Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 37

Jeremias Rango:

442
Mga Konsepto ng TaludtodGinawang mga HariHari ng Israel at Juda, MgaHari ng Juda, Mga

At si Sedechias na anak ni Josias ay naghari na gaya ng hari, na humalili kay Conias na anak ni Joacim, na ginawang hari sa lupain ng Juda ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia.

491
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Paratang, Halimbawa ngMga KapitanBulaang ParatangPinangalanang mga TarangkahanLaban sa KapwaPinangalanang mga Propeta ng Panginoon

At nang siya'y nasa pintuang-bayan ng Benjamin, isang kapitan ng bantay ay nandoon na ang pangalan ay Irias, na anak ni Selemias, na anak ni Hananias; at kaniyang dinakip si Jeremias, na propeta, na sinasabi, Ikaw ay kumakampi sa mga Caldeo.

521
Mga Konsepto ng TaludtodPagsalakay sa Jerusalem ay Hindi Natuloy

At nangyari, na nang umurong sa Jerusalem ang hukbo ng mga Caldeo dahil sa takot sa hukbo ni Faraon,

589
Mga Konsepto ng TaludtodIpanalangin ninyo Kami

At sinugo ni Sedechias na hari si Jucal na anak ni Selemias, at si Sephanias na anak ni Maasias na saserdote, sa propeta Jeremias, na sinabi, Idalangin mo kami ngayon sa Panginoon nating Dios.

709
Mga Konsepto ng TaludtodPagsalakay sa Jerusalem ay Hindi Natuloy

At ang hukbo ni Faraon ay lumabas sa Egipto: at nang mabalitaan sila ng mga Caldeo na nagsisikubkob ng Jerusalem, ay nagsialis sa Jerusalem.

865
Mga Konsepto ng TaludtodPagdakipKarahasan, Halimbawa ngPaghagupitGalit ng TaoKabahayan, MgaPagkabilanggoBilanggo, MgaKaparusahan, Legal na Aspeto ngBilangguan

At ang mga prinsipe ay napoot kay Jeremias at sinaktan nila siya, at isinilid sa bilangguan sa bahay ni Jonathan na kalihim: sapagka't kanilang ginawang bilangguan yaon.

951
Mga Konsepto ng TaludtodPribadoImpormasyon na LihimDiyos, Bibiguin sila ngTinatanong ang Diyos

Nagsugo nga si Sedechias na hari at ipinasundo siya: at tinanong siyang lihim ng hari sa kaniyang bahay, at nagsabi, May anoman bagang salitang mula sa Panginoon? At sinabi ni Jeremias: Mayroon. Sinabi rin niya, Ikaw ay mabibigay sa kamay ng hari sa Babilonia.

967
Mga Konsepto ng TaludtodTinapay bilang PagkainPanaderoPagluluto sa HurnoPropeta, Buhay ng mgaKalsadaBilangguan, MgaMinsan sa Isang Araw

Nang magkagayo'y nagutos si Sedechias na hari, at kanilang ibinilanggo si Jeremias sa looban ng bantay; at kanilang binigyan siya araw-araw ng isang putol na tinapay na mula sa lansangan ng mga magtitinapay, hanggang sa maubos ang lahat na tinapay sa bayan. Ganito nabilanggo si Jeremias sa looban ng bantay.

1007
Mga Konsepto ng TaludtodMakalupang Hukbo

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ganito ang inyong sasabihin sa hari sa Juda, na nagsugo sa inyo sa akin upang magsiyasat sa akin: Narito, ang hukbo ni Faraon, na lumabas upang tulungan kayo, ay babalik sa Egipto sa kanilang sariling lupain.

1160
Mga Konsepto ng TaludtodPagkataloPagsunog sa Jerusalem

Sapagka't bagaman inyong sasaktan ang buong hukbo ng mga Caldeo na lumalaban sa inyo, at ang naiwan lamang doon ay mga lalaking sugatan sa gitna nila, gayon ma'y babangon sila, ang bawa't isa sa kaniyang tolda, at susunugin ng apoy ang bayang ito.

1165
Mga Konsepto ng TaludtodGawing Pag-aari

Lumabas nga si Jeremias sa Jerusalem upang pumasok sa lupain ng Benjamin, upang tumanggap ng kaniyang bahagi roon, sa gitna ng bayan.

1175
Mga Konsepto ng TaludtodPiitanNananatili ng Mahabang Panahon

Nang si Jeremias ay makapasok sa bilangguang nasa ilalim ng lupa, at sa loob ng mga silid, at nang mabilanggo si Jeremias doon na maraming araw;

1176
Mga Konsepto ng TaludtodPagwawalang-BahalaPakikinigTrabaho ng Diyos at ng TaoPinangalanang mga Propeta ng Panginoon

Nguni't maging siya, o ang kaniyang mga lingkod man, o ang bayan man ng lupain, hindi nakinig sa mga salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias.

1241
Mga Konsepto ng TaludtodPosibilidad ng Kamatayan

At ngayo'y dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, Oh panginoon ko na hari: isinasamo ko sa iyo na tanggapin ang aking pamanhik sa harap mo, na huwag mo akong pabalikin sa bahay ni Jonathan na kalihim, baka mamatay ako roon.

1249
Mga Konsepto ng TaludtodLabas Pasok

Si Jeremias nga ay naglalabas pumasok sa gitna ng bayan: sapagka't hindi nila inilagay siya sa bilangguan.

1267

Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias; Kasinungalingan, hindi ako kumakampi sa mga Caldeo. Nguni't hindi niya dininig siya: sa gayo'y dinakip ni Irias si Jeremias, at dinala sa mga prinsipe.

1271
Mga Konsepto ng TaludtodPanlilinlang sa Sarili

Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag ninyong dayain ang inyong sarili, na magsabi, Tunay na magsisialis sa atin ang mga Caldeo: sapagka't hindi magsisialis.

1272
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunog sa Jerusalem

At ang mga Caldeo ay magsisiparito uli, at magsisilaban sa bayang ito; at kanilang sasakupin, at susunugin ng apoy.

1288
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang mga Propeta

Saan nandoon ngayon ang inyong mga propeta na nanganghula sa inyo, na nangagsasabi, Ang hari sa Babilonia ay hindi paririto laban sa inyo, o laban man sa lupaing ito?

1301
Mga Konsepto ng TaludtodPagkabilanggoGawan ng Mali ang Ibang Tao

Bukod dito'y sinabi ni Jeremias sa haring Sedechias, Sa ano ako nagkasala laban sa iyo, o laban sa iyong mga lingkod, o laban sa bayang ito upang ilagay ninyo ako sa bilangguan?

1338

Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon sa propeta Jeremias, na nagsasabi,