Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 15

Jeremias Rango:

76
Mga Konsepto ng TaludtodKamay ng DiyosMasamang mga KasamahanInihiwalay na mga Tao, MgaMagaliting mga TaoMapanlibak, MgaKalungkutan

Hindi ako nauupo sa kapisanan nila na nasasayahan, o nagagalak man; ako'y nauupong magisa dahil sa iyong kamay; sapagka't pinuno mo ako ng pagkagalit.

139
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapanumbalikPagbangon, Personal naPagbabalik sa DiyosBumalikMabubuting SalitaPagpapanumbalik sa mga MakasalananPagsasalita na Galing sa Diyos

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Kung ikaw ay magbalikloob, papananauliin nga kita upang ikaw ay makatayo sa harap ko; at kung iyong ihiwalay ang may halaga sa walang halaga, ikaw ay magiging parang aking bibig: sila'y manunumbalik sa iyo, nguni't hindi ka manunumbalik sa kanila.

167
Mga Konsepto ng TaludtodTansoTalinghagang PaderBagay na Tulad ng Tanso, MgaDiyos sa piling ng mga TaoDiyos na Nagliligtas sa NangangailanganDiyos na Nagiingat mula sa Masama

At gagawin kita sa bayang ito na tansong kuta na sanggalangan; at sila'y magsisilaban sa iyo, nguni't hindi sila magsisipanaig laban sa iyo; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita at upang papaging layain kita, sabi ng Panginoon.

453
Mga Konsepto ng TaludtodPanawagan sa DiyosPagtanggi sa Diyos, Bunga ngItinakuwil, Mga

Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Bagaman si Moises at si Samuel ay tumayo sa harap ko, gayon ma'y ang pagiisip ko ay hindi sasa bayang ito: iyong itakuwil sila sa aking paningin, at iyong palabasin sila.

516
Mga Konsepto ng TaludtodGunitaDiyos, Katiyagaan ngPinsalaPaghihiganti, Halimbawa ngKaunawaanPag-uusig, Katangian ngBanal na PagalalaMga Taong BumibisitaSinasawayPaghihiganti

Oh Panginoon, talastas mo; iyong alalahanin ako, at dalawin mo ako, at ipanghiganti mo ako sa mga manguusig sa akin; huwag mo akong kunin sa iyong pagtitiis: talastasin mo na dahil sa iyo ay nagtiis ako ng kakutyaan.

518
Mga Konsepto ng TaludtodMapagalinlangan, MgaKalusuganPagkagustoPagiisaKalungkutanSarili, Pagkaawa saPagpapakamatayPaghihinalaHindi NaipanganakNanghihinayang na IpinanganakPangungutangPagpapautang at PangungutangMasama, Sumpa ngPakikipaglaban sa Isa't IsaPagaawayMahal na Araw

Sa aba ko, ina ko, na ipinanganak mo ako na lalaking sa pakikipagpunyagi at lalaking sa pakikipaglaban sa buong lupa! ako'y hindi nagpautang na may tubo, o pinautang man ako na may patubo ng mga tao; gayon ma'y sinusumpa ako ng bawa't isa sa kanila.

576
Mga Konsepto ng TaludtodNalalapit na KamatayanTaggutom, Darating naKamatayan, Nalalapit naSaan Tutungo?Taggutom na Darating

At mangyayari, pagka kanilang sinabi sa iyo, Saan kami magsisilabas? sasaysayin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang sa kamatayan, ay sa kamatayan; at ang sa tabak, ay sa tabak; at ang sa kagutom, ay sa kagutom; at ang sa pagkabihag, ay sa pagkabihag.

716
Mga Konsepto ng TaludtodGinawang Katatakutan

At aking ipagugulo sila na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa, dahil kay Manases, na anak ni Ezechias, na hari sa Juda, dahil sa kaniyang ginawa sa Jerusalem.

735
Mga Konsepto ng TaludtodKagamitanNagtatahipPangungulilaPapatayin ng Diyos ang Kanyang Bayan

At aking pinahanginan sila ng pamaypay sa mga pintuang-bayan ng lupain; aking niwalaan sila ng mga anak, aking nilipol ang aking bayan; sila'y hindi humiwalay sa kanilang mga lakad.

754
Mga Konsepto ng TaludtodPagiingat sa mga KaawayMakaraos sa Kahirapan

Sinabi ng Panginoon, Katotohanang palalakasin kita sa ikabubuti; katotohanang aking pamamanhikin ang kaaway sa iyo sa panahon ng kasamaan at sa panahon ng pagdadalamhati.

796
Mga Konsepto ng TaludtodAso, MgaMaiilap na mga Hayop na SumisilaIbon, Mga KumakaingApat na Ibang BagayAlagang Hayop, Mga

At ako'y magtatakda sa kanila ng apat na mga bagay, sabi ng Panginoon: ang tabak upang pumatay, at ang mga aso upang lumapa, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga hayop sa lupa, upang lumamon at lumipol.

810
Mga Konsepto ng TaludtodKahihiyanAng ArawPitong AnakBuhay na PinaikliDiyos, Bibiguin sila ng

Siyang nanganak ng pito ay nanglulupaypay; siya'y nalagutan ng hininga; ang kaniyang kaarawan ay lumubog nang may araw pa; napahiya at nalito: at ang nalabi sa kanila ay ibibigay ko sa tabak sa harap ng kanilang mga kaaway, sabi ng Panginoon.

867
Mga Konsepto ng TaludtodTansoBakalMula sa HilagaBakal

Mababasag baga ng sinoman ang bakal, ang bakal na mula sa hilagaan, at ang tanso?

920
Mga Konsepto ng TaludtodApoy ng KahatulanHindi Alam na mga Bagay

At akin silang pararaanin na kasama ng iyong mga kaaway sa lupain na hindi mo nakikilala; sapagka't ang apoy ay nagniningas sa aking galit, na magniningas sa inyo.

925
Mga Konsepto ng TaludtodTanghaliBuhanginBalo, MgaAng Kawalang Katiyakan ng MasamaBiglaang PagkawasakYaong mga MangwawasakMarami sa Israel

Ang kanilang mga babaing bao ay naragdagan sa akin ng higit kay sa buhangin sa mga dagat; aking dinala sa kanila laban sa ina ng mga binata ang manglilipol sa katanghaliang tapat: aking pinabagsak na bigla sa kaniya ang kahapisan at kakilabutan.

984
Mga Konsepto ng TaludtodJerusalem, Ang Kabuluhan ngMga Taong Walang AwaAma, Malasakit ngKakayahan

Sapagka't sinong mahahabag sa iyo, Oh Jerusalem? o sinong tataghoy sa iyo? o sinong titigil na magtatanong ng iyong kalagayan?

1049
Mga Konsepto ng TaludtodKayamananWalang BayadHangganan

Ang iyong pag-aari at ang iyong kayamanan ay ibibigay ko na pinakasamsam na walang halaga, at iya'y dahil sa lahat mong kasalanan, sa lahat mo ngang hangganan.