Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Isaias 65

Isaias Rango:

401
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanapPagkahirang tungo sa KaligtasanPanawagan sa DiyosPagkakaalam sa Diyos, Katangian ngTanong, MgaPahayag sa Lumang TipanHindi Humahanap sa DiyosMasdan nyo Ako!Hindi NananalanginSarili, Pagpapahalaga saPagiging Ikaw sa iyong SariliPagbabago ng SariliPaghahanapAko

Ako'y napagsasangunian ng mga hindi nagsipagtanong tungkol sa akin; ako'y nasusumpungan nila na hindi nagsihanap sa akin: aking sinabi, Narito ako, narito ako, sa bansa na hindi tinawag sa aking pangalan.

482
Mga Konsepto ng TaludtodKorderoLeon, MgaMessias, Panahon ngMilenyoPagpapanibago ng Likas na KalagayanKapahingahan, Walang HaggangAhas, MgaTiyanDayamiPagtanggi sa KarnePagliligtas mula sa mga LeonKapangyarihan sa mga AhasLobo, MgaInaalam kung Ano ang Kinakain ng mga HayopHayop, Papunta sa Langit na mgaNatutulog ng Payapa

Ang lobo at ang kordero ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at alabok ang magiging pagkain ng ahas. Sila'y hindi mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon.

483
Mga Konsepto ng TaludtodSinumpa, AngMilenyal na KaharianBagong Langit at Bagong LupaMatandang Edad, Pagkamit ngBuhay, Haba ngNamumuhay ng MatagalPagkamatayKamatayan ng isang BataSanggolKabataan

Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain.

574
Mga Konsepto ng TaludtodEspirituwal na Taggutom, Ginhawa mula saPagtatanim ng UbasanHardin, MgaBuhay na BuhayPagsasaka

At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangaguubasan, at magsisikain ng bunga niyaon.

585
Mga Konsepto ng TaludtodAlkoholPagtanggi sa DiyosHapag, MgaTiwala, Kakulangan ngPagkain para sa Ibang DiyosTadhana

Nguni't kayo, na nangagpapabaya sa Panginoon, na nagsisilimot ng aking banal na bundok, na nangaghahanda ng dulang para sa Kapalaran, at pinupuno ang saro ng alak na haluan para sa Kaukulan;

667
Mga Konsepto ng TaludtodIwan ang NakaraanNakaraan, AngDiyos na MakatotohananPagtatago sa DiyosNatatago mula sa DiyosPanunumpa Gamit angPamilya, Problema saPagpapala sa IbaPanunumpa

Na anopa't siyang nagpapala sa lupa ay magpapala sa Dios ng katotohanan; at siyang sumusumpa sa lupa ay susumpa sa pangalan ng Dios ng katotohanan; sapagka't ang mga dating kabagabagan ay nalimutan, at sapagka't nangakubli sa aking mga mata.

683
Mga Konsepto ng TaludtodUbasHindi NasisiraSa Kapakanan ng Bayan ng Diyos

Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung paanong nasusumpungan ang bagong alak sa kumpol, at may nagsasabi, Huwag mong sirain, sapagka't iyan ay mapapakinabangan: gayon ang gagawin ko sa ikagagaling ng aking mga lingkod, upang huwag kong malipol silang lahat.

704
Mga Konsepto ng TaludtodKapaimbabawan, Paglalarawan saIlongMasamang PalagayKapalaluan, Halimbawa ngUsokMapagpaimbabaw, Larawan sa mgaApoy ng KasamaanBuong ArawBanal pa Kaysa IyoPagbabago ng SariliUmuusokUsok, Talighagang Gamit

Na nagsasabi, Humiwalay ka, huwag kang lumapit sa akin, sapagka't ako'y lalong banal kay sa iyo. Ang mga ito ay usok sa aking ilong, apoy na nagliliyab buong araw.

770
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kagalakan ngKapahingahan, Walang HaggangBanal na KaluguranHindi UmiiralHindi Tumatangis

At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing.

858
Mga Konsepto ng TaludtodKasiyahan sa mga Materyal na BagayPuno, MgaPagtatanim ng UbasanHabambuhayBuhay, Haba ngIbang TaoMabigat na TrabahoBuhay na BuhayPagiging Masaya sa Buhay

Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.

