Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 36

Ezekiel Rango:

48
Mga Konsepto ng TaludtodPanalangin, Pangako ng Diyos Tungkol saSinagot na PangakoDiyos na Nagpaparami sa mga Tao

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Bukod dito pa'y pagsasanggunian ako ng sangbahayan ni Israel, upang gawin sa kanila; ako'y magpaparami sa kanila ng tao na parang kawan.

193
Mga Konsepto ng TaludtodPagdiriwang na Tinatangkilik

Kung paano ang kawan na panghain, kung paano ang kawan ng Jerusalem sa kanilang mga takdang kapistahan, gayon mapupuno ang mga gibang bayan ng mga kawan ng mga tao: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

322
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon sa mga IsraelitaMuling Pagsilang ng IsraelLambak ng mga Tuyong ButoAng Kapaligiran

Sapagka't aking kukunin kayo sa mga bansa, at pipisanin ko kayo na mula sa lahat ng lupain, at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain.

360
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Para SaMaling Gamit sa Pangalan ng Diyos

Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Hindi ko ginawa ito dahil sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel, kundi dahil sa aking banal na pangalan, na inyong nilapastangan sa mga bansa na inyong pinaroonan.

369
Mga Konsepto ng TaludtodEtika at BiyayaHuling mga ArawTinatahanan ng Espiritu SantoAng Espiritu ng DiyosPagtupad sa KautusanTuparin ang Kautusan!Pagpapalakas

At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa.

403
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngMisyon ng IsraelPaglapastangan sa Pangalan ng DiyosKabanalan

At aking babanalin ang aking dakilang pangalan, na nalapastangan sa mga bansa, na inyong nilapastangan sa gitna nila; at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, sabi ng Panginoong Dios, pagka ako'y aariing banal sa inyo sa harap ng kanilang mga mata.

425

Bukod dito'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi,

512
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatatag ng mga LungsodTirahanPagiging Nilinis sa Kasalanan

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa araw na aking linisin kayo sa lahat ninyong kasamaan, aking patatahanan ang mga bayan, at ang mga gibang dako ay mangatatayo.

527
Mga Konsepto ng TaludtodSumbatKabanalan, Layunin ngIba pang Bayan ng DiyosMaling Gamit sa Pangalan ng Diyos

At nang sila'y dumating sa mga bansa, na kanilang pinaroonan, kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan; sa pagsasabi ng mga tao tungkol sa kanila, Ang mga ito ay bayan ng Panginoon, at nagsilabas sa kaniyang lupain.

529
Mga Konsepto ng TaludtodTahananGrupong Papauwi ng BahayPamumungaNalalapit na Panahon, Pangkalahatan

Nguni't, kayo, Oh mga bundok ng Israel, inyong isusupling ang inyong mga sanga, at magbubunga sa aking bayang Israel; sapagka't sila'y malapit nang dumating.

544
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya!

At ikaw, anak ng tao, manghula ka laban sa mga bundok ng Israel, at sabihin mo, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon.

604
Mga Konsepto ng TaludtodMotibo, Halimbawa ngMakabayanPananakopApoy ng Galit ng DiyosNagagalak sa MasamaGawing Pag-aari

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Tunay na sa silakbo ng aking paninibugho ay nagsalita ako laban sa nalabi sa mga bansa, at laban sa buong Edom, na nagtakda ng aking lupain sa kanilang sarili na pag-aari na may kagalakan ng buo nilang puso, na may sama ng loob, upang ihagis na pinakasamsam.

622
Mga Konsepto ng TaludtodHardin ng Eden, AngEdenTirahan

At kanilang sasabihin, Ang lupaing ito na naging sira ay naging gaya ng halamanan ng Eden; at ang sira at giba at wasak na mga bayan ay nakukutaan at tinatahanan.

