Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Genesis 16

Genesis Rango:

336
Mga Konsepto ng TaludtodAbraham, Pagsubok at Tagumpay niDiyos, Halimbawa ng Habag ngPinangalanang mga Asawang BabaeAsawang BabaePagkakaroon ng SanggolLingkod, PagigingSanggolSaraKerida

Si Sarai nga na asawa ni Abram ay hindi nagkaanak sa kaniya; at siya'y may isang alilang babae na taga Egipto, na nagngangalang Agar.

442
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kapanganakan na dulot ng HulaDiyos na Nagpapangalan sa Kanyang BayanDiyos na Nagbigay Pansin sa KanilaDiyos na Nagbibigay Pansin

At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Narito't ikaw ay nagdadalang-tao at ikaw ay manganganak ng isang lalake; at ang itatawag mo sa kaniyang ngalan ay Ismael, sapagka't diningig ng Panginoon ang iyong kadalamhatian.

496
Mga Konsepto ng TaludtodBaogPagtulog, Pisikal naBanal na PagpipigilDahilan ng KabaoganMga Bata at ang Pagpapala ng DiyosDiyos na HumahadlangSeksuwal na Pag-uugnay, NinaisSumusunod sa mga TaoSara

At sinabi ni Sarai kay Abram, Narito, ngayon, ako'y hinadlangan ng Panginoon na ako'y magkaanak; ipinamamanhik ko sa iyong sumiping ka sa aking alilang babae; marahil ay magkakaanak ako sa pamamagitan niya. At dininig ni Abram ang sabi ni Sarai.

502
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaanMagkaibang PanigMaiilap na mga AsnoPagaawayPamilya, Kaguluhan saIslam

At siya'y magiging parang asnong bundok sa gitna ng mga tao; ang kaniyang kamay ay magiging laban sa lahat, at ang kamay ng lahat ay laban sa kaniya; at siya'y tatahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid.

530
Mga Konsepto ng TaludtodAnghel ng PanginoonIlog at Sapa, MgaKalsadaBalon, MgaPaghahanap sa mga TaoPansamantalang Pagtigil sa IlangJesus, Ginampanan Niya sa KaligtasanGabrielKerida

At nasumpungan siya ng anghel ng Panginoon sa tabi ng isang bukal ng tubig sa ilang, sa bukal na nasa daang patungo sa Shur.

563
Mga Konsepto ng TaludtodTabing, MgaPangalan ng Diyos, MgaDiyos, Pagkamaalam sa Lahat ngDiyos na Nakakakita ng Lahat sa DaigdigYaong mga Nakakita sa DiyosNakikitaIba pang mga Talata tungkol sa Pangalan ng Diyos

At kaniyang tinawagan ang ngalan ng Panginoon na nagsalita sa kaniya, Ikaw ay Dios na nakakakita: sapagka't sinabi niya, Namasdan ko rin ba rito ang likuran niyaong nakakakita sa akin?

599
Mga Konsepto ng TaludtodKeridaSampu hanggang Labing Apat na TaonPagbibigay sa Buhay May AsawaKerida

At kinuha ni Sarai na asawa ni Abram, si Agar na taga Egipto, na kaniyang alila, pagkaraan ng sangpung taon na makatahan si Abram sa lupain ng Canaan, at ibinigay kay Abram na kaniyang asawa upang maging asawa niya.

615
Mga Konsepto ng TaludtodEdad ng Pagiging Ama, Ang

At si Abram ay may walong pu't anim na taon nang ipanganak si Ismael ni Agar kay Abram.

652
Mga Konsepto ng TaludtodParamihinHindi MabilangImposible para sa mga TaoDiyos na Nagpaparami sa mga Tao

At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Pararamihin kong mainam ang iyong binhi, na hindi mabibilang dahil sa karamihan.

657
Mga Konsepto ng TaludtodKapansananPagbubuntisMag-asawa, Pagtatalik ngMag-asawa, Pagtatalik sa Pagitan ngSaraKerida

At siya'y sumiping kay Agar, at naglihi: at nang makita niyang siya'y naglihi, ay niwalang halaga niya ang kaniyang panginoong babae sa kaniyang paningin.

671
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagbibigay PansinMga Taong may Akmang Pangalan

At nanganak si Agar ng isang lalake kay Abram at ang itinawag ni Abram, na pangalan sa kaniyang anak na ipinanganak ni Agar, ay Ismael.

705
Mga Konsepto ng TaludtodAbuso sa Kapangyarihan, Mga Halimbawa ngPanginoon, MgaPaniniil, Katangian ngPaghihirap, Sanhi ngEmployer, Masamang Halimbawa ng mgaIbinigay sa KamayIwan ang mga TaoKerida

Datapuwa't sinabi ni Abram kay Sarai, Narito, ang iyong alila ay nasa iyong kamay; gawin mo sa kaniya ang iyong minamagaling sa iyong paningin. At dinuwahagi siya ni Sarai, at si Agar ay tumakas mula sa kaniyang harap.

715
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang HukomPintas laban sa mga MananampalatayaAbraham, Pagsubok at Tagumpay niMga Taong Maaring Gumagawa ng Masama

At sinabi ni Sarai kay Abram, Ang aking pagkaapi ay sumaiyo: idinulot ko ang aking alila sa iyong sinapupunan; at nang makita niyang siya'y naglihi, ay niwalan akong kabuluhan sa kaniyang paningin: ang Panginoon ang humatol sa akin at sa iyo.

813
Mga Konsepto ng TaludtodAnghel ng PanginoonMagpakumbaba KaKerida

At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Magbalik ka sa iyong panginoon, at pahinuhod ka sa kaniyang mga kamay.

830
Mga Konsepto ng TaludtodBalon, MgaDiyos na Nakakakita sa Lahat ng TaoBeer

Kaya't nginalanan ang balong yaon Balon ng Nabubuhay na nakakakita sa akin; narito't ito'y nasa pagitan ng Cades at Bered.

880
Mga Konsepto ng TaludtodSaan Mula?Saan Tutungo?Kerida

At sinabi, Agar, alila ni Sarai, saan ka nanggaling? at saan ka paroroon? at kaniyang sinabi, Ako'y tumatakas mula sa harap ni Sarai na aking panginoon.