Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 39

Jeremias Rango:

411
Mga Konsepto ng TaludtodNauupo sa PasukanPinangalanang mga Tarangkahan

Na ang lahat ng mga prinsipe ng hari sa Babilonia, ay nagsipasok, at nagsiupo sa gitnang pintuang-bayan, si Nergal-sarezer, si Samgar-nebo, si Sarsechim, si Rabsaris, si Nergal-sarezer, si Rab-mag, sangpu ng nalabi sa mga prinsipe ng hari sa Babilonia.

481
Mga Konsepto ng TaludtodPananakop, MgaBuwanHukbo, Laban sa IsraelBuwan, IkasampungTaon ni Zedekias, MgaTunay na Pagsalakay sa JerusalemPagbihag sa mga LungsodHari ng Juda, Mga

At nangyari nang masakop ang Jerusalem, (nang ikasiyam na taon ni Sedechias na hari sa Juda, sa ikasangpung buwan, dumating si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at ang kaniyang buong hukbo laban sa Jerusalem, at kinubkob;

626
Mga Konsepto ng TaludtodNaabutan

Nguni't hinabol sila ng hukbo ng mga Caldeo, at inabot si Sedechias sa mga kapatagan ng Jerico: at nang kanilang mahuli siya, isinampa nila siya kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia sa Ribla, sa lupain ng Hamath, at kaniyang nilapatan siya ng kahatulan.

712

Si Nabucodonosor nga na hari sa Babilonia ay nagbilin kay Nabuzaradan na kapitan ng bantay ng tungkol kay Jeremias, na sinasabi;

729
Mga Konsepto ng TaludtodHardin, KaraniwangPaghahalamanDarating sa Pagitan ngDalawang Bahagi ng IpinapatayoHarding Nakadikit sa Palasyo

At nangyari, na nang makita sila ni Sedechias na hari, sa Juda at ng lahat na lalaking mangdidigma, ay nagsitakas nga sila, at nagsilabas sa bayan nang kinagabihan, sa daan ng halamanan ng hari, sa pintuang-bayan sa pagitan ng dalawang kuta; at siya'y lumabas sa daan ng Araba.

787
Mga Konsepto ng TaludtodTrosong PanggibaBuwan, Ikaapat naPagkawasak ng JerusalemPagkawasak ng Pader ng JerusalemTaon ni Zedekias, Mga

Nang ikalabing isang taon ni Sedechias, nang ikaapat na buwan, nang ikasiyam na araw ng buwan, isang sira ay nagawa sa bayan),

861
Mga Konsepto ng TaludtodGuwardiya, MgaBerdugoPagpapatapon sa Juda tungo sa BabilonyaLaban sa Kapwa

Nang magkagayo'y dinalang bihag sa Babilonia ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay, ang nalabi sa mga tao na naiwan sa bayan, gayon din ang nagsilipat na nagsikampi sa kaniya, at ang nalabi sa bayan na naiwan.

908
Mga Konsepto ng TaludtodKahirapan, Ugali saNalabiMaliit na Bilang ng Nalabi

Nguni't iniwan ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay ang mga dukha sa bayan, na walang tinatangkilik sa lupain ng Juda, at binigyan sila ng mga ubasan at ng mga bukid sa panahon ding yaon.

921
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatay sa mga Anak na Lalake at Babae

Nang magkagayo'y pinatay ng hari sa Babilonia ang mga anak ni Sedechias sa Ribla sa harap ng kaniyang mga mata; pinatay rin ng hari sa Babilonia ang lahat na mahal na tao sa Juda.

970

Sa gayo'y nagsugo si Nabuzaradan na kapitan ng bantay, at si Nabusazban, si Rab-saris, at si Nergal-sareser, si Rab-mag, at lahat ng punong oficial ng hari sa Babilonia;

976
Mga Konsepto ng TaludtodPalasyo, MgaPagkawasak ng Pader ng JerusalemPagsunog sa Jerusalem

At sinunog ng mga Caldeo ng apoy ang bahay ng hari, at ang mga bahay ng mga tao, at ibinagsak ang mga kuta ng Jerusalem.

1004
Mga Konsepto ng TaludtodBabilonya, Israel ay Ipinatapon saPambubulagIba, Pagkabulag ngTansong mga Posas

Bukod dito'y kaniyang binulag ang mga mata ni Sedechias, at inilagay siya sa pangawan, upang dalhin siya sa Babilonia.

1006
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Pinalaya ng mga TaoPagpapalaya

Sila'y nangagsugo, at kinuha si Jeremias sa looban ng bantay, at kanilang ipinagbilin siya kay Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan, na kaniyang iuwi siya. Sa gayo'y tumahan siya sa gitna ng bayan.

1015

Ikaw ay yumaon, at magsalita kay Ebed-melec na taga Etiopia, na magsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking dadalhin ang aking salita sa bayang ito sa ikasasama, at hindi sa ikabubuti; at mangatutupad sa harap mo sa araw na yaon.

1147
Mga Konsepto ng TaludtodPatyoBilanggo, Mga

Ang salita nga ng Panginoon ay dumating kay Jeremias, samantalang siya'y nakukulong sa looban ng bantay, na nagsasabi,

1210
Mga Konsepto ng TaludtodAng Epekto ng PananampalatayaNagtitiwala sa Diyos at Hindi Nababalisa

Sapagka't tunay na ililigtas kita, at ikaw ay hindi ibubuwal ng tabak, kundi ang iyong buhay ay magiging pinakasamsam sa iyo; sapagka't iyong inilagak ang iyong tiwala sa akin, sabi ng Panginoon.

1276

Kunin mo siya, at ingatan mo siyang mabuti, at huwag mo siyang saktan; kundi gawin mo sa kaniya ang kaniyang sasabihin sa iyo.

1294
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Nagagapi

Nguni't ililigtas kita sa araw na yaon, sabi ng Panginoon; at hindi ka mabibigay sa kamay ng mga lalake na iyong kinatatakutan.