; gayon man ikaw ay parang malaking hayop sa mga dagat; at ikaw ay sumagupa sa iyong mga ilog, at nilabo mo ng iyong mga paa ang tubig, at dinumhan mo ang kanilang mga ilog.

591
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamatay kasama ng mga Di-TuliKalagayan ng mga Patay

Ang malakas sa gitna ng makapangyarihan ay magsasalita sa kaniya na mula sa gitna ng Sheol na kasama ng nagsitulong sa kaniya: sila'y nagsibaba, sila'y nangakatigil, sa makatuwid baga'y ang mga hindi tuli, na nangapatay ng tabak.

659
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakasala, Parusa saImpyerno bilang Lugar KaparusahanSandata, MgaTakot sa Ibang mga TaoBuhay at KamatayanKalagayan ng mga Patay

At sila'y hindi mangahihiga na kasama ng makapangyarihan na nangabuwal sa mga di tuli, na nagsibaba sa Sheol na may kanilang mga almas na pangdigma, at nangaglagay ng kanilang mga tabak sa ilalim ng kanilang mga ulo, at ang kanilang mga kasamaan ay nangasa kanilang mga buto; sapagka't sila ang kakilabutan ng makapangyarihan sa lupain ng buhay.

696
Mga Konsepto ng TaludtodBuwan, Ikalabing Dalawang

At nangyari, nang ikalabing dalawang taon, nang ikalabing dalawang buwan, nang unang araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi:

722
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaKalalimanPapunta sa Hukay

Anak ng tao, taghuyan mo ang karamihan ng Egipto, at ibaba mo sila, sa makatuwid baga'y siya, at ang mga anak na babae ng mga bantog na bansa, hanggang sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, na kasama ng nagsibaba sa hukay.

826
Mga Konsepto ng TaludtodKahihiyanPapunta sa HukayPagkamatay kasama ng mga Di-TuliTakot sa Ibang mga TaoKahihiyan ay Dumating

Nandoon ang mga prinsipe sa hilagaan, silang lahat, at lahat ng mga taga Sidon, na nagsibabang kasama ng nangapatay; sa kakilabutan na kanilang ipinangilabot ng kanilang kapangyarihan sila'y nangapahiya; at sila'y nangahihigang hindi tuli na kasama ng nangapapatay sa pamamagitan ng tabak, at taglay ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay.

868
Mga Konsepto ng TaludtodKalalimanPagkamatay kasama ng mga Di-TuliTakot sa Ibang mga TaoBuhay at KamatayanKahihiyan ay Dumating

Nandoon ang Elam at ang buo niyang karamihan sa palibot ng kaniyang libingan; silang lahat na nangapatay na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak, na nagsibabang hindi mga tuli sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, na nakapagpangilabot sila sa lupain ng buhay, at dinala ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay.

875
Mga Konsepto ng TaludtodAraw, Ikalabinglimang

Nangyari rin nang ikalabing dalawang taon, nang ikalabing limang araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na nagsasabi,

944
Mga Konsepto ng TaludtodDigmaan bilang Hatol ng Diyos

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ang tabak ng hari sa Babilonia ay darating sa iyo.

947

At aking ilalagay ang iyong laman sa ibabaw ng mga bundok, at pupunuin ko ang mga libis ng iyong kataasan.

971
Mga Konsepto ng TaludtodPapunta sa HukayTakot sa Ibang mga TaoBuhay at Kamatayan

Na ang mga libingan ay nangalalagay sa pinakamalalim na bahagi ng hukay, at ang kaniyang pulutong ay nasa palibot ng kaniyang libingan; silang lahat na nangapatay, na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak, na nakapangingilabot sa lupain ng buhay.

977
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamatay kasama ng mga Di-TuliTakot sa Ibang mga TaoBuhay at Kamatayan

Sapagka't inilagay ko ang kaniyang kakilabutan sa lupain ng buhay; at siya'y ihihiga sa gitna ng mga di tuli, na kasama ng nangapatay ng tabak, si Faraon at ang buong karamihan niya, sabi ng Panginoong Dios.

978
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamatay kasama ng mga Di-TuliTakot sa Ibang mga TaoBuhay at Kamatayan

Nandoon ang Mesech, ang Tubal, at ang buo niyang karamihan; ang mga libingan niya ay nangasa palibot niya; silang lahat na hindi tuli, na nangapatay sa pamamagitan ng tabak; sapagka't sila'y nakapagpangilabot sa lupain ng buhay.

993
Mga Konsepto ng TaludtodPinatay sa Tabak

Sila'y mangabubuwal sa gitna nila na nangapatay ng tabak: siya'y nabigay sa tabak: ilabas mo siya at ang lahat niyang karamihan.

1000
Mga Konsepto ng TaludtodGrupong NanginginigTakot sa KamatayanTakot sa KamatayanMga Taong NagulatDiyos, Espada ng

Oo, aking papanggigilalasin ang maraming bayan sa iyo, at ang kanilang mga hari ay lubhang matatakot sa iyo, pagka aking ikinumpas ang aking tabak sa harap nila; at sila'y manginginig tuwituwina, bawa't tao dahil sa kaniyang sariling buhay sa kaarawan ng iyong pagkabuwal.

