Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 14

Jeremias Rango:

52
Mga Konsepto ng TaludtodTaggutom, Katangian ngTaggutom, Nakamamatay naWala ng TaggutomBulaang mga Apostol, Propeta at Guro

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nanghuhula sa aking pangalan, at hindi ko sila sinugo, na gayon ma'y nagsasabi sila, Tabak at kagutom ay hindi sasapit sa lupaing ito: Sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom ay malilipol ang mga propetang yaon.

79
Mga Konsepto ng TaludtodBunga ng KasalananWalang Libing

At ang bayan na kanilang pinanghuhulaan ay ihahagis sa mga lansangan ng Jerusalem dahil sa kagutom at sa tabak; at walang maglilibing sa kanila-sa kanila, sa kanilang mga asawa, o sa kanilang mga anak na lalake man, o babae man: sapagka't aking ibubuhos sa kanila ang kanilang kasamaan.

108
Mga Konsepto ng TaludtodPanghuhula, Pagsasagawa ngPanlilinlang na Gawa ng mga Bulaang GuroPangitain, MgaPanghuhulaMasamang mga PropetaPropeta na Hindi Sinugo, MgaBulaang mga Apostol, Propeta at Guro

Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang mga propeta ay nanghuhula ng kasinungalingan sa aking pangalan; hindi ko sila sinugo, o inutusan ko man sila, o nagsalita man ako sa kanila: sila'y nanganghuhula sa iyo ng sinungaling na pangitain, at ng panghuhula, at ng bagay na wala, at ng daya ng kanilang sariling puso.

153
Mga Konsepto ng TaludtodKanayunanLungsod na SinasalakayHindi Alam na mga BagayMasamang mga PropetaTaggutom, Darating naTaggutom na Darating

Kung ako'y lumabas sa parang, narito, ang mga pinatay ng tabak! at kung ako'y pumasok sa bayan, narito, sila na mga may sakit ng pagkagutom! sapagka't ang propeta at gayon din ang saserdote ay lumilibot sa lupain at walang kaalaman.

178
Mga Konsepto ng TaludtodPananampalataya, Pinagmulan ngTagtuyot, Pisikal naPagasa sa DiyosUlanHimpapawidPaghihintay sa DiyosDiyos na Naghatid ng UlanDiyos na Kontrolado ang Ulan

Mayroon bagang sinoman sa gitna ng mga walang kabuluhan ng mga bansa na makapagpapaulan? o makapagpapaambon baga ang mga langit? Hindi baga ikaw ay siya, Oh Panginoon naming Dios? kaya't kami ay mangaghihintay sa iyo; sapagka't iyong ginawa ang lahat na bagay na ito.

181

Huwag mo kaming kayamutan, alangalang sa iyong pangalan; huwag mong hamakin ang luklukan ng iyong kaluwalhatian: iyong alalahanin, huwag mong sirain ang iyong tipan sa amin.

188
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaKahirapan sa Araw at GabiGabiAko ay Nagluluksa sa Malaking Sakuna

At iyong sasabihin ang salitang ito sa kanila, Daluyan ang aking mga mata ng mga luha gabi at araw, at huwag maglikat; sapagka't ang anak na dalaga ng aking bayan ay nasira ng malaking pagkasira, na may totoong mabigat na sugat.

408
Mga Konsepto ng TaludtodKagalinganPagasa sa DiyosPagasa, Katangian ngKapayapaan, Paghahanap ng Tao saZion, Bilang SagisagPagtampal sa PisngiTakot na DaratingDiyos na Nagagalit sa mga TaoWalang KagalinganWalang KapayapaanPagasa at Kagalingan

Iyo bagang lubos na itinakuwil ang Juda? kinapootan baga ng iyong kaluluwa ang Sion? bakit mo sinaktan kami, at walang kagalingan sa amin? Kami ay nangaghihintay ng kapayapaan, nguni't walang kabutihang dumating; at ng panahon ng kagalingan, at, narito, panglulupaypay!

410
Mga Konsepto ng TaludtodKasalanan, Naidudulot ngPagkilala sa KasalananSarili na KaalamanKami ay NagkasalaSalaKinilalaPagpapahayag

Aming kinikilala, Oh Panginoon, ang aming kasamaan, at ang kasamaan ng aming mga magulang; sapagka't kami ay nangagkasala laban sa iyo.

423
Mga Konsepto ng TaludtodSalita ng Diyos

Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias tungkol sa pagkakatuyo.

494
Mga Konsepto ng TaludtodSaksi laban sa SariliKami ay NagkasalaPagtalikodPagpapatotoo

Bagaman ang aming mga kasamaan ay sumasaksi laban sa amin, gumawa ka alangalang sa iyong pangalan, Oh Panginoon; sapagka't ang aming mga pagtalikod ay marami; kami ay nangagkasala laban sa iyo.

541
Mga Konsepto ng TaludtodKalungkutan

Ang Juda ay tumatangis, at ang mga pintuang-bayan niya ay nagsisihapay, mga bagsak na nangingitim sa lupa; at ang daing ng Jerusalem ay umilanglang.

555
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang TiwalaWala ng TaggutomWalang Kapayapaan

Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios! narito, sinasabi ng mga propeta sa kanila, Kayo'y hindi makakakita ng tabak, o magkakaroon man kayo ng kagutom; kundi bibigyan ko kayo ng talagang kapayapaan sa dakong ito.

577
Mga Konsepto ng TaludtodPagaayuno ng mga MapagpaimbabawKaramdaman, MgaSalot, MgaSalotWalang Kabuluhang Pag-aayuno

Pagka sila'y nangagaayuno, hindi ko didinggin ang kanilang daing; at pagka sila'y nangaghahandog ng handog na susunugin at ng alay, hindi ko tatanggapin; kundi aking lilipulin sila ng tabak, at ng kagutom, at ng salot.

615
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Titulo at Pangalan ngPagasa bilang TiwalaPagasa, Kahihinatnan ngManlalakbayPagkamamamayanIturing bilang Banyaga

Oh ikaw na pagasa ng Israel, na Tagapagligtas sa kaniya sa panahon ng kabagabagan, bakit ka magiging parang nakikipamayan sa lupain, at parang gala na lumiliko na nagpaparaan ng gabi?

637
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakasala, Ugali ng Diyos laban saKapahingahan, KawalangPagpipigilSarili, Kontrol saBakit ang Panalangin ay Hindi NasasagotHindi Dininig na PanalanginLagalag, MgaDiyos na Nakakaalala ng KasalananPagmamahal sa Masama

Ganito ang sabi ng Panginoon sa bayang ito, Yamang kanilang inibig ang paglaboy; hindi nila pinigil ang kanilang mga paa: kaya't hindi sila tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan.

678
Mga Konsepto ng TaludtodTabing, MgaHinihiya ang mga Tao

Dahil sa lupa na pumuputok, palibhasa't hindi nagkaroon ng ulan sa lupain, ang mga mangbubukid ay nangapahiya, kanilang tinatakpan ang kanilang mga ulo.

701
Mga Konsepto ng TaludtodPinabayaanDiyos na PanginoonKapangyarihan, Pagliligtas ng DiyosPakiramdam na Itinakuwil ng DiyosPagtatakaMga Taong Walang Kakayahan na MagligtasHuwag mo kaming Pabayaan!Hindi MailigtasTinawag sa Pangalan ng DiyosSurpresa

Bakit ka magiging parang taong natigilan, parang makapangyarihan na hindi makapagligtas? gayon man ikaw, Oh Panginoon, ay nasa gitna namin, at kami ay tinatawag sa iyong pangalan; huwag mo kaming iwan.

745
Mga Konsepto ng TaludtodTapayanMararangal na TaoTuyong mga LugarPaghahanap ng TubigHinihiya ang mga Tao

At sinugo ng mga mahal na tao ang kanilang mga bata sa tubig: sila'y nagsisiparoon sa mga balon, at hindi nangakasumpong ng tubig; sila'y nagsisibalik na may mga sisidlang walang laman; sila'y nangapapahiya at nangalilito, at nangagtatakip ng kanilang mga ulo.

748
Mga Konsepto ng TaludtodTaggutom, Katangian ngWalang HiningaMaiilap na mga Asno

At ang mga mailap na asno ay nagsisitayo sa mga luwal na kaitaasan, sila'y humihingal na parang mga chakal; sila ay nangangalumata, sapagka't walang pastulan.

822
Mga Konsepto ng TaludtodUsa, MgaDamoBatang HayopHayop, PinabayaangUsa at iba pa.Usa

Oo, ang usa sa parang naman ay nanganganak, at pinababayaan ang anak, sapagka't walang damo.