Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 35

Ezekiel Rango:

582

Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

665
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang Hangarin, Halimbawa ngWalang Hanggang Kasamaan

Sapagka't ikaw ay nagkaroon ng laging pakikipagkaalit, at ibinigay mo ang mga anak ni Israel sa kapangyarihan ng tabak sa kapanahunan ng kanilang kasakunaan, sa kapanahunan ng parusang pinaka wakas;

824
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang PangkatMga Taong Inaangkin ang Ibang mga Bagay

Sapagka't iyong sinabi, Ang dalawang bansang ito, at ang dalawang lupaing ito ay magiging akin, at aming aariin; bagaman kinaroroonan ng Panginoon:

830
Mga Konsepto ng TaludtodDugo, Talinghaga na GamitHinahanapHinahanap na mga TaoPagkamuhi sa KasamaanPagpatay na Mangyayari

Kaya't buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, aking itatalaga ka sa dugo, at ang dugo ay hahabol sa iyo: yamang hindi mo kinapootan ang dugo, kaya't matatalaga ka sa dugo.

867

Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha sa bundok ng Seir, at manghula ka laban doon,

897
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Ginawang Dumami ang KasamaanNagagalak sa Masama

Kung paanong ikaw ay nagalak sa mana ng sangbahayan ni Israel, dahil sa sira, gayon ang gagawin ko sa iyo: ikaw ay magiging sira, Oh bundok ng Seir, at buong Edom, oo, lahat ng ito; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

910
Mga Konsepto ng TaludtodIunatKamay ng DiyosKamay ng Diyos na Nakaunat

At sabihin mo roon, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh bundok ng Seir, at aking iniunat ang aking kamay laban sa iyo, at gagawin kitang sira at katigilan.

954
Mga Konsepto ng TaludtodLupain na Walang Laman

Ganito ko gagawin ang bundok ng Seir na isang katigilan at kasiraan; at aking ihihiwalay sa kaniya siya na nagdaraan at siyang nagbabalik.

1050
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakamali, MgaMaraming SalitaPalalong mga Tao

At kayo'y nangagmalaki laban sa akin ng inyong bibig, at inyong pinarami ang inyong mga salita laban sa akin: aking narinig yaon.

1055
Mga Konsepto ng TaludtodPamumusong sa DiyosKawalang PitaganHayop, Kumakain ng Tao ng mgaDiyos na Nakikinig

At iyong malalaman na akong Panginoon ay nakarinig ng lahat mong panunungayaw na iyong sinalita laban sa mga bundok ng Israel, na sinasabi, Nangalagay na sira ang mga yaon, nangabigay sa atin upang lamunin.

1091
Mga Konsepto ng TaludtodInggit, Halimbawa ngAyon sa Bagay-BagayYaong mga Naiinggit

Kaya't buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, aking gagawin ayon sa iyong galit, at ayon sa iyong pananaghili na iyong ipinakilala sa iyong pagtatanim laban sa kanila: at ako'y pakikilala sa gitna nila pagka aking hahatulan ka.

1132
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Hanggang KahatulanWalang Lamang mga SiyudadLupain na Walang Laman

Ikaw ay gagawin kong pangpalaging kasiraan, at ang iyong mga bayan ay hindi tatahanan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

1211
Mga Konsepto ng TaludtodNagagalak sa Katarungan

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka ang buong lupa ay nagagalak, akin gagawin kang sira.

1242
Mga Konsepto ng TaludtodArkeolohiyaPagkawasak ng mga Lungsod

Aking ilalagay na giba ang iyong mga bayan, at ikaw ay magiging sira; at iyong malalaman na ako ang Panginoon.

1245
Mga Konsepto ng TaludtodPuspusin ang mga LugarPinatay sa TabakDiyos na PumapatayPapatayin ng Diyos ang mga Tao

At aking pupunuin ang kaniyang mga bundok ng kaniyang mga nangapatay: sa iyong mga burol at sa iyong mga libis at sa lahat mong mga daan ng tubig ay mangabubuwal sila na nangapatay ng tabak.