Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 48

Isaias Rango:

29
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang ManunubosMasaganang BuhayDisiplina ng DiyosPagpapasya, MgaPamamaraan ng DiyosBuhay PananampalatayaKatubusan sa Lumang TipanDiyos bilang GuroPagsunod sa DiyosTunay na PakinabangNegosyoTagumpay sa Tinatahak sa BuhayMilyonaryo, Kaisipan ngPamumuhunan

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng inyong Manunubos, ng Banal ng Israel, Ako ang Panginoon mong Dios, na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong marapat na lakaran.

385
Mga Konsepto ng TaludtodLihimDiyos, Pagkatrinidad ngAng Espiritu ng DiyosDiyos na Nagsusugo ng mga PropetaPinapangunahan ng EspirituPuso, Sugatang

Kayo'y magsilapit sa akin, inyong dinggin ito; mula sa pasimula ay hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako: at ngayo'y sinugo ako ng Panginoong Dios, at nang kaniyang Espiritu.

528
Mga Konsepto ng TaludtodAlpha at OmegaPasimulaSimula at KatapusanAko ang PanginoonAko ang DiyosMakinig sa Diyos!Pamana

Inyong dinggin ako, Oh Jacob, at Israel na tinawag ko: Ako nga; ako ang una, ako rin ang huli.

593
Mga Konsepto ng TaludtodResilence

Dahil din sa akin, dahil din sa akin, aking gagawin yaon; sapagka't, bakit lalapastanganin ang aking pangalan? at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibinigay sa iba.

616
Mga Konsepto ng TaludtodPagkamasigasigPagsira sa KasunduanKunwaring PagpapahayagPanunumpa ng Panata, MalingDiyos na Nagpangalan sa Kanyang BayanPanunumpaPakikinig sa DiyosIsrael

Iyong dinggin ito, Oh sangbahayan ni Jacob, na tinatawag sa pangalan ng Israel, at nagsilabas sa bukal ng Juda; na nagsisumpa sa pangalan ng Panginoon, at nagsibanggit ng Dios ng Israel, nguni't hindi sa katotohanan, o sa katuwiran man.

715
Mga Konsepto ng TaludtodPundasyonDaliri ng DiyosDaigdig, Pagkakalikha ngKaguluhanKamay ng DiyosKanang Kamay ng DiyosKapangyarihan ng DiyosKapangyarihan ng Diyos, IpinahayagDaigdig, Pundasyon ngDiyos na Lumilikha gamit ang Kanyang Darili

Oo, ang aking kamay ay siyang naglagay ng patibayan ng lupa, at ang aking kanan ay siyang nagladlad ng langit: pagka ako'y tumatawag sa kanila, sila'y nagsisitayong magkakasama.

725
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Katiyagaan ngPagpipigilKaparusahan, Naudlot naPagpapahinuhodBanal na PagkaantalaPagpipigil sa Pagpatay

Dahil sa aking pangalan ay aking iuurong ang aking galit, at dahil sa kapurihan ko ay aking ititigil, upang huwag kitang ihiwalay.

777
Mga Konsepto ng TaludtodMga GawainBiglaanDiyos na Nagsasalita sa NakaraanAno ang Ginagawa ng DiyosBagong SimulaAng Nakaraan

Aking ipinahayag ang mga dating bagay mula nang una; oo, yao'y lumabas sa aking bibig, at aking ipinakilala: biglang ginawa ko, at nangyari.

794
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabalik Mula sa BabilonyaTagapagpahayagKatubusan sa Lumang TipanMagmumula sa Masama

Kayo'y magsilabas sa Babilonia, inyong takasan ang mga Caldeo; kayo'y mangagpahayag na may tinig ng awitan, inyong saysayin ito, itanyag ninyo hanggang sa wakas ng lupa: inyong sabihin, Tinubos ng Panginoon ang Jacob na kaniyang lingkod.

935
Mga Konsepto ng TaludtodKahangalan sa Totoo

Iyong narinig; tingnan mong lahat ito; at kayo, hindi ba ninyo ipahahayag? Ako'y nagpakita sa iyo ng mga bagong bagay mula sa panahong ito, sa makatuwid baga'y mga kubling bagay na hindi mo naalaman.

955
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihimagsik ng IsraelPagdarayaMula Kapanganakan

Oo, hindi mo narinig; oo, hindi mo naalaman; oo, mula nang una ay hindi nabuksan ang iyong pakinig: sapagka't talastas ko na ikaw ay gumawa na totoong may kataksilan, at tinawag na mananalangsang mula sa bahay-bata.

1096
Mga Konsepto ng TaludtodKaalyadoPatnubay, Mga Pangako ng Diyos naKatalagahanBabilonya, Pagkawasak ngHula sa Hinaharap

Kayo'y magpipisan, kayong lahat, at inyong dinggin; sino sa kanila ang nagpahayag ng mga bagay na ito? Siyang iniibig ng Panginoon ay kaniyang tutuparin ang kaniyang kaligayahan sa Babilonia, at bubuhatin niya ang kaniyang kamay sa mga Caldeo.

1103
Mga Konsepto ng TaludtodEskulturaKahoyDiyos na Nagsasalita sa NakaraanDiyos na Laban sa IdolatriyaLahat ng Bagay ay Nangyayari na may DahilanWangis

Kaya't aking ipinahayag sa iyo mula nang una; bago nangyari ay ipinakilala ko sa iyo: baka iyong sabihin, Mga ginawa ng aking diosdiosan, at ang aking larawang inanyuan, at ang aking larawang binubo, nagutos sa kanila.

1117
Mga Konsepto ng TaludtodDisyertoUhawHinating BatoDiyos na Nagbibigay ng TubigProbisyon mula sa mga BatoMasagana sa Ilang

At sila'y hindi nangauhaw nang pinapatnubayan niya sila sa mga ilang; kaniyang pinaagos ang tubig mula sa bato para sa kanila; kaniyang ginuwangan din naman ang bato, at ang tubig ay bumukal.

1164
Mga Konsepto ng TaludtodPangalan para sa Jerusalem, MgaDiyos na TumutulongMamamayan

(Sapagka't sila'y tinatawag ayon sa bayang banal, at nagsitiwala sa Dios ng Israel; ang Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang pangalan):

1261
Mga Konsepto ng TaludtodNgayon

Mga nalikha ngayon, at hindi mula nang una; at bago dumating ang araw na ito ay hindi mo nangarinig; baka iyong sabihin, Narito, aking nangaalaman.

1267
Mga Konsepto ng TaludtodMisyonero, Gawain ng mga

Ako, ako nga'y nagsalita; oo, aking tinawag siya; aking dinala siya; at kaniyang pagiginhawahin ang kaniyang lakad.

1277
Mga Konsepto ng TaludtodPangalang BinuraBuhangin at Graba

Ang iyo namang lahi ay naging parang buhangin at ang suwi ng iyong tiyan ay parang mga butil niyaon: ang kaniyang pangalan ay hindi mahihiwalay o magigiba man sa harap ko.