Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 28

Jeremias Rango:

468
Mga Konsepto ng TaludtodBuwan, IkalimangTaon ni Zedekias, MgaPinangalanang mga Propeta ng Panginoon

At nangyari, nang taon ding yaon sa pasimula ng paghahari ni Sedechias na hari sa Juda, sa ikaapat na taon, sa ikalimang buwan, na si Hananias na anak ni Azur na propeta, na taga Gabaon, ay nagsalita sa akin sa bahay ng Panginoon, sa harapan ng mga saserdote, at ng buong bayan, na nagsasabi,

574
Mga Konsepto ng TaludtodPropesiya at Inspirasyon sa Lumang TipanKarunungang Kumilala sa mga Bagay ng DiyosWalang Kapayapaan

Ang propeta, na nanghuhula ng tungkol sa kapayapaan, ay makikilala nga siyang propeta, na tunay na sinugo ng Panginoon siya, pagka ang salita ng propeta ay mangyayari.

721
Mga Konsepto ng TaludtodPanghihikayatBulaang mga PropetaSatanas, Mga Kampon niTiwala, Kakulangan ngNagtitiwala sa Mapanlinlang na mga BagayDiyos na Hindi NagsusugoPropeta na Hindi Sinugo, Mga

Nang magkagayo'y sinabi ng propeta Jeremias kay Hananias na propeta, Dinggin mo ngayon, Hananias; hindi ka sinugo ng Panginoon; kundi iyong pinaasa ang bayang ito sa kasinungalingan.

747

Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Aking inalis ang pamatok ng hari sa Babilonia.

770
Mga Konsepto ng TaludtodNakatayoPinangalanang mga Propeta ng Panginoon

Nang magkagayo'y nagsabi ang propeta Jeremias sa propeta Hananias sa harapan ng mga saserdote, at sa harapan ng buong bayan, na nakatayo sa bahay ng Panginoon,

854

At aking dadalhin uli sa dakong ito si Jechonias na anak ni Joacim, na hari sa Juda, sangpu ng lahat na bihag sa Juda, na nangaparoon sa Babilonia, sabi ng Panginoon: sapagka't aking aalisin ang pamatok ng hari sa Babilonia.

932
Mga Konsepto ng TaludtodPagharapPatulin ang Kadena

Nang magkagayo'y kinuha ng propeta Hananias ang pamatok sa batok ng propeta Jeremias, at binali.

999
Mga Konsepto ng TaludtodBakal, Talinghagang Gamit ng mgaKahoyBakal na mga BagayTansong TarangkahanPatulin ang Kadena

Ikaw ay yumaon, at saysayin mo kay Hananias na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon: Iyong binali ang mga pamatok na kahoy, nguni't ginawa mo na kahalili ng mga yaon ay mga pamatok na bakal.

1023
Mga Konsepto ng TaludtodBanal na mga SisidlanBanal na Sisidlan, MgaDalawang TaonTemplo, Inalis na mga Kagamitan sa

Sa loob ng dalawang buong taon ay dadalhin ko uli sa dakong ito, ang lahat na sisidlan ng bahay ng Panginoon, na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia mula sa dakong ito, at mga dinala sa Babilonia:

1073
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang Taon

At si Hananias ay nagsalita sa harapan ng buong bayan, na nagsasabi: Ganito ang sabi ng Panginoon, Gayon ko rin babaliin ang pamatok ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia sa loob ng dalawang taong ganap sa batok ng lahat na bansa. At ang propeta Jeremias ay yumaon ng kaniyang lakad.

1100
Mga Konsepto ng TaludtodMaiilap na mga Hayop na NapaamoNaglilingkod sa mga HariDiyos, Pamatok ng

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Ako'y naglagay ng pamatok na bakal sa batok ng lahat na bansang ito, upang sila'y makapaglingkod kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at sila'y mangaglilingkod sa kaniya: at ibinigay ko rin sa kaniya ang mga hayop sa parang.

1102
Mga Konsepto ng TaludtodAmen

Sinabi nga ng propeta Jeremias, Siya nawa: gawing gayon ng Panginoon: isagawa ng Panginoon ang iyong mga salita na iyong ipinanghula, na ibalik uli ang mga sisidlan ng bahay ng Panginoon, at silang lahat na bihag, mula sa Babilonia hanggang sa dakong ito.

1112
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihimagsik laban sa DiyosNalalapit na KamatayanKamatayan, Nalalapit naPaghihimagsik laban sa DiyosPaghihimagsik

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ikaw ay aking palalayasin mula sa ibabaw ng lupa: mamamatay ka sa taong ito sapagka't ikaw ay nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon.

1142
Mga Konsepto ng TaludtodKaharian, MgaSalot, MgaPagpapahayag ng PropesiyaDiyos na Nagsasalita sa Nakaraan

Ang mga naging propeta bago ako at bago ikaw nang una ay nanghula laban sa maraming lupain, at laban sa mga malaking kaharian, tungkol sa digma, at tungkol sa kasamaan, at tungkol sa salot.

1195
Mga Konsepto ng TaludtodBuwan, Ikapitong

Sa gayo'y namatay si Hananias na propeta ng taon ding yaon sa ikapitong buwan.

1237

Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, pagkatapos na mabali ni Hananias ang pamatok sa batok ng propeta Jeremias, na nagsasabi,

1353

Gayon ma'y dinggin mo ang mga salitang ito na sinasalita ko sa iyong mga pakinig, at sa mga pakinig ng buong bayan: