Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 33

Ezekiel Rango:

8
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Hinihingi ng Diyos para saDiyos, Kalooban ngPagbibigay Lugod sa DiyosLugodHindi Nagbibigay Lugod sa DiyosMagsisi kung hindi ay Mamamatay KaKamatayanKaparusahan ng MasamaPanggigipit

Sabihin mo sa kanila, Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, wala akong kasayahan sa kamatayan ng masama; kundi ang masama ay humiwalay sa kaniyang lakad at mabuhay: manumbalik kayo, manumbalik kayo na mula sa inyong masasamang lakad; sapagka't bakit kayo mangamamatay, Oh sangbahayan ni Israel?

353

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

376

Sa gayo'y ikaw, anak ng tao, ay inilagay ko na bantay sa sangbahayan ni Israel; kaya't dinggin mo ang salita sa aking bibig, at magbigay alam ka sa kanila sa ganang akin.

388
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging SaksiPananagutan sa Daigdig ng DiyosPananagutanTrumpeta para sa Pagbibigay HudyatBabala sa mga TaoTungkulin na Magbigay BabalaPananagutan

Nguni't kung makita ng bantay na dumarating ang tabak, at hindi humihip ng pakakak, at ang bayan ay hindi napagbigyang alam, at ang tabak ay dumating, at maghiwalay ng sinoman mula sa gitna nila; siya'y nahiwalay sa kaniyang kasamaan, nguni't ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa kamay ng bantay.

417
Mga Konsepto ng TaludtodKasalananNakaligtas

At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang inyong sinasalita, na sinasabi, Ang aming pagsalangsang, at ang aming mga kasalanan ay nangasa amin, at aming pinanglulupaypayan; paano ngang kami ay mangabubuhay?

428
Mga Konsepto ng TaludtodPagiimbot, Utos laban saKasiyahan sa SariliEtika, Dahilan ngKasakiman, Hatol saKinaugalianDangalKapaimbabawan, Paglalarawan saKapakinabanganLumilipas na ImpresyonPagsamba, Hadlang saKasakiman, Katangian ngMapagpaimbabaw, Larawan sa mgaKunwaring PagpapahayagKababawanKakulangan sa KahuluganSalita LamangIba pang Bayan ng DiyosPagmamahal sa mga Bagay ng DiyosKasakimanKasakimanGanda at DangalPagsasagawa

At dumating sa iyo na wari ang bayan ay dumarating, at sila'y nagsisiupo sa harap mo na gaya ng aking bayan, at kanilang dinidinig ang iyong mga salita, nguni't hindi nila ginagawa; sapagka't sila'y nangagsasalita ng malaking pagibig ng kanilang bibig, nguni't ang kanilang puso ay nasa kanilang pakinabang.

441
Mga Konsepto ng TaludtodKaparusahan, Katangian ngBabala sa mga TaoTungkulin na Magbigay BabalaAng Kapahamakan ng MasamaPananagutan

Pagka aking sinabi sa masama, Oh masamang tao, ikaw ay walang pagsalang mamamatay, at ikaw ay hindi nagsasalita upang magbigay alam sa masama ng kaniyang lakad: ang masamang yaon ay mamamatay sa kaniyang kasamaan, nguni't ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa iyong kamay.

500

Pagka iniwan ng matuwid ang kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, kaniyang ikamamatay yaon.

520
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong may KatuwiranBagay na Hindi Makapagliligtas, Mga

At ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa mga anak ng iyong bayan, Ang katuwiran ng matuwid ay hindi makapagliligtas sa kaniya sa kaarawan ng kaniyang pagsalangsang; at tungkol sa kasamaan ng masama, hindi niya kabubuwalan sa araw na kaniyang hiwalayan ang kaniyang kasamaan; ni ikabubuhay man ng matuwid ang kaniyang katuwiran sa araw na siya'y magkasala.

