Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Genesis 17

Genesis Rango:

31
Mga Konsepto ng TaludtodSisiDiyos, Titulo at Pangalan ngPaglalakbay kasama ang DiyosBuhay PananampalatayaNaipanumbalik kay Jesu-CristoKaganapan ng TaoPaglalakadAbraham, Pagsubok at Tagumpay niMakapangyarihan sa Lahat, AngPaglalakad kasama ang DiyosPagpapakita ng DiyosAko ang Diyos

At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.

154
Mga Konsepto ng TaludtodAbraham, Pamilya at Lahi niAng Bilang na Labing DalawaAbraham, Pagsubok at Tagumpay niSinagot na PanalanginKaunlaran, Pangako ngDiyos na Nagpaparami sa mga TaoLabing Dalawang NilalangPinagpala ng DiyosDiyos na Nagbigay Pansin sa AkinAnak, Pagpapala ang MgaMabunga, Pagiging

At tungkol kay Ismael, ay dininig din kita. Narito't aking pinagpala siya, at siya'y aking papagaanakin ng marami, at siya'y aking pararamihin ng di kawasa; labing dalawang prinsipe ang kaniyang magiging anak, at siya'y gagawin kong malaking bansa.

161
Mga Konsepto ng TaludtodTipan ng Diyos sa mga PatriarkaAng Panahon na ItinakdaAbraham, Tipan kayTipanSara

Nguni't ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating.

251
Mga Konsepto ng TaludtodHuling mga SalitaDiyos, Bumabangon angPagtatapos ng Malakas

At nang matapos na makipagusap sa kaniya, ay napaitaas ang Dios mula sa piling ni Abraham.

272

At si Abraham ay may siyam na pu't siyam na taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.

324
Mga Konsepto ng TaludtodBalatSa Parehas ring OrasGrupo ng mga Alipin

At ipinagsama ni Abraham si Ismael, na kaniyang anak, at ang lahat na ipinanganak sa kaniyang bahay, at ang lahat ng binili niya ng kaniyang salapi, ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasangbahay ni Abraham, at tinuli ang laman ng kanilang balat ng masama ng araw ding yaon, ayon sa sinabi ng Dios sa kaniya.

351

At si Ismael ay may labing tatlong taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.

370
Mga Konsepto ng TaludtodGrupo ng mga Alipin

At lahat ng lalaking kasangbahay niya, maging ang mga ipinanganak sa bahay, at ang mga binili ng salapi sa taga ibang lupain, ay pinagtuling kasama niya.

383
Mga Konsepto ng TaludtodSa Parehas ring Oras

Nang araw ding yaon tinuli si Abraham, at si Ismael na kaniyang anak.

446
Mga Konsepto ng TaludtodAbraham, Panawagan at Buhay niSagisag ni CristoBinagong PangalanDiyos na Nagpangalan sa Kanyang Bayan

At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; sapagka't ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa.

448
Mga Konsepto ng TaludtodAbrahamPagkakaroon ng BungaAng Walang Hanggang TipanDiyos na Nagpapangalan sa Kanyang BayanTipan ng Diyos sa mga PatriarkaAng Pangako ng Pagkakaroon ng AnakSara

At sinabi ng Dios, Hindi, kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo; at tatawagin mo ang kaniyang ngalang Isaac; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya.

469
Mga Konsepto ng TaludtodAbraham, Pagsubok at Tagumpay niAbraham, Panawagan at Buhay niBinagong PangalanDiyos na Nagpangalan sa Kanyang BayanSara

At sinabi ng Dios kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai, kundi Sara ang magiging kaniyang pangalan.

472
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapala kay AbrahamDiyos na Walang HangganLupain bilang Kaloob ng DiyosPagaari na LupainAng Lupang PangakoWalang Hanggang PagaariPaninirahanAko ay Kanilang Magiging Diyos

At ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi, pagkamatay mo, ang lupaing iyong mga pinaglakbayan, ang buong lupain ng Canaan, na pag-aaring walang hanggan at ako ang magiging Dios nila.

479
Mga Konsepto ng TaludtodTipan ng Diyos sa mga PatriarkaAma, Pagiging

Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa.

518
Mga Konsepto ng TaludtodSalinlahiPamimili at PagtitindaSalapi, Gamit ngHindi Aabot sa Isang TaonIpinanganak sa Isang SambahayanPagtutuliGrupo ng mga Alipin

At ang may walong araw ay tutuliin sa inyo, ang bawa't lalake sa buong kalahian ninyo; ang ipinanganak sa bahay, o ang binili ng salapi sa sinomang taga ibang lupa na hindi sa iyong lahi.

524
Mga Konsepto ng TaludtodMukha, MgaPagyukodPagpapatirapaPagpipitagan at MasunurinAng BahaghariBahaghari

At nagpatirapa si Abram: at ang Dios ay nakipagusap sa kaniya, na sinasabi,

531
Mga Konsepto ng TaludtodKilos at GalawSeremonyaPagtutuliTipan ng Diyos sa mga Patriarka

Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa inyo, at ng iyong binhi, pagkamatay mo; tutuliin ang bawa't lalake sa inyo.

557
Mga Konsepto ng TaludtodBalatPaglabag sa Tipan

At ang lalaking hindi tuli, na hindi tinuli ang laman ng kaniyang balat ng masama, ang taong yaon ay mahihiwalay sa kaniyang bayan; sinira niya ang aking tipan.

573
Mga Konsepto ng TaludtodBalatPagtutuli

At kayo'y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama; at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo.

609
Mga Konsepto ng TaludtodAbraham, Pagsubok at Tagumpay ni

At sinabi pa ng Dios kay Abraham, At tungkol sa iyo, iingatan mo ang aking tipan, iingatan mo at ng iyong binhi pagkamatay mo, sa buong kalahian nila.

630
Mga Konsepto ng TaludtodMabunga, Natural naGinawang mga HariMabunga, PagigingPagpaparami, Ayon sa Uri

At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari.

731
Mga Konsepto ng TaludtodSanggol bilang Pagpapala ng DiyosIna ng mga Hari, MgaKaloob ng Diyos, MgaDiyos, Pagpapalain ngIba pang Kaloob ng DiyosIna at Anak na LalakeSanggol bilang PagpapalaSara

At akin siyang pagpapalain, at saka sa kaniya'y bibigyan kita ng anak: oo, siya'y aking pagpapalain, at magiging ina ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya.

777
Mga Konsepto ng TaludtodPaglilingkod sa LipunanTaong Nagbago ng PaniniwalaAng Walang Hanggang TipanIpinanganak sa Isang SambahayanPagtutuliTipan ng Diyos sa mga PatriarkaGrupo ng mga Alipin

Ang ipinanganak sa bahay at ang binili ng iyong salapi, ay dapat tuliin: at ang aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan.