Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 47

Isaias Rango:

530
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaAstrolohiyaPanghuhula, Pagsasagawa ngBituin, MgaOkultismoTadhana

Ikaw ay yamot sa karamihan ng iyong mga payo: magsitayo ngayon ang nanganghuhula sa pamamagitan ng langit, at ng mga bituin, ang mga mangingilala ng tungkol sa buwan, at siyang magligtas sa iyo sa mga bagay na mangyayari sa iyo.

540
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaMalambingBirhenBabilonya, Pagkawasak ngNauupo sa KalumbayanKalambutanPagkawala ng Dangal

Ikaw ay bumaba, at umupo sa alabok, Oh anak na dalaga ng Babilonia; lumagmak ka sa lupa na walang luklukan, Oh anak na babae ng mga Caldeo: sapagka't hindi ka na tatawaging maselang at mahinhin.

665
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaAstrolohiyaSalamangkeroPangkukulamSalamangka

Tumayo ka ngayon sa iyong mga enkanto, at sa karamihan ng iyong panggagaway, na iyong ginawa mula sa iyong kabataan: marahil makikinabang ka, marahil mananaig ka.

673
Mga Konsepto ng TaludtodLugod, Naghahanap ngBiglaanPangungulilaKamatayan ng isang BataPagkawala ng Malapit SaiyoSalamangkaMangkukulamOkulto na Walang Kapangyarihan sa Harapan ng Diyos

Nguni't ang dalawang bagay na ito ay darating sa iyo sa isang sangdali, sa isang araw, ang pagkawala ng mga anak at pagkabao; sa kanilang karamihan ay darating sa iyo, sa karamihan ng iyong panggagaway, at sa totoong kasaganaan ng iyong mga enkanto.

740
Mga Konsepto ng TaludtodPangangalagaKapalaluan, Halimbawa ngMakamundong Kasiyahan, Katangian ng MasamaLugod, Naghahanap ngNatatanging BayanWalang Kalugihan

Ngayon nga'y dinggin mo ito, ikaw na hinati sa mga kalayawan, na tumatahang matiwasay, na nagsasabi sa kaniyang puso, Ako nga, at walang iba liban sa akin; hindi ako uupong gaya ng babaing bao, o mararanasan man ang pagkawala ng mga anak:

757
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging Tiwala ang LoobKapalaluan, Bunga ngHambog na PagiralKarunungan ng Tao, Pinagmumulan ngSarili, Pagtataas saHindi NakikitaLuging Balik sa KaalamanBulaang KarununganPanlilinlang sa SariliMakamundong PatibongNatatanging BayanMatinding Kahibangan

Sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong kasamaan; iyong sinabi, Walang nakakakita sa akin; ang iyong karunungan at ang iyong kaalaman, nagpaligaw sa iyo: at iyong sinabi sa iyong puso, Ako nga, at walang iba liban sa akin.

941
Mga Konsepto ng TaludtodGinigilingHita, MgaDumaan sa GitnaTabing, MgaMga Taong HinuhubaranGinigiling na Pagkain

Ikaw ay kumuha ng gilingang mga bato, at gumiling ka ng harina; magalis ka ng iyong lambong, maghubad ka ng balabal, maglitaw ka ng binti, tumawid ka sa mga ilog.

957
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang TiwalaKinalimutan ang mga BagayKahihinatnanKerida

At iyong sinabi, Ako'y magiging mahal na babae magpakailan man: na anopa't hindi mo ginunita ang mga bagay na ito sa iyong kalooban, o inalaala mo man ang huling wakas nito.

1000
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonyaPagkalimotReynaKatahimikanMapagpigil na PananalitaKerida

Maupo kang tahimik, at masok ka sa kadiliman, Oh anak na babae ng mga Caldeo: sapagka't hindi ka na tatawagin. Ang mahal na babae ng mga kaharian.

1054
Mga Konsepto ng TaludtodUling, Gamit ngPagsunog sa mga TaoInililigtas ang Sarili

Narito, sila'y magiging gaya ng pinagputulan ng trigo; susunugin sila ng apoy; sila'y hindi makaliligtas sa bangis ng liyab: hindi babaga na mapagpapainitan, o magiging apoy na mauupuan sa harap.

1055
Mga Konsepto ng TaludtodHabag ng TaoMatandang Edad, Ugali sa mayPamatokKawalang Galang sa mga MatatandaManiniilKahatulan sa mga Matatandang TaoMga Taong Walang AwaWalang Tigil

Ako'y napoot sa aking bayan, aking dinumhan ang aking mana, at ibinigay ko sa iyong kamay: hindi mo pinagpakitaan sila ng kaawaan; sa may katandaan ay pinabigat mong mainam ang iyong atang.

1094
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang ManunubosKatubusan sa Lumang Tipan

Ang aming Manunubos, ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang pangalan niya, ang Banal ng Israel.

1105
Mga Konsepto ng TaludtodPanakipKahubaranKahubaran, Hindi TinakpangDiyos na NaghihigantiHindi NagkakaitPaghihiganti

Ang iyong kahubaran ay malilitaw, oo, ang iyong kahihiyan ay makikita, ako'y manghihiganti, at hindi tatangi ng tao.

1128
Mga Konsepto ng TaludtodAng Kawalang Katiyakan ng MasamaBiglaang PagkawasakBiglaanWalang Alam sa Hinaharap

Kaya't ang kasamaan ay darating sa iyo; hindi mo malalaman ang bukang liwayway niyaon: at kasakunaan ay sasapit sa iyo; hindi mo maaalis: at kagibaan ay darating sa iyong bigla, na hindi mo nalalaman.

1257
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Sinuman na MakapagliligtasTuntunin

Ganito mangyayari ang mga bagay sa iyo, na iyong ginawa: silang nangalakal sa iyo mula sa iyong kabinataan ay lalaboy bawa't isa ng kaniyang sariling lakad; walang magliligtas sa iyo.