526
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Katapatan sa DiyosPakikipagusap

At tungkol sa iyo, anak ng tao, pinagsasalitaanan ka pa ng mga anak ng iyong bayan sa siping ng mga pader at sa mga pintuan ng mga bahay, at nangagsasalitaan na bawa't isa'y sa kaniyang kapatid, na sinasabi, Pumarito ka, isinasamo ko sa iyo, at dinggin mo kung ano ang salita na nanggagaling sa Panginoon.

532
Mga Konsepto ng TaludtodWalang TiwalaTiwala, Kakulangan ngPagtitiwala sa SariliDiyos na Lumilimot

Pagka aking sasabihin sa matuwid na siya'y walang pagsalang mabubuhay; kung siya'y tumiwala sa kaniyang katuwiran, at gumawa ng kasamaan, anoman sa kaniyang mga matuwid na gawa ay hindi aalalahanin; kundi sa kaniyang kasamaan na kaniyang nagawa doon siya mamamatay.

570
Mga Konsepto ng TaludtodMagsisi kung hindi ay Mamamatay KaInililigtas ang Sarili

Gayon ma'y kung iyong bigyang alam ang masama ng kaniyang lakad upang humiwalay, at hindi niya hiniwalayan ang kaniyang lakad; mamamatay siya sa kaniyang kasamaan, nguni't iniligtas mo ang iyong kaluluwa.

580

Muli, pagka aking sinabi sa masama, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay; kung kaniyang iwan ang kaniyang kasalanan, at gawin ang tapat at matuwid;

597
Mga Konsepto ng TaludtodEspada, MgaTagapagbantay

Anak ng tao, salitain mo sa mga anak ng iyong bayan, at sabihin mo sa kanila, Pagka aking dinala ang tabak sa lupain, kung ang bayan ng lupain ay kumuha ng isang lalake sa gitna nila, at ilagay na pinakabantay nila;

618
Mga Konsepto ng TaludtodSinasalakayAng Ikalimang Araw ng LinggoBuwan, IkasampungPagkawasak ng JerusalemPagtakas sa KasamaanAraw, Ikalimang

At nangyari, nang ikalabing dalawang taon ng ating pagkabihag, nang ikasangpung buwan; nang ikalimang araw ng buwan, na isa na nakatanan mula sa Jerusalem ay naparoon sa akin, na nagsasabi, Ang bayan ay nasaktan.

720
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinigAwit, MgaEspirituwal na PagkabingiKunwaring PagpapahayagKababawanPagsasagawaPagpapabuti

At, narito, ikaw ay parang masayang awit sa kanila na may maligayang tinig, at nakatutugtog na mabuti sa panugtog; sapagka't kanilang naririnig ang iyong mga salita, nguni't hindi nila ginagawa.

794
Mga Konsepto ng TaludtodTrumpeta para sa Pagbibigay HudyatPagkakita sa mga Sitwasyon

Kung, pagkakita niya ng tabak na dumarating sa lupain, kaniyang hipan ang pakakak, at magbigay alam sa bayan;

814
Mga Konsepto ng TaludtodArkeolohiyaIsang Tao LamangMarami sa Israel

Anak ng tao, ang nagsisitahan sa mga gibang dakong yaon ng lupain ng Israel, ay nangagsasalita, na sinasabi, Si Abraham ay iisa, at kaniyang minana ang lupain: nguni't tayo'y marami; ang lupain ay ibinigay sa ating pinakamana.

835
Mga Konsepto ng TaludtodBayadPagnanakawPagtupad sa KautusanKautusan tungkol sa PanataBuhay sa Pamamagitan ng Pagtupad sa KautusanUtang

Kung isauli ng masama ang sanla, ibigay uli ang kinuha sa pagnanakaw, lumakad sa palatuntunan ng buhay, na di gumawa ng kasamaan, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.

852
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinig sa mga Bagay-bagay

Sinoman ngang makarinig ng tunog ng pakakak, at hindi pinansin kung ang tabak ay dumating at dalhin siya, ang kaniyang dugo ay mapapasa kaniyang sariling ulo.

