Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 47

Jeremias Rango:

549
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na PumapatayPapatayin ng Diyos ang mga Tao

Dahil sa araw na dumarating upang lipulin ang lahat ng Filisteo, upang ihiwalay sa Tiro at Sidon, ang bawa't manunulongan na nalabi: sapagka't lilipulin ng Panginoon ang mga Filisteo, ang nalabi sa pulo ng Caphtor.

670
Mga Konsepto ng TaludtodPropeta, Gampanin ng mgaPinangalanang mga Propeta ng Panginoon

Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa mga Filisteo, bago sinaktan ni Faraon ang Gaza.

771
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakalbo, Talinghagang KahuluganPagkakalboBuhok, MgaUlo, MgaKutsilyo, MgaPagtangisKatahimikanLaslas na Katawan

Kakalbuhan ay dumating sa Gaza; Ascalon ay napahamak, at ang nalabi sa kanilang libis: hanggang kailan magkukudlit ka?

996
Mga Konsepto ng TaludtodIngayGulong, MgaPagkamahinaKabalyeryaTunogUmugong

Sa ingay ng lagapak ng mga kuko ng kaniyang mga malakas, sa hagibis ng kaniyang mga karo, sa hugong ng kaniyang mga gulong, hindi nililingon ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil sa kahinaan ng mga kamay;

1031
Mga Konsepto ng TaludtodMagnilaynilay!Diyos, Espada ng

Oh ikaw na tabak ng Panginoon, hanggang kailan di ka tatahimik? pumasok ka sa iyong kalooban; ikaw ay magpahinga, at tumahimik.

1036
Mga Konsepto ng TaludtodMula sa HilagaGaya ng BahaBaha, Mga

Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, tubig ay umaahon mula sa hilagaan, at magiging baha, at aapawan ang lupain at ang lahat na nangaroon, ang bayan at ang nagsisitahan doon; at ang mga tao ay magsisihiyaw, at lahat ng mananahan sa lupain ay magsisitangis.

1076
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Talagang PayapaHindi TahimikDiyos, Atas ng

Paanong ikaw ay matatahimik dangang binigyan ka ng Panginoon ng bilin? laban sa Ascalon, at laban sa baybayin ng dagat ay doon niya itinakda.