Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 29

Jeremias Rango:

77
Mga Konsepto ng TaludtodNagtitiwala sa Mapanlinlang na mga BagayDiyos na Hindi NagsusugoPropeta na Hindi Sinugo, MgaBulaang mga Apostol, Propeta at Guro

Ikaw ay magsugo sa kanilang lahat na nasa pagkabihag, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Semaias na Nehelamita. Yamang nanghula si Semaias sa inyo, at hindi ko sinugo siya, at kaniyang pinatiwala kayo sa kasinungalingan.

85

Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias, na nagsasabi,

359
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihimagsik laban sa DiyosBulaang mga Apostol, Propeta at Guro

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking parurusahan si Semaias na Nehelamita, at ang kaniyang binhi; siya'y hindi magkakaroon ng lalake na tatahan sa gitna ng bayang ito, o mamamasdan man niya ang mabuti na gagawin ko sa aking bayan, sabi ng Panginoon, sapagka't siya'y nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon.

374
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging MatulunginSinagot na PangakoDiyos na Sumasagot ng PanalanginDiyos na Nagbibigay Pansin

At kayo'y magsisitawag sa akin, at kayo'y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo.

406
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kabutihan ngDiyos, Katapatan ngBabilonya, Propesiya tungkol saEmperyoPropesiya, Katuparan sa Lumang TipanPropeta, Gampanin ng mgaMapagkakatiwalaanPitumpu70 hanggang 80 mga taonPangako ng Pagbabalik

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Pagkatapos na maganap ang pitong pung taon sa Babilonia, aking dadalawin kayo, at aking tutuparin ang aking mabuting salita sa inyo, sa pagpapabalik sa inyo sa dakong ito.

413
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Israel ay Ipinatapon saTitik, MgaPropesiya, Paraan sa Lumang Tipan

Ito nga ang mga salita ng sulat na ipinadala ni Jeremias na propeta mula sa Jerusalem sa nalabi sa mga matanda sa pagkabihag, at sa mga saserdote, at sa mga propeta, at sa buong bayan, na dinalang bihag ni Nabucodonosor sa Babilonia mula sa Jerusalem:

477
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Israel ay Ipinatapon sa

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, sa lahat ng bihag na aking ipinadalang bihag sa Babilonia mula sa Jerusalem,

531
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapalakas-Loob, Halimbawa ngBabala laban sa PanlilinlangBulaang Katuruan, Pagiwas saNakapanliligaw na Panaginip, MgaIwasan ang PanlilinlangMasamang mga PropetaPanlilinlangPropeta, MgaPansin

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Huwag kayong dayain ng mga propeta na nangasa gitna ninyo, at ng inyong mga manghuhula, o mangakinig man kayo sa inyong mga panaginip na inyong napapanaginip.

606
Mga Konsepto ng TaludtodPagtataboyKarpenteroMangagawa ng SiningReynaPandayHari na Ipinatapon, MgaSiningKerida

(Pagkatapos na makaalis sa Jerusalem si Jechonias na hari, at ang ina ng hari, at ang mga bating, at ang mga prinsipe sa Juda at sa Jerusalem, at ang mga manggagawa at ang mga mangbabakal;)

619
Mga Konsepto ng TaludtodHardin, KaraniwangHardin, MgaPaghihintay hanggang sa Magasawa

Kayo'y mangagtayo ng mga bahay, at inyong tahanan; at kayo'y maghalamanan, at kanin ninyo ang bunga ng mga yaon.

640
Mga Konsepto ng TaludtodKaparusahan, Legal na Aspeto ngPagpapanumbalik sa mga BansaPagtitipon sa mga IsraelitaPaghahanap sa DiyosPangako ng Pagbabalik

At ako'y masusumpungan sa inyo, sabi ng Panginoon, at aking ibabalik uli kayo na mula sa inyong pagkabihag, at aking pipisanin kayo mula sa lahat ng bansa, at mula sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa inyo, sabi ng Panginoon; at aking ibabalik kayo uli sa dakong mula sa aking pinagdalhang bihag sa inyo.

650
Mga Konsepto ng TaludtodSatanas, Mga Kampon niPagpatay sa mga PropetaDiyos, Bibiguin sila ngPinangalanang mga Propeta ng Panginoon

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, tungkol kay Achab na anak ni Colias, at tungkol kay Sedechias na anak ni Maasias na nanghuhula ng kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan, Narito, aking ibibigay sila sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at papatayin niya sila sa harap ng inyong mga mata;

664
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunog sa mga TaoGaya ng mga Masasamang TaoSinusumpa ang Di-Matuwid

At sa kanila kukuha ng kasumpaan sa lahat ng bihag sa Juda na nangasa Babilonia, na magsasabi, Gawin ka ng Panginoon na gaya ni Sedechias at gaya ni Achab, na iniihaw sa apoy ng hari sa Babilonia.