865
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Lumilimot

Wala sa kaniyang mga kasalanan na kaniyang nagawa na aalalahanin laban sa kaniya; kaniyang ginawa ang tapat at matuwid; siya'y walang pagsalang mabubuhay.

894
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapadanakMga Taong Umiinom ng DugoPagsamba sa Diyus-diyusanHinatulan bilang Mamamatay TaoKumakain ng Karne

Kaya't sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kayo'y nagsisikain ng may dugo, at itinataas ninyo ang inyong mga mata sa inyong mga diosdiosan, at nagbububo ng dugo: at inyo bagang aariin ang lupain?

927
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, Relihiyosong Gamit sa mgaYungibSalot, MgaMga Taong nasa KuwebaHayop, Kumakain ng Tao ng mgaPinatay sa TabakMaiilap na mga Hayop na SumisilaYungib bilang Taguang Lugar

Sabihin mong ganito sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Buhay ako, walang pagsalang silang nangasa mga ibang dako ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at siyang nasa luwal na parang ay ibibigay ko sa mga hayop upang lamunin, at silang nangasa mga katibayan at sa mga yungib ay mangamamatay sa salot.

940
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakilala sa mga Tao

At pagka ito'y nangyari, (narito, nangyayari,) kanila ngang malalaman na isang propeta ay napasa gitna nila.

969
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang HukomKawalang Katapatan sa DiyosPagtatangiAng Diyos ba ay Hindi Makatuwiran?Binayaran ang GawaManlillibak

Gayon ma'y inyong sinasabi, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid. Oh sangbahayan ni Israel, aking hahatulan kayo bawa't isa, ayon sa kaniyang mga lakad.

990
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinig sa mga Bagay-bagayPakikinig sa Taung-BayanInililigtas ang Sarili

Narinig niya ang tunog ng pakakak, at hindi pinansin; ang kaniyang dugo ay sasa kaniya; sapagka't kung siya'y pumansin ay kaniyang nailigtas sana ang kaniyang buhay.

1045

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

1076
Mga Konsepto ng TaludtodKamay ng DiyosKamay ng DiyosPagkapipiKamay ng Diyos sa mga TaoPipi

Ang kamay nga ng Panginoon ay sumaakin nang kinahapunan, bago dumating ang nakatanan; at ibinuka niya ang aking bibig, hanggang sa siya'y dumating sa akin nang kinaumagahan; at ang aking bibig ay nabuka at hindi na ako pipi.

1112
Mga Konsepto ng TaludtodAng Diyos ba ay Hindi Makatuwiran?

Gayon ma'y sinabi ng mga anak ng iyong bayan, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid: nguni't tungkol sa kanila, ay hindi matuwid ang kanilang lakad.

1125
Mga Konsepto ng TaludtodHindi MapanghahawakanYaong mga Gumawa ng Pangangalunya

Kayo'y nagsisitayo sa inyong tabak, kayo'y nagsisigawa ng kasuklamsuklam, at nanirang puri bawa't isa sa inyo ng asawa ng kaniyang kapuwa: at inyo bagang aariin ang lupain?

1152
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga BansaLupain na Walang LamanAng mga Kabundukan ng IsraelAng Kayabangan ay IbabagsakLakas ng Babae

At aking gagawing sira ang lupain at katigilan; at ang kahambugan ng kaniyang lakas ay maglilikat; at ang mga bundok ng Israel ay mangasisira, na walang dadaan.

1172
Mga Konsepto ng TaludtodBuhay sa Pamamagitan ng Pagsisisi

At kung hiwalayan ng masama ang kaniyang kasamaan, at gumawa ng tapat at matuwid, kaniyang ikabubuhay yaon.

1193
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga BansaPagkawasak na Pangyayari

Kung magkagayo'y malalaman nila na ako ang Panginoon, pagka aking ginawang sira at katigilan ang lupain, dahil sa lahat nilang kasuklamsuklam na kanilang nagawa.