43 Talata sa Bibliya tungkol sa Diyos, Paghihirap ng

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

1 Samuel 15:10-11

Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Samuel, na sinasabi, Ikinalulungkot ko na aking inilagay na hari si Saul; sapagka't siya'y tumalikod na hindi sumunod sa akin, at hindi tinupad ang aking mga utos. At si Samuel ay nagalit, at siya'y dumaing sa Panginoon buong gabi.

Awit 78:58

Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako, at kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.

Deuteronomio 32:15-16

Nguni't tumaba si Jeshurun, at tumutol: Ikaw ay tumataba, ikaw ay lumalapad, ikaw ay naging makinis: Nang magkagayo'y kaniyang pinabayaan ang Dios na lumalang sa kaniya, At niwalang kabuluhan ang Bato na kaniyang kaligtasan. Siya'y kinilos nila sa paninibugho sa ibang mga dios, Sa pamamagitan ng mga karumaldumal, minungkahi nila siya sa kagalitan.

Mga Hukom 2:12-13

At kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto, at sumunod sa ibang mga dios, sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot nila, at sila'y yumukod sa mga yaon: at kanilang minungkahi ang Panginoon sa galit. At kanilang pinabayaan ang Panginoon, at naglingkod kay Baal at kay Astaroth.

1 Mga Hari 21:22

At aking gagawin ang iyong sangbahayan na gaya ng sangbahayan ni Jeroboam na anak ni Nabat, at gaya ng sangbahayan ni Baasa na anak ni Ahia, dahil sa pamumungkahi na iyong iminungkahi sa akin sa galit, at iyong pinapagkasala ang Israel.

Ezekiel 8:17

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Nakita mo baga ito, Oh anak ng tao? Magaan bagang bagay sa sangbahayan ni Juda, na sila'y nagsisigawa ng mga kasuklamsuklam na kanilang ginagawa dito? sapagka't kanilang pinuno ng karahasan ang lupa, at sila'y nangagbalik uli upang mungkahiin ako sa galit: at, narito, kanilang inilalagay ang sanga sa kanilang ilong.

Hosea 12:14

Ang Ephraim ay namungkahi ng di kawasang galit: kaya't ang kaniyang dugo ay maiiwan sa kaniya, at ibabalik ng kaniyang Panginoon sa kaniya ang kakutyaan sa kaniya.

Exodo 3:7

At sinabi ng Panginoon, Akin ngang nakita ang kadalamhatian ng aking bayan na nasa Egipto, at aking dininig ang kanilang daing dahil sa mga tagapagpaatag sa kanila; sapagka't talastas ko ang kanilang kapanglawan.

Mga Hukom 10:16

At kanilang inihiwalay ang mga dios ng iba sa kanila, at naglingkod sa Panginoon: at ang kaniyang kaluluwa ay nagdalamhati dahil sa karalitaan ng Israel.

2 Paralipomeno 36:15

At ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, nagsugo sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga sugo, na bumangong maaga at nagsugo, sapagka't siya'y nagdalang habag sa kaniyang bayan, at sa kaniyang tahanang dako:

Isaias 16:11

Kaya't ang aking tiyan ay tumutunog na parang alpa dahil sa Moab, at ang aking mga lamang-loob dahil sa Kir-hares.

Jeremias 48:31

Kaya't aking tatangisan ang Moab; oo, ako'y hihiyaw dahil sa buong Moab: dahil sa mga tao ng Kir-heres ay magsisitangis sila.

2 Samuel 24:15-17

Sa gayo'y nagsugo ang Panginoon ng salot sa Israel mula sa umaga hanggang sa takdang panahon: at namatay sa bayan mula sa Dan hanggang sa Beer-seba ay pitong pung libong lalake. At nang iunat ng anghel ang kaniyang kamay sa dakong Jerusalem upang gibain ay nagsisi ang Panginoon sa kasamaan, at sinabi sa anghel na lumipol ng bayan, Siya na; ngayo'y itigil mo ang iyong kamay. At ang anghel ng Panginoon ay nasa giikan ni Arauna na Jebuseo. At nagsalita si David sa Panginoon, nang kaniyang makita ang anghel na sumakit sa bayan, at nagsabi, Narito, ako'y nagkasala, at ako'y gumawa ng kalikuan; nguni't ang mga tupang ito, ano ang ginawa? isinasamo ko sa iyo na ang iyong kamay ay maging laban sa akin, at laban sa sangbahayan ng aking ama.

