Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezra 9

Ezra Rango:

19
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagsalita sa Pamamagitan ng mga PropetaMaruming Bagay, Mga

Na iyong iniutos sa pamamagitan ng iyong mga lingkod na mga propeta, na nangagsasabi, Ang lupain, na inyong pinaroroonan upang ariin, ay maruming lupain dahil sa mga karumihan ng mga bayan ng mga lupain, dahil sa kanilang mga karumaldumal, na pinuno sa dulo't dulo ng kanilang karumihan.

26
Mga Konsepto ng TaludtodKasunduanPagaasawahanHindi UmuunladWalang Kapayapaan

Ngayon nga'y huwag ninyong ibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalake, ni kunin man ninyo ang kanilang mga anak na babae sa ganang inyong mga anak na lalake, ni hanapin ang kanilang kapayapaan o ang kanilang kaginhawahan magpakailan man: na kayo baga'y magsilakas, at magsikain ng buti ng lupain, at iwan ninyo na pinakamana sa inyong mga anak magpakailan man.

42
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Katuwiran ngSariling Katuwiran at ang EbanghelyoNakaligtas sa mga Bansa, MgaNatagpuang may Sala

Oh Panginoon, na Dios ng Israel, ikaw ay matuwid, sapagka't kami ay naiwan na isang nalabi na nakatanan, na gaya sa araw na ito: narito, kami ay nangasa harap mo sa aming sala; sapagka't walang makatatayo sa harap mo dahil dito.

57
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakasala, Parusa saNalabiNakaligtas sa mga Bansa, Mga

At pagkatapos ng lahat na dumating sa amin dahil sa aming masamang mga gawa, at dahil sa aming malaking sala, sa paraang ikaw na aming Dios ay nagparusa sa amin, ng kulang kay sa marapat sa aming mga kasamaan, at binigyan mo kami ng ganitong nalabi.

70
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang mga KasamahanPagaasawahanMagagalit ba ang Diyos?

Amin ba uling sisirain ang iyong mga utos, at makikipisan ng mahigpit sa mga bayan na nagsisigawa ng mga karumaldumal na ito? hindi ka ba magagalit sa amin hanggang sa inyong malipol kami, na anopa't huwag magkaroon ng nalabi, o ng sinomang nakatanan.

152
Mga Konsepto ng TaludtodHalo Halong mga Tao

Sapagka't kinuha nila ang kanilang mga anak na babae sa ganang kanilang sarili, at sa kanilang mga anak na lalake, na anopa't ang banal na binhi ay nahalo nga sa bayan ng mga lupain: oo, ang kamay ng mga prinsipe at ng mga pinuno ay naging puno sa pagsalangsang na ito.

185
Mga Konsepto ng TaludtodMaysala, BudhingHalimbawa ng PagpapahayagSala, Pantaong Aspeto ngKahihiyanKasalanan, Naidudulot ngNamumulaNatagpuang may SalaKahihiyan ay Dumating

At aking sinabi, Oh aking Dios; ako'y napahiya at namula na itaas ang aking mukha sa iyo, na aking Dios: sapagka't ang aming mga kasamaan ay nagsilala sa aming ulo, at ang aming sala ay umabot hanggang sa langit.

188
Mga Konsepto ng TaludtodPinunit ang KasuotanBalabalPunong Saserdote sa Lumang TipanPagluhodPanalangin, Praktikalidad saPagpipitagan at MasunurinPagtataas ng KamayYaong mga Humapak ng Kanilang Kasuotan

At sa pagaalay sa kinahapunan ay bumangon ako sa aking pagpapakumbaba, na hapak ang aking suot at ang aking balabal; at ako'y lumuhod ng aking mga tuhod, at iniunat ko ang aking mga kamay sa Panginoon kong Dios;

205
Mga Konsepto ng TaludtodBalabalBalabalDamit, Pagpunit ngBalbasBuhok, MgaKasuotanPaggupit ng Buhok sa MukhaBuhok, Pagaalis ngYaong mga Humapak ng Kanilang Kasuotan

At nang mabalitaan ko ang bagay na ito, aking hinapak ang aking suot at ang aking balabal, at binaltak ko ang buhok ng aking ulo at ng aking baba, at ako'y naupong natitigilan.

208
Mga Konsepto ng TaludtodKaliwanaganLiwanag, Espirituwal naNalabiDiyos na MapagbiyayaTalasokSandaling PanahonNakaligtas, Lingap sa mgaMaiksing Panahon para KumilosPagbangonKalawakanMapagbiyaya

At ngayon sa sandaling panahon ay napakita ang biyaya na mula sa Panginoon naming Dios, upang iwan sa amin ang isang nalabi na nakatanan at upang bigyan kami ng isang pako sa kaniyang dakong banal, upang palinawin ng aming Dios ang aming mga mata, at bigyan kami ng kaunting kabuhayan sa aming pagkaalipin.

211
Mga Konsepto ng TaludtodKabutihanWalang KabaitanPader, MgaArkeolohiyaDiyos na Hindi NagpapabayaGrupo ng mga AlipinPangaalipinPagbangon

Sapagka't kami ay mga alipin; gayon ma'y hindi kami pinabayaan ng aming Dios sa aming pagkaalipin, kundi naggawad ng kaawaan sa amin sa paningin ng mga hari sa Persia, upang bigyan kami ng kabuhayan, upang itayo ang bahay ng aming Dios, at upang husayin ang sira niyaon, at upang bigyan kami ng kuta sa Juda at sa Jerusalem.

212
Mga Konsepto ng TaludtodPagpipitagan at ang Kalikasan ng DiyosLahi sa Lahi na PagaasawaNanginginigGumawa hanggang Gabi

Nang magkagayo'y nagpipisan sa akin ang lahat na nanginginig sa mga salita ng Dios ng Israel, dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag; at ako'y naupong natitigilan hanggang sa pagaalay sa hapon.

213
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakasala, Parusa saKahihiyan

Mula ng mga kaarawan ng aming mga magulang ay naging totoong salarin kami hanggang sa araw na ito; at dahil sa aming mga kasamaan, kami, ang aming mga hari, at ang aming mga saserdote ay nangabigay sa kamay ng mga hari ng mga lupain, sa tabak, sa pagkabihag, sa pagkasamsam, at sa kahihiyan ng mukha, gaya sa araw na ito.

217
Mga Konsepto ng TaludtodTalikuran ang DiyosTalikuran ang mga Bagay ng Diyos

At ngayon, Oh aming Dios, ano ang aming sasabihin pagkatapos nito? sapagka't aming pinabayaan ang iyong mga utos.

220
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakahiwalayKasuklamsuklam, Seksuwal na Karumihan ay

Nang magawa nga ang mga bagay na ito, ang mga prinsipe ay nagsilapit sa akin, na nangagsasabi: Ang bayan ng Israel, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, ay hindi nagsihiwalay sa mga bayan ng mga lupain, na nagsisigawa ng ayon sa kanilang mga karumaldumal, sa makatuwid baga'y ang mga Cananeo, ang mga Hetheo, ang mga Pherezeo, ang mga Jebuseo, ang mga Ammonita, ang mga Moabita, ang mga taga Egipto, at ang mga Amorrheo.