1012
Mga Konsepto ng TaludtodItinatapong mga TaoHayop, Kumakain ng Tao ng mgaMaiilap na mga Hayop na Sumisila

At iiwan kita sa lupain, ihahagis kita sa luwal na parang, at aking padadapuin sa iyo ang lahat ng mga ibon sa himpapawid, at aking bubusugin sa iyo ang mga hayop ng buong lupa.

1020
Mga Konsepto ng TaludtodAwit, MgaUmaawitMalungkot na MusikaPagtangis dahil sa Pagkawasak

Ito nga ang panaghoy na kanilang itataghoy; na itataghoy ng mga anak na babae ng mga bansa; sa Egipto, at sa lahat na kaniyang karamihan ay itataghoy nila, sabi ng Panginoong Dios.

1042
Mga Konsepto ng TaludtodPinatay sa TabakAng Kayabangan ay Ibabagsak

Sa pamamagitan ng mga tabak ng makapangyarihan ay aking ipabubuwal ang iyong karamihan; kakilakilabot sa mga bansa silang lahat: at kanilang wawalaing halaga ang kapalaluan ng Egipto, at ang buong karamihan niyao'y malilipol.

1057
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Alam sa mga TaoMapanggulong Grupo ng mga Tao

Akin namang papaghihirapin ang puso ng maraming bayan, pagka aking dadalhin ang iyong kagibaan sa gitna ng mga bansa, sa mga lupain na hindi mo nakilala.

1072
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Kaaliwan ng

Makikita sila ni Faraon, at maaaliw sa lahat niyang karamihan, sa makatuwid baga'y ni Faraon at ng buo niyang hukbo, na nangapatay ng tabak, sabi ng Panginoong Dios.

1079
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Tumigis na Dugo ng

Akin namang didiligin ng iyong dugo ang lupain na iyong nilalanguyan, hanggang sa mga bundok; at ang mga daan ng tubig ay mapupuno.

1100
Mga Konsepto ng TaludtodPapunta sa HukayPagkamatay kasama ng mga Di-Tuli

Nandoon ang Edom, ang kaniyang mga hari at lahat niyang prinsipe, na sa kanilang kapangyarihan ay nangahiga na kasama ng nangapatay ng tabak: sila'y mangahihiga na kasama ng mga di tuli, at niyaong nagsibaba sa hukay.

1115
Mga Konsepto ng TaludtodLambatDiyos na Nagtataas sa mga TaoDiyos na Naglalagay ng Patibong

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Aking ilaladlad ang aking lambat sa iyo na kasama ng isang pulutong ng maraming tao; at iaahon ka nila sa aking lambat.

1124
Mga Konsepto ng TaludtodNagdidilim na Araw, Buwan at mga BituinKadiliman sa Katapusan

Lahat na maningning na liwanag sa langit ay aking padidilimin sa iyo, at tatakpan ko ng kadiliman ang iyong lupain, sabi ng Panginoong Dios.

1128

Ang Assur ay nandoon at ang buo niyang pulutong; ang kaniyang mga libingan ay nangasa palibot niya: silang lahat na nangapatay, na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak;

1129
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga Bansa

Pagka aking gagawin ang lupain ng Egipto na sira at giba, na lupaing iniwan ng lahat na nangandoon, pagka aking sasaktan silang lahat na nagsisitahan doon kung magkagayon ay kanila ngang malalaman na ako ang Panginoon.

1144
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamatay kasama ng mga Di-TuliTakot sa Ibang mga TaoBuhay at KamatayanKalagayan ng mga PatayKahihiyan ay Dumating

Inilagay nila ang kaniyang higaan sa gitna ng mga patay na kasama ng buong karamihan niya; ang kaniyang mga libingan ay nangasa palibot niya; silang lahat na di tuli na nangapatay sa pamamagitan ng tabak; sapagka't nakapagpangilabot sila sa lupain ng buhay, at dinala nila ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay: siya'y nalagay sa gitna niyaong nangapatay.

1154
Mga Konsepto ng TaludtodHindi PagtutuliPagkamatay kasama ng mga Di-TuliKalagayan ng mga PatayKagandahan ng Kalikasan

Sinong iyong dinadaig sa kagandahan? bumaba ka, at malagay kang kasama ng mga di tuli.

1188
Mga Konsepto ng TaludtodAng mga Tao at Hayop ay Kapwa Naapektuhan

Akin din namang lilipuling lahat ang mga hayop niyaon mula sa siping ng maraming tubig; at hindi na lalabukawin pa man ng paa ng tao, o ang kuko man ng mga hayop ay magsisilabukaw sa mga yaon.

1206
Mga Konsepto ng TaludtodAninaw

Kung magkagayo'y aking palilinawin ang kanilang tubig, at aking paaagusin ang kanilang mga ilog na parang langis, sabi ng Panginoong Dios.

1240
Mga Konsepto ng TaludtodKasawianPagkamatay kasama ng mga Di-TuliKalagayan ng mga Patay

Nguni't ikaw ay mabubuwal sa gitna ng mga di tuli, at ikaw ay mahihiga na kasama nila na nangapatay sa pamamagitan ng tabak.