Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Jeremias 48

Jeremias Rango:

569
Mga Konsepto ng TaludtodMuogGiba, MgaAbang Kapighatian sa mga MasamaPagbihag sa mga Lungsod

Tungkol sa Moab. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Sa aba ng Nebo! sapagka't nalagay na sira; Chiriathaim ay nalagay sa kahihiyan, nasakop; ang Misgab ay nalagay sa kahihiyan at nabagsak.

620

Gayon ma'y ibabalik ko uli ang Moab na mula sa pagkabihag sa mga huling araw, sabi ng Panginoon. Hanggang dito ang kahatulan sa Moab.

812
Mga Konsepto ng TaludtodKatapusanKatahimikanPagkawala ng Dangal

Ang kapurihan ng Moab ay nawala; sa Hesbon ay nagsisikatha sila ng kasamaan laban sa kaniya: Magsiparito kayo, at ihiwalay natin siya sa pagkabansa. Ikaw, naman, Oh Madmena, madadala sa katahimikan; hahabulin ka ng tabak.

834
Mga Konsepto ng TaludtodKatuyuan

Mula sa hiniyawan ng Hesbon hanggang sa Eleale, hanggang sa Jajaz ay naglakas sila ng kanilang tinig, mula sa Zoar hanggang sa Horonaim, sa Eglat-selisiya: sapagka't ang tubig ng Nimrim man ay masisira.

835
Mga Konsepto ng TaludtodAlakPakikitungo mula sa mga KabataanYaong Nasa KaluwaganKabataan

Ang Moab na tiwasay mula sa kaniyang kabataan, at siya'y nagpahinga sa kaniyang mga latak, at hindi napagsalinsalin sa sisidlan at sisidlan, o pumasok man siya sa pagkabihag: kaya't ang kaniyang lasa ay nananatili sa kaniya, at ang kaniyang bango ay hindi nababago.

842
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Diyus-diyusanSalapi, Paguugali saMayaman, AngKayamanan, Masamang Gamit ngTiwala, Kakulangan ngBulaang TiwalaIpinatapong mga BanyagaPagtitiwala sa Kayamanan

Sapagka't yamang ikaw ay tumiwala sa iyong mga gawa at sa iyong mga kayamanan, ikaw man ay makukuha: at si Chemos ay papasok sa pagkabihag, ang kaniyang mga saserdote at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama.

851
Mga Konsepto ng TaludtodUbasPuno ng UbasTaginitAntigoTaginit, Prutas sa

Tatangis ako ng higit kay sa pagtangis ng Jazer dahil sa iyo, Oh puno ng ubas ng Sibma: ang iyong mga sanga ay nagsisidaan ng dagat, nagsisiabot hanggang sa dagat ng Jazer: sa iyong mga bungang taginit at sa iyong ani ay dumaluhong ang manglilipol.

868
Mga Konsepto ng TaludtodBarberoPagkakalboBalbasBuhok, MgaUlo, MgaKutsilyo, MgaPagtangisLaslas na Katawan

Sapagka't bawa't ulo ay kalbo, at bawa't balbas ay ginupit: sa lahat ng mga kamay ay may mga kudlit, at sa mga baywang ay may kayong magaspang.

874
Mga Konsepto ng TaludtodPlautaTumatangisKayamanan, Katangian ngInstrumento ng Musika, Uri ngKayamanan, Paglalarawan saPagtangis

Kaya't ang aking puso ay tumutunog na gaya ng plauta dahil sa Moab, at ang aking puso ay tumutunog na gaya ng plauta dahil sa mga lalake sa Kir-heres: kaya't ang kasaganaan na kaniyang tinangkilik ay napawi.

903
Mga Konsepto ng TaludtodAlakPampiga ng UbasSinisira ang UbasaKalungkutan, Sintomas ngPagtigilWalang PagkainKakulangan sa Kagalakan

At ang kasayahan at kagalakan ay naalis, sa mainam na bukid at sa lupain ng Moab; at aking pinatigil ang alak sa mga alilisan: walang yayapak na may hiyawan; ang paghihiyawan ay hindi magiging paghihiyawan.

939
Mga Konsepto ng TaludtodNooAnino, Mga

Silang nagsisitakas ay nagsisitayong walang lakas sa ilalim ng Hesbon; sapagka't ang apoy ay lumabas sa Hesbon, at ang alab mula sa gitna ng Sihon, at pinugnaw ang tagiliran ng Moab, at ang bao ng ulo ng mga manggugulo.