667

Sa pamamagitan ng kamay ni Elasa na anak ni Saphan, at ni Gemarias na anak ni Hilcias, (na siyang sinugo sa Babilonia ni Sedechias na hari sa Juda kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia,) na nagsasabi,

706

Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, na sinasabi, Sapagka't ikaw ay nagpadala ng mga sulat sa iyong sariling pangalan sa buong bayan na nasa Jerusalem, at kay Sophonias na anak ni Maasias na saserdote, at sa lahat na saserdote, na iyong sinasabi,

714
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aasawa na PinahintulutanMag-asawaPag-aasawaAma at ang Kanyang Anak na BabaeAma at ang Kanyang mga Anak na BabaePagtatatag ng RelasyonIwan ang Magulang para sa AsawaAma, Mga Tungkulin ngKabiyakPag-aasawaMatrimonya

Magsipagasawa kayo, at kayo'y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae; at ikuha ninyo ng mga asawa ang inyong mga anak na lalake, at inyong ibigay na asawa ang inyong mga anak na babae, upang sila'y mangagkaanak ng mga lalake at mga babae: at kayo'y magsidami roon, at huwag kayong magpakaunti.

779
Mga Konsepto ng TaludtodLuku-LukoPinatalsik na mga SaserdotePagpapalitan ng mga TaoIturing na Baliw

Ginawa kang saserdote ng Panginoon na kahalili ni Joiada na saserdote, upang kayo'y maging mga lingkod sa bahay ng Panginoon, sa bawa't tao na ulol, at nagpapanggap na propeta, upang iyong mailagay sa pangawan at sa mga tanikala.

791
Mga Konsepto ng TaludtodPangangalunya, Halimbawa ngImmoralidad, Halimbawa ng Sekswal naAng Patotoo ng DiyosMasamang mga Propeta

Sapagka't sila'y gumawang may kamangmangan sa Israel, at nangalunya sa mga asawa ng kanilang mga kapuwa, at nangagsalita ng mga salita sa aking pangalan na may kasinungalingan, na hindi ko iniutos sa kanila; at ako ang siyang nakakakilala, at ako'y saksi, sabi ng Panginoon.

809
Mga Konsepto ng TaludtodSumisitsitTaggutom na Mula sa DiyosGinawang Katatakutan

At aking hahabulin sila ng tabak, at kagutom, at ng salot, at aking ibibigay sila sa kakutyaan na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa, upang maging kasumpaan, at katigilan, at kasutsutan, at katuyaan, sa gitna ng lahat na bansa na aking pinagtabuyan sa kanila;

819

At tungkol kay Semaias na Nehelamita ay iyong sasalitain, na sasabihin,

919
Mga Konsepto ng TaludtodTaggutom na Mula sa DiyosMasamang Bagay

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking susuguin sa kanila ang tabak, ang kagutom at ang salot, at gagawin ko silang parang masamang igos, na hindi makakain, dahil sa nangapakasama.

1017
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang mga PropetaDiyos na Hindi NagsusugoPropeta na Hindi Sinugo, Mga

Sapagka't sila'y nanganghuhulang may kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan: hindi ko sinugo sila, sabi ng Panginoon.

1079
Mga Konsepto ng TaludtodPakikinigTumatangging MakinigYaong mga Bumangon ng UmagaPagsasagawa ng Paulit-ulit

Sapagka't hindi sila nangakinig sa aking mga salita, sabi ng Panginoon, na aking mga ipinasugo sa aking mga propeta, na ako'y bumangong maaga at sinugo ko sila; nguni't hindi ninyo dininig sila, sabi ng Panginoon.

1081

Inyo ngang dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong lahat na nasa pagkabihag, na aking itinaboy sa Babilonia mula sa Jerusalem.

1143
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Nagsalita sa Pamamagitan ng mga Propeta

Sapagka't inyong sinabi, Ang Panginoon ay nagbangon sa amin ng mga propeta sa Babilonia.

1166
Mga Konsepto ng TaludtodTronoAng Dinastiya ni David

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa hari na nauupo sa luklukan ni David, at tungkol sa buong bayan na tumatahan sa bayang ito, sa inyo ngang mga kapatid na hindi nagsilabas na kasama ninyo sa pagkabihag;

1188
Mga Konsepto ng TaludtodLiterasiyaPagbabasa ng Ibang mga Bagay

At binasa ni Sophonia na saserdote ang sulat na ito sa mga pakinig ni Jeremias na propeta.

1222
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahalamanMatapos ang Mahabang PanahonHardin, Mga

Yamang siya'y nagsugo sa Babilonia, na nagsasabi, Ang pagkabihag ay malaon: kayo'y mangagtayo ng mga bahay at inyong tahanan; at kayo'y mangaghalaman, at inyong kanin ang bunga ng mga yaon?

1302

Ngayon nga, bakit hindi mo sinaway si Jeremias na taga Anathoth, na nagpapanggap na propeta sa inyo,