1 Paralipomeno 21:14-17

Sa gayo'y nagsugo ang Panginoon ng salot sa Israel: at nabuwal sa Israel ay pitongpung libong lalake. At ang Dios ay nagsugo ng isang anghel sa Jerusalem, upang gibain; at nang kaniyang lilipulin, ang Panginoo'y tumingin, at nagsisi siya tungkol sa kasamaan, at sinabi sa manglilipol na anghel, Siya na, ngayo'y itigil mo ang iyong kamay. At ang anghel ng Panginoon ay tumayo sa tabi ng giikan ni Ornan na Jebuseo. At itinanaw ni David ang kaniyang mga mata, at nakita ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa pagitan ng lupa at ng langit, na may hawak na tabak sa kaniyang kamay na nakaunat sa Jerusalem. Nang magkagayo'y si David at ang mga matanda, na nangakapanamit ng kayong magaspang ay nangagpatirapa.magbasa pa.
At sinabi ni David sa Dios, Hindi ba ako ang nagpabilang sa bayan? sa makatuwid baga'y ako yaong nagkasala at gumawa ng totoong kasamaan; nguni't ang mga tupang ito, ano ang kanilang ginawa? Idinadalangin ko sa iyo, Oh Panginoon kong Dios, na ang iyong kamay ay maging laban sa akin, at laban sa sangbahayan ng aking ama; nguni't huwag laban sa iyong bayan, na sila'y masasalot.

Isaias 16:9

Kaya't iiyak ako ng iyak ng Jazer dahil sa puno ng ubas ng Sibma: aking didiligin ka ng aking mga luha, Oh Hesbon, at Eleale; sapagka't sa iyong mga bunga ng taginit at sa iyong pagaani, dumating ang hiyaw sa pakikipagbaka.

Jeremias 48:32-36

Tatangis ako ng higit kay sa pagtangis ng Jazer dahil sa iyo, Oh puno ng ubas ng Sibma: ang iyong mga sanga ay nagsisidaan ng dagat, nagsisiabot hanggang sa dagat ng Jazer: sa iyong mga bungang taginit at sa iyong ani ay dumaluhong ang manglilipol. At ang kasayahan at kagalakan ay naalis, sa mainam na bukid at sa lupain ng Moab; at aking pinatigil ang alak sa mga alilisan: walang yayapak na may hiyawan; ang paghihiyawan ay hindi magiging paghihiyawan. Mula sa hiniyawan ng Hesbon hanggang sa Eleale, hanggang sa Jajaz ay naglakas sila ng kanilang tinig, mula sa Zoar hanggang sa Horonaim, sa Eglat-selisiya: sapagka't ang tubig ng Nimrim man ay masisira.magbasa pa.
Bukod dito ay aking papaglilikatin sa Moab, sabi ng Panginoon, ang naghahandog sa mataas na dako, at nagsusunog ng kamangyan sa kaniyang mga dios. Kaya't ang aking puso ay tumutunog na gaya ng plauta dahil sa Moab, at ang aking puso ay tumutunog na gaya ng plauta dahil sa mga lalake sa Kir-heres: kaya't ang kasaganaan na kaniyang tinangkilik ay napawi.

Hosea 11:8-9

Paanong pababayaan kita, Ephraim? paanong itatakuwil kita, Israel? paanong gagawin kitang parang Adma? paanong ilalagay kitang parang Zeboim? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking mga habag ay nangagalab. Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.

Jeremias 31:20

Ang Ephraim baga'y aking minamahal na anak? siya baga'y iniibig na anak? sapagka't kung gaano kadalas nagsasalita ako laban sa kaniya, ay gayon ko inaalaala siya ng di kawasa: kaya't nananabik ang aking puso sa kaniya; ako'y tunay na maaawa sa kaniya, sabi ng Panginoon.

Isaias 42:14

Ako'y tumahimik ng malaon; ako'y hindi kumibo, at nagpigil ako: ngayo'y hihiyaw akong parang nagdaramdam na babae; ako'y manggigiba at mananakmal na paminsan.

Hosea 11:1-4

Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at tinawag kong aking anak mula sa Egipto. Lalo silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila'y nangaghahain sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan. Gayon ma'y aking tinuruan ang Ephraim na lumakad; aking kinalong sila sa aking mga bisig; nguni't hindi nila kinilala na aking pinagaling sila.magbasa pa.
Akin silang pinatnubayan ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig; at ako'y naging sa kanila'y parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga; at ako'y naglagay ng pagkain sa harap nila.

