Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Hosea 12

Hosea Rango:

25
Mga Konsepto ng TaludtodTrabaho ng Diyos at ng TaoDiyos, Iniingatan ngHindi Pinangalanang mga Propeta ng PanginoonIsraelPagpapanatili

At sa pamamagitan ng isang propeta ay isinampa ng Panginoon ang Israel mula sa Egipto, at sa pamamagitan ng isang propeta, siya'y naingatan.

35
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Paghihirap ngKawalang PitaganYamutin ang DiyosBunga ng KasalananNagdadalamhating DiyosDiyos na Humihingi sa Kanila

Ang Ephraim ay namungkahi ng di kawasang galit: kaya't ang kaniyang dugo ay maiiwan sa kaniya, at ibabalik ng kaniyang Panginoon sa kaniya ang kakutyaan sa kaniya.

83
Mga Konsepto ng TaludtodKaalyadoPagpapakainBulaang TiwalaPagsamba sa Diyus-diyusan, Pagtutol saKasunduanHanginIpinagbabawal na KasunduanHinahanap na KarahasanMula sa SilanganAng Silangang Hangin

Ang Ephraim ay kumakain ng hangin, at sumusunod sa hanging silanganan: siya'y laging nagpaparami ng mga kabulaanan at kasiraan; at sila'y nakikipagtipan sa Asiria, at ang langis ay dinadala sa Egipto.

93
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanap sa DiyosMaging Mahabagin!Diyos na NagsasalitaPakikipagbunoPagpapakasakitPagkalalake

Oo, siya'y nagtaglay ng kapangyarihan sa anghel, at nanaig: siya'y tumangis, at namanhik sa kaniya: nasumpungan niya siya sa Beth-el, at doo'y nakipagsalitaan siya sa atin.

94
Mga Konsepto ng TaludtodTalinghaga, MgaPropeta, Gampanin ng mgaPangitain, MgaPropesiyang PangitainPangitain mula sa DiyosIba na Gumagamit ng mga TalinghagaMinisteryoPropeta, MgaMoral na Kabulukan

Ako rin naman ay nagsalita sa mga propeta, at ako'y nagparami ng mga pangitain; at sa pangangasiwa ng mga propeta ay gumamit ako ng mga talinhaga.

99
Mga Konsepto ng TaludtodSanggol na nasa SinapupunanSakongSinapupunanKalaguanPagkalalake

Sa bahay-bata ay kaniyang hinawakan sa sakong ang kaniyang kapatid; at sa kaniyang kabinataan ay nagtaglay ng kapangyarihan ng Dios:

100
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Hihingin ngBinayaran ang Gawa

Ang Panginoon ay may pakikipagkaalit din sa Juda, at parurusahan niya ang Jacob ayon sa kaniyang mga lakad; ayon sa kaniyang mga gawa ay gagantihan niya siya.

102
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabago, Katangian ngKatapatan sa Pakikitungo sa TaoPagbabalik sa DiyosPagbangon, SamahangPaghihintay sa DiyosInaasahanMithiin ang Pagibig

Kaya't magbalik-loob ka sa iyong Dios magingat ka ng kaawaan at ng kahatulan, at hintayin mong lagi ang iyong Dios.

107
Mga Konsepto ng TaludtodTupaKabayaranIsrael, Tumatakas angIba pang mga AsawaSirya

At si Jacob ay tumakas na napatungo sa parang ng Aram, at naglingkod si Israel dahil sa isang asawa, at dahil sa isang asawa ay nagalaga ng mga tupa.

114
Mga Konsepto ng TaludtodKulubotWalang Kabuluhang mga Diyus-diyusanMga Panandang BatoPagaalay ng mga Baka

Ang Galaad baga'y kasamaan? sila'y pawang walang kabuluhan; sa Gilgal ay nangaghahain sila ng mga toro; oo, ang kanilang dambana ay parang mga bunton sa mga bungkal ng bukid.

118
Mga Konsepto ng TaludtodKalayaan, Pagsasabuhay nito sa Lumang TipanAko ay Kanilang Magiging Diyos

Nguni't ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto, akin pa kitang patatahanin uli sa mga tolda, gaya sa mga kaarawan ng takdang kapistahan.

121
Mga Konsepto ng TaludtodSundalo, MgaDiyos bilang MandirigmaAng Pangalan Niya ay Panginoon

Sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo; ang Panginoon ay kaniyang alaala.