643
Mga Konsepto ng TaludtodPagdurugoDinudungisan ang Lupain

Anak ng tao, nang tumatahan ang sangbahayan ni Israel sa kanilang sariling lupain, kanilang inihawa ng kanilang lakad at ng kanilang mga gawa: ang kanilang lakad sa harap ko ay naging parang karumihan ng babae sa kaniyang kapanahunan.

709
Mga Konsepto ng TaludtodMaling Gamit sa Pangalan ng DiyosKahabaghabag

Nguni't iginalang ko ang aking banal na pangalan, na nilapastangan ng sangbahayan ni Israel sa mga bansa na kanilang pinaroonan.

723
Mga Konsepto ng TaludtodKaligtasan, Pagpapalaya Mula saWala ng TaggutomPagiging Nilinis sa KasalananDiyos na Nagliligtas sa Kabagabagan

At lilinisin ko kayo sa lahat ninyong karumihan: at aking patutubuin ang trigo, at aking pararamihin, at hindi na ako magpaparating ng kagutom sa inyo.

749
Mga Konsepto ng TaludtodMabunga, Natural naPagkakakilala sa DiyosTirahanDiyos na Gumagawa ng MabutiDiyos na Nagpaparami sa mga TaoMga Taong DumaramiAng mga Tao at Hayop ay Kapwa NailigtasMabunga, PagigingPagpaparami, Ayon sa Uri

At ako'y magpaparami sa inyo ng tao at hayop; at sila'y magsisidami at mangagkakaanak: at aking patatahanin kayo ayon sa inyong dating kalagayan, at gagawan ko kayo ng magaling kay sa una: at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

804
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na PanginoonKaraniwang PagtatanimMuling Pagtatatag

Kung magkagayo'y malalaman ng mga bansa na nalabi sa palibot ninyo na akong Panginoon ay nagtayo ng mga guhong dako, at tinamnan ko ang dakong sira: akong Panginoon ang nagsalita, at aking gagawin.

813
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Katapatan sa DiyosWalang Hanggang DaigdigGawing Pag-aari

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: sapagka't sinabi ng kaaway sa inyo, Aha! at, Ang dating mga mataas na dako ay aming pag-aari;

834
Mga Konsepto ng TaludtodNasayang na Lugar, Pagpapanumbalik ng mgaTirahanDiyos na Nagpaparami sa mga TaoMuling Pagtatatag ng JerusalemMuling Pagsilang ng IsraelLambak ng mga Tuyong Buto

At ako'y magpaparami ng mga tao sa inyo, buong sangbahayan ni Israel, sa makatuwid baga'y siyang lahat; at ang mga bayan ay tatahanan, at ang mga sirang dako ay mangatatayo;

847
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagbigay ng LupainAko ay Kanilang Magiging Diyos

At kayo'y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang; at kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.

861
Mga Konsepto ng TaludtodKaalaman sa Mabuti at MasamaPaalala ng Kasalanan, MgaKasalanan ay Kumakapit sa Makasalanan

Kung magkagayo'y inyong maaalaala ang inyong mga masamang lakad, at ang inyong mga gawa na hindi mabuti; at kayo'y mayayamot sa inyong sarili sa inyong paninging sarili, dahil sa inyong mga kasamaan at dahil sa inyong mga kasuklamsuklam.

880
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Para SaKahihiyan ng Masamang Asal

Hindi dahil sa inyo ginagawa ko ito, sabi ng Panginoong Dios, tantuin ninyo: kayo'y mangahiya at mangalito dahil sa inyong mga lakad, Oh sangbahayan ni Israel.

883
Mga Konsepto ng TaludtodNag-aararoNagbubungkal ng LupaMatalinghagang Pag-aararoMatalinghagang PagtatanimDiyos na Para sa Atin

Sapagka't, narito, ako'y sa inyo, at ako'y babalik sa inyo, at kayo'y mabubukid at mahahasikan;

928
Mga Konsepto ng TaludtodPaninibughoPang-iinsulto sa Ibang Tao

Kaya't manghula ka tungkol sa lupain ng Israel, at sabihin mo sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y nagsalita sa aking paninibugho at sa aking kapusukan, sapagka't inyong tinaglay ang kahihiyan ng mga bansa.

935
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapadanakDinudungisan ang LupainPagsamba sa Diyus-diyusanPagpatay sa Maraming Tao

Kaya't aking ibinugso ang aking kapusukan sa kanila dahil sa dugo na kanilang ibinubo sa lupain, at dahil sa kanilang nilapastangan ng kanilang mga diosdiosan;

960
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Sumumpa ng KapinsalaanPang-iinsulto sa Ibang TaoPanunumpa

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Aking itinaas ang aking kamay, na aking sinasabi, Tunay na ang mga bansa na nangasa palibot ninyo, mangagtataglay sila ng malaking kahihiyan.

961
Mga Konsepto ng TaludtodArkeolohiyaLungsod na SinasalakayPagtalikod sa mga BagayAng mga Kabundukan ng Israel

Kaya't kayong mga bundok ng Israel, inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, sa mga sirang dako at sa mga bayan na nangapabayaan, na mga naging samsam at kakutyaan na nalabi sa mga bansa na nangasa palibot;

985
Mga Konsepto ng TaludtodNagbubungkal ng LupaPagbubungkal

At ang lupain na naging sira ay mabubukid, na naging sira sa paningin ng lahat na nangagdaraan.

1027
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Pamamaraan ngDiyos na Nagpangalat sa IsraelBinayaran ang Gawa

At aking pinangalat sila sa mga bansa, at sila'y nagsipanabog sa mga lupain: ayon sa kanilang lakad at ayon sa kanilang mga gawa ay hinatulan ko sila.

1041
Mga Konsepto ng TaludtodTirahanPangungulilaMga Taong Inaangkin ang Ibang mga Bagay

Oo, aking palalakarin sa inyo ang mga tao, sa makatuwid baga'y ang aking bayang Israel; at kanilang aariin ka, at ikaw ay magiging kanilang mana, at hindi mo na sila wawalaan ng mga anak.

1077
Mga Konsepto ng TaludtodHuwag HumadlangPang-iinsulto sa Ibang TaoKasiyasiyaPagbabalik sa Tahanan

O iparirinig ko pa man sa iyo ang kahihiyan ng mga bansa, o magtataglay ka pa man ng kakutyaan ng mga bayan, o ititisod mo pa man ang iyong bansa, sabi ng Panginoong Dios.

1085
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Kabuluhang PananalitaDiinanPanghihinaGawing Pag-aariIlalim ng Hininga, SaKasiyasiyaPagtsitsismis

Kaya't manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang ginawang sira kayo, at nadaig kayo sa lahat ng dako, upang kayo'y maging pag-aari ng nalabi sa mga bansa, at kayo'y nabanggit ng mga labi ng mga mangdadaldal, at masamang ulat ng bayan;

1090
Mga Konsepto ng TaludtodPangungulilaMga Taong Winawasak ang Banyagang mga Bansa

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't kanilang sinasabi sa iyo, Ikaw na lupain ay manglalamon nga ng mga tao, at naging mapagpahirap sa iyong bansa;

1183
Mga Konsepto ng TaludtodPangungulilaHindi Nasisira

Kaya't hindi ka na manglalamon pa ng mga tao o papatay pa man sa iyong bansa, sabi ng Panginoong Dios;

1192
Mga Konsepto ng TaludtodPananimDumaraming BungaWala ng TaggutomPagsasaalis ng KahihiyanMuling Pagsilang ng IsraelLambak ng mga Tuyong Buto

At aking pararamihin ang bunga ng punong kahoy, at ang ani sa bukid, upang huwag na kayong tumanggap pa ng kadustaan ng kagutom sa mga bansa.