Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 64

Isaias Rango:

386
Mga Konsepto ng TaludtodKabundukanKabundukan, Yumayanig naDiyos na BumababaPista ng Tatlong Hari

Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan.

393
Mga Konsepto ng TaludtodKaranasan sa DiyosTaingaPananawKasulatan, Pagkaunawa saTabing, MgaKasaganahan, Espirituwal naPakikinig sa Tinig ng DiyosHindi Nakikita ang DiyosWalang Iba na DiyosGumagawa ang Diyos sa Atin

Sapagka't hindi narinig ng mga tao mula nang una, o naulinigan man ng pakinig, o ang mata ay nakakita man ng Dios liban sa iyo, na iginagawa niya ng kabutihan ang naghihintay sa kaniya.

688
Mga Konsepto ng TaludtodMatapos ang Mahabang PanahonYaong Hindi Ligtas

Iyong sinasalubong siya na nagagalak at gumagawa ng katuwiran, yaong nagsialaala sa iyo sa iyong mga daan: narito, ikaw ay napoot, at kami ay nagkasala: napasa kanila kaming malaong panahon; at maliligtas baga kami?

1079
Mga Konsepto ng TaludtodKabundukan, Yumayanig naDiyos na BumababaKakulangan sa Pagasa

Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan.

1165
Mga Konsepto ng TaludtodNanginginig

Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan!

1215
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na LumilimotHuwag Hayaan na Magalit ang DiyosGalit at PagpapatawadSukat

Huwag kang lubhang mapoot, Oh Panginoon, o umalaala man ng kasamaan ng magpakailan man: narito, tingnan mo, isinasamo namin sa iyo, kaming lahat ay iyong bayan.

1244
Mga Konsepto ng TaludtodKayamananArkeolohiyaPagsunog sa JerusalemIbang Tao na Nagpupuri sa DiyosPagpupuri sa Diyos sa Publikong Panambahan

Ang aming banal at magandang bahay, na pinagpupurihan sa iyo ng aming mga magulang ay nasunog sa apoy; at lahat naming maligayang bagay ay nasira.

1256

Ang iyong mga bayang banal ay naging ilang, ang Sion ay naging giba, ang Jerusalem ay sira.

1284
Mga Konsepto ng TaludtodKatahimikanDiyos na Tahimik

Magpipigil ka baga sa mga bagay na ito, Oh Panginoon? ikaw baga'y tatahimik, at pagdadalamhatiin mo kaming mainam?