871
Mga Konsepto ng TaludtodUhawPagiging Hindi KontentoTaggutom na Mula sa DiyosIkaw ay Magagalak sa KaligtasanGutom

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ang aking mga lingkod ay magsisikain, nguni't kayo'y mangagugutom; narito, ang aking mga lingkod ay magsisiinom, nguni't kayo'y mangauuhaw; narito, mangagagalak ang aking mga lingkod, nguni't kayo'y mangapapahiya;

873
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na PumapatayDiyos na Nagpangalan sa Kanyang BayanPangalang BinuraDiyos, Pumapatay angBagong PangalanSumpa

At inyong iiwan ang inyong pangalan na pinakasumpa sa aking mga pinili, at papatayin ka ng Panginoong Dios; at kaniyang tatawagin ang kaniyang mga lingkod ng ibang pangalan:

909
Mga Konsepto ng TaludtodMasama, Babala laban saPagpipilianPakikinigPagtanggi sa DiyosPanawagan ng Diyos, Ilang TugonItinakuwil, MgaSumasagot na DiyosHindi Nagbibigay Lugod sa DiyosIba pa na Hindi SumasagotTadhana

Aking iuukol kayo sa tabak, at kayong lahat ay magsisiyuko sa patayan; sapagka't nang ako'y tumawag, kayo'y hindi nagsisagot; nang ako'y magsalita, kayo'y hindi nangakinig; kundi inyong ginawa ang masama sa harap ng aking mga mata, at inyong pinili ang di ko kinaluluguran.

945
Mga Konsepto ng TaludtodKagalakan at Kasiyahan

Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan.

990
Mga Konsepto ng TaludtodSabawLihimBaboy, MgaPagtanggi sa KarneMagdamagGumagawa ng LihimMaruming Espiritu, MgaIpinagbabawal na PagkainMaruming Hayop, MgaYungib na ginamit bilang LibinganBanal pa Kaysa IyoKumakain ng KarneKarne ng BaboyPalayok

Na nauupo sa gitna ng mga libingan, at tumitigil sa mga lihim na dako; na kumakain ng laman ng baboy, at ang sabaw ng mga kasuklamsuklam na mga bagay ay nasa kanilang mga sisidlan;

992
Mga Konsepto ng TaludtodKawan, MgaPastulan ang Kawan

At ang Saron ay magiging kulungan ng mga kawan, at ang libis ng Achor ay dakong higaan ng mga bakahan, dahil sa aking bayan na humanap sa akin.

1002

At ako'y maglalabas ng lahi na mula sa Jacob, at mula sa Juda ng isang tagapagmana ng aking mga bundok; at mamanahin ng aking pinili, at tatahanan ng aking mga lingkod.

1013
Mga Konsepto ng TaludtodTisaHardin, KaraniwangAlay sa Lumang TipanPagsunog sa mga SakripisyoPagsamba sa Diyus-diyusanNagdadalamhating Diyos

Bayan na minumungkahi akong palagi ng mukhaan, na naghahain sa mga halamanan, at nagsusunog ng kamangyan sa ibabaw ng mga laryo;

1109
Mga Konsepto ng TaludtodPagdurusa, Sa PusoPangako ng KaligayahanIba pa na TumatangisPusong Nagdurusa

Narito, ang aking mga lingkod ay magsisiawit dahil sa kagalakan ng puso, nguni't kayo'y magsisidaing dahil sa kapanglawan ng puso, at aangal dahil sa pagkabagbag ng loob.

1139
Mga Konsepto ng TaludtodHinaharapMasamang mga MagulangWalang Kabuluhang mga PagtratrabahoDiyos na NagpapalaPagpapalaki ng mga BataPamilya, Problema sa

Sila'y hindi gagawa ng walang kabuluhan, o manganganak man para sa kasakunaan, sapagka't sila ang lahi ng mga pinagpala ng Panginoon, at ang kanilang mga anak na kasama nila.

1152
Mga Konsepto ng TaludtodPagsalungatKabayaranKasalanan ng mga MagulangPagsunog sa mga SakripisyoPagaalay sa Matataas na DakoNakagagawa ng Pagkakamali

Ang inyong sariling mga kasamaan, at ang mga kasamaan ng inyong mga magulang na magkakasama, sabi ng Panginoon, na mangagsunog ng kamangyan sa mga bundok, at nagsitungayaw sa akin sa mga burol: ay susukatan ko nga ng kanilang unang gawa sa kaniyang sinapupunan.

1153
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Talagang PayapaDiyos, Hihingin ngHindi Tahimik

Narito, nasulat sa harap ko: hindi ako tatahimik, kundi ako'y gaganti, oo, ako'y gaganti sa kanilang sinapupunan,