949
Mga Konsepto ng TaludtodPalalong Puso, MgaPusong Makasalanan at TinubosKapalaluan, Halimbawa ngKahambuganPalalong mga TaoKayabangan

Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab, na siya'y totoong palalo; ang kaniyang pagmamataas, at ang kaniyang pagpapalalo, at ang kaniyang kahambugan, at ang pagmamatigas ng kaniyang puso.

968

At sa Cherioth, at sa Bosra, at sa lahat ng bayan ng lupain ng Moab, malayo o malapit.

969
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaTuyong mga Lugar

Oh ikaw na anak na babae na tumatahan sa Dibon, bumaba ka na mula sa inyong kaluwalhatian, at umupo kang uhaw; sapagka't ang manglilipol ng Moab ay sumampa laban sa iyo, kaniyang giniba ang iyong mga katibayan.

980
Mga Konsepto ng TaludtodHirap ng PanganganakPagbihag sa mga Lungsod

Ang Cherioth ay nasakop, at ang mga katibayan ay nasamsam, at ang puso ng mga makapangyarihang tao ng Moab sa araw na yaon ay magiging parang puso ng babae sa kaniyang pagdaramdam.

1011
Mga Konsepto ng TaludtodPakpakAgila

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, siya'y lilipad na parang aguila, at magbubuka ng kaniyang mga pakpak laban sa Moab.

1012
Mga Konsepto ng TaludtodPagsalungatPagsusukaDiyos na Nagbigay Kalasingan

Languhin ninyo siya; sapagka't siya'y nagmalaki laban sa Panginoon: at ang Moab ay gugumon sa kaniyang suka, at siya man ay magiging kakutyaan.

1029
Mga Konsepto ng TaludtodPugadKalapati, MgaYungibBatuhanYungib bilang Taguang Lugar

Oh kayong mga nananahan sa Moab, inyong iwan ang mga bayan, at kayo'y magsitahan sa malaking bato; at maging gaya ng kalapati na nagpupugad sa mga tabi ng bunganga ng guwang.

1034
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Paghihirap ngAko ay Nagluluksa sa Malaking Sakuna

Kaya't aking tatangisan ang Moab; oo, ako'y hihiyaw dahil sa buong Moab: dahil sa mga tao ng Kir-heres ay magsisitangis sila.

1035
Mga Konsepto ng TaludtodKahihiyan ng Pagsamba sa Diyus-diyusan

At ang Moab ay mapapahiya dahil kay Chemos, gaya ng sangbahayan ni Israel na napahiya dahil sa Beth-el na kanilang tiwala.

1053

At ang kahatulan ay dumating sa lupaing patag, sa Holon, at sa Jahzah, at sa Mephaath,

1089

At sa Dibon, at sa Nebo, at sa Beth-diblathaim,

1117
Mga Konsepto ng TaludtodAbang Kapighatian sa mga Masama

Sa aba mo, Oh Moab! ang bayan ni Chemos ay nawala; sapagka't ang iyong mga anak na lalake ay nadalang bihag, at ang iyong mga anak na babae ay nasok sa pagkabihag.

1127
Mga Konsepto ng TaludtodPuganteTamariskoKalungkutan

Magsitakas kayo, inyong iligtas ang inyong mga buhay, at kayo'y maging parang kugon sa ilang.

1134

At sa Chiriathaim, at sa Beth-gamul, at sa Beth-meon;

1141

Sapagka't sa ahunan sa Luhith ay magsisiahon sila na may laging pagiyak; sapagka't kanilang narinig sa lusungan sa Horonaim ang kapanglawan ng hiyaw ng pagkapahamak.

1158
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak

Ang hugong ng hiyaw mula sa Horonaim, pananamsam at malaking kapahamakan!

1189
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Naglalagay ng PatibongTakot na DaratingHukay na Ginamit bilang Patibong

Pagkatakot, at hukay, at silo, ay sasa iyo, Oh nananahan sa Moab, sabi ng Panginoon.

1191
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Winawasak ang Banyagang mga Bansa

Ang Moab ay sira; ang kaniyang mga bata ay nagpadinig ng kanilang hibik.

1201
Mga Konsepto ng TaludtodSetroKalungkutanPagpapaalis

Kayong lahat na nangasa palibot niya, panaghuyan ninyo siya, at ninyong lahat na nangakakakilala ng kaniyang pangalan; inyong sabihin, Bakit ang matibay na tukod ay nabali, ang magandang tungkod!

1206
Mga Konsepto ng TaludtodIlog at Sapa, MgaArnonIlog Arnon

Ang Moab ay nalagay sa kahihiyan; sapagka't nagiba: kayo ay magsitangis at magsihiyaw; saysayin ninyo sa Arnon, na ang Moab ay nasira.

1225
Mga Konsepto ng TaludtodPuganteKalsadaAno ba ang Kalagayan?

Oh nananahan sa Aroer, tumayo ka sa tabi ng daan, at manubok ka: itanong mo sa kaniya na tumatakas, at sa kaniya na tumatanan; iyong sabihin; Ano ang nangyari?

1232
Mga Konsepto ng TaludtodBisigSungay, MgaButo, Mga BalingSungay na HuminaSungay, Mga Baling

Ang sungay ng Moab ay nahiwalay, at ang kaniyang bisig ay nabali, sabi ng Panginoon.

1239
Mga Konsepto ng TaludtodAltarWalang InsensoMga Taong NagwakasPagaalay sa Matataas na Dako

Bukod dito ay aking papaglilikatin sa Moab, sabi ng Panginoon, ang naghahandog sa mataas na dako, at nagsusunog ng kamangyan sa kaniyang mga dios.

1243
Mga Konsepto ng TaludtodBubongSirain ang mga SisidlanBubungan

Sa lahat ng mga bubungan ng Moab at sa mga lansangan niyaon ay may panaghoy saa't saan man; sapagka't aking binasag ang Moab na parang sisidlan na di kinalulugdan, sabi ng Panginoon.

1246
Mga Konsepto ng TaludtodMagnanakaw, Mga

Sapagka't hindi baga naging kakutyaan ang Israel sa iyo? hindi baga siya nasumpungan sa gitna ng mga magnanakaw? sapagka't kung paanong kadalas sinasalita mo siya, gayon naguuga ka ng ulo.

1280
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Lamang mga Siyudad

Mangagbigay kayo ng mga pakpak sa Moab, upang siya'y makalipad makalabas: at ang kaniyang mga bayan ay masisira, na walang sinomang tatahan doon.

1289
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Katapatan sa DiyosMga Taong Winawasak ang Banyagang mga Bansa

Ang Moab ay masisira sa pagiging bayan, sapagka't siya'y nagmalaki laban sa Panginoon.

1290
Mga Konsepto ng TaludtodSirain ang mga Sisidlan

Kaya't narito, ang mga kaarawan ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking susuguin sa kanila ang mga mangbubuhos, at siya'y ibubuhos nila; at kanilang tutuyuin ang kaniyang mga sisidlan, at babasagin ang kanilang mga sisidlang lupa.

1297
Mga Konsepto ng TaludtodPagkawasak ng mga LungsodYaong mga MangwawasakWalang Takas

At ang manglilipol ay darating sa bawa't bayan, at walang bayan na makatatanan; ang libis naman ay nawawala, at ang kapatagan ay masisira; gaya ng sinalita ng Panginoon.

1307
Mga Konsepto ng TaludtodBayani, Mga

Bakit ninyo sinasabi, Kami ay mga makapangyarihang lalake, at mga matapang na lalake na mangdidigma?

1309

Talastas ko ang kaniyang poot ay walang mangyayari; sabi ng Panginoon, ang kaniyang paghahambog ay walang nangyari.

1328
Mga Konsepto ng TaludtodTaon, MgaAng Araw ng KahatulanDiyos na Naglalagay ng PatibongTakot na Darating

Siyang tumatakas sa pagkatakot ay mahuhulog sa hukay; at siyang umahon sa hukay ay mahuhuli ng silo: sapagka't dadalhin ko sa kaniya, sa Moab, ang taon ng pagdalaw sa kaniya, sabi ng Panginoon.

1329

Ang Moab ay nalalagay na sira, at ang kaniyang mga bayan ay mga sinampa, at ang kaniyang mga piling binata ay nagsibaba sa patayan, sabi ng Hari, na ang pangalan ay Panginoon ng mga hukbo.

1337
Mga Konsepto ng TaludtodTumalikodGinawang KatatakutanKahihiyan ay Dumating

Ano't nabagsak! ano't tumatangis! ano't ang Moab ay tumalikod na may kahihiyan! gayon magiging kakutyaan at kapanglupaypayan ang Moab sa lahat na nangasa palibot niya.

1346
Mga Konsepto ng TaludtodBilisDiyos na Hindi Maliliwat

Ang kasakunaan ng Moab ay malapit nang darating, at ang kaniyang pagdadalamhati ay nagmamadali.