Isaias 7:13-14

At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon, Oh sangbahayan ni David; maliit na bagay ba sa inyo ang mamagod sa mga tao na inyong papagurin rin ang aking Dios? Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.

Juan 3:16
Mga Konsepto ng TaludtodKagalingan sa KanserPagibig ng Diyos kay CristoWalang HangganPagbibigayDiyos na Ibinibigay ang Kanyang AnakPagibig ng Diyos para sa AtinWalang HangganAng SanlibutanDiyos, Pagibig ngAma, Pagibig ngMinamahalPagmamahal sa LahatHindi SumusukoMalamigKatubusanPagtanggap kay CristoPagiging KristyanoKinatawanPagiging Ganap na KristyanoKamanghamanghang DiyosSanggol na si JesusPagiging LiwanagNagbibigay KaaliwanPagiging Ipinanganak na MuliPagiging ManlalakbayGawa ng KabutihanMalapadPakikipaglaban sa KamatayanDiyos, Pagibig ngPagiging Kabilang sa Pamilya ng DiyosBugtong na Anak ng DiyosPagasa para sa Di-MananampalatayaWalang Hanggang KatiyakanMinsang Ligtas, Laging LigtasJesus, Ginampanan Niya sa KaligtasanPagiging PagpapalaTirintasCristo, Relasyon Niya sa DiyosPuso ng DiyosPananampalataya, Kalikasan ngCristo bilang Pansin ng Tunay na PananampalatayaPagkakaalam na Ako ay LigtasPakikipagisa kay Cristo, Katangian ngPagibigPagibig bilang Bunga ng EspirituInialay na mga BataBuhay sa Pamamagitan ng PananampalatayaSawing-PusoKakayahan ng Diyos na MagligtasBiyaya at si Jesu-CristoPananampalataya bilang Batayan ng KaligtasanUnang PagibigPagaalay ng mga Panganay na AnakNatatangiKaloob, MgaPagpapala, Espirituwal naWalang Hanggang Buhay, Kalikasan ngHindi NamamatayKaligtasan bilang KaloobPagibig, Katangian ngMga GawainMapagbigay, Diyos naPagbagsak ng Tao, Kinahinatnan ngAraw, Paglubog ngKaloob mula sa Diyos, Espirituwal naAdan, Mga Lahi niUgali ng Diyos sa mga TaoWalang Hanggang Buhay, Biyaya ngNaligtas sa Pamamagitan ng PananampalatayaNagliligtas na PananampalatayaMisyon ni Jesu-CristoPaskoPagiging PinagpalaEspirituwal na KamatayanPagkawala ng Mahal sa BuhayWalang Hanggang Buhay

Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Mga Taga-Roma 3:25-26

Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios; Sa pagpapakilala'y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya'y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo.

Lucas 10:16

Ang nakikinig sa inyo, ay sa akin nakikinig; at ang nagtatakuwil sa inyo ay ako ang itinatakuwil; at ang nagtatakuwil sa akin ay itinatakuwil ang sa aki'y nagsugo.

1 Pedro 2:4

Na kayo'y magsilapit sa kaniya, na isang batong buhay, na sa katotohana'y itinakuwil ng mga tao, datapuwa't sa Dios ay hirang, mahalaga,

Mga Taga-Roma 8:19-21

Sapagka't ang maningas na pagmimithi ng buong nilalang ay naghihintay ng pagkahayag ng mga anak ng Dios. Sapagka't ang buong nilalang ay nasakop ng kawalang kabuluhan, hindi sa kaniyang kalooban, kundi dahil doon sa sumakop sa kaniya, sa pagasa Na ang buong nilalang naman ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios.

Mateo 20:22-23

Nguni't sumagot si Jesus at sinabi, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangyayari bagang inuman ninyo ang sarong malapit nang aking iinuman? Sa kaniya'y sinabi nila, Mangyayari. Sinabi niya sa kanila, Katotohanang iinuman ninyo ang aking saro: datapuwa't ang maupo sa aking kanan, at sa aking kaliwa, ay hindi sa akin ang pagbibigay; datapuwa't yaon ay para sa kanila na mga pinaghandaan ng aking Ama.

Marcos 10:38-39

Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangakaiinom baga kayo sa sarong aking iinuman? o mangababautismuhan sa bautismo na ibinautismo sa akin? At sinabi nila sa kaniya, Kaya namin. At sinabi sa kanila ni Jesus, Ang sarong aking iinuman ay iinuman ninyo; at sa bautismo na ibinautismo sa akin ay babautismuhan kayo;

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a