Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 56

Isaias Rango:

42
Mga Konsepto ng TaludtodKagubatanHayop, Kumakain ng Tao ng mgaHayop, Kumakain na mga

Kayong lahat na mga hayop sa parang, kayo'y magsiparitong lumamon, oo, kayong lahat na mga hayop sa gubat.

89
Mga Konsepto ng TaludtodBahay ng DiyosPagaari na KabahayanPagsamba, Bunga ngIpinatapon, MgaDiyos, Tahanan ngMilenyal na PaghahandogPagtanggap

Sila ay dadalhin ko sa aking banal na bundok, at papagkakatuwain ko sila sa aking bahay na dalanginan: ang kanilang mga handog na susunugin at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa aking dambana; sapagka't ang aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa lahat ng mga bayan.

403
Mga Konsepto ng TaludtodEtika, PanlipunangPagiging PatasMaayos na Turo sa Lumang TipanKatuwiran ng mga MananapalatayaPaglalagay ng KatuwiranGanap na KaligtasanWalang Kinikilingan

Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y mangagingat ng kahatulan, at magsigawa ng katuwiran; sapagka't ang aking pagliligtas ay malapit nang darating, at ang aking katuwiran ay mahahayag.

443

At huwag ding magsalita ang taga ibang lupa, na nalakip sa Panginoon, na magsasabi, Tunay na ihihiwalay ako ng Panginoon sa kaniyang bayan; at huwag ding magsabi ang bating, Narito, ako'y punong kahoy na tuyo.

458
Mga Konsepto ng TaludtodBanyaga, MgaPakikipagisa sa DiyosMga Banyaga na Kasama sa Taong BayanDayuhan sa IsraelDayuhan, MgaDayuhan

Gayon din ang mga taga ibang lupa, na nakikilakip sa Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang maging kaniyang mga lingkod, bawa't nangingilin ng sabbath upang huwag lapastangin, at nagiingat ng aking tipan;

536
Mga Konsepto ng TaludtodPagkapipiNananaginip ng GisingTrabahoPagtulog, Espirituwal naPagtulog, Pisikal naTagapagbantayTamad, Halimbawa ngPagtulog, Babala Laban saTahol at AlulongPipiYaong mga MangmangAlagang Hayop, MgaPagkagising

Ang kaniyang mga bantay ay mga bulag, silang lahat ay walang kaalaman; silang lahat ay mga piping aso, sila'y hindi makatahol; mapanaginipin, mapaghiga, maibigin sa pagidlip.

611
Mga Konsepto ng TaludtodPapuriEtika, Personal naKautusan, Sampung Utos saSabbath sa Lumang TipanSabbath, Pangingilin sa

Mapalad ang taong gumagawa nito, at ang anak ng tao na nanghahawak dito; na nangingilin ng sabbath upang huwag lapastanganin, at nagiingat ng kaniyang kamay sa paggawa ng anomang kasamaan.

668

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga bating na nangingilin ng aking mga sabbath, at pumipili ng mga bagay na nakalulugod sa akin, at nagiingat ng aking tipan:

730
Mga Konsepto ng TaludtodAlaala para sa mga TaoBagong Pangalan

Sila'y bibigyan ko sa aking bahay at sa loob ng aking mga kuta, ng alaala at pangalan na maigi kay sa mga anak na lalake at babae; aking bibigyan sila ng walang hanggang pangalan, na hindi mapaparam.

749
Mga Konsepto ng TaludtodPamamaraan ng DiyosKapakinabanganKarunungan, Halaga sa TaoKulang na PagpapastolKasakiman, Halimbawa ngMakasarili, Ipinakita saMakasarili, Halimbawa ngPagiging Walang UnawaKasakiman

Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila'y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa't isa'y sa kaniyang pakinabang.

831
Mga Konsepto ng TaludtodIpinatapon, MgaPagtitipon sa mga Israelita

Ang Panginoong Dios na pumipisan ng mga itinapon sa Israel ay nagsasabi, Magpipisan pa ako ng mga iba sa kaniya, bukod sa kaniyang sarili na nangapisan.

1034
Mga Konsepto ng TaludtodKasaganahan, Materyal naBulaang TiwalaLumabisAlakSarili, Kahibangan saMalakas na InuminHuwad na mga KaibiganKinabukasanBeerAlkoholismoLasenggero

Kayo'y magsiparito, sabi nila, ako'y magdadala ng alak, at magpatid-uhaw tayo sa matapang na inumin; at bukas ay magiging gaya ng araw na ito, dakilang araw, na walang kapantay.