Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Job 22

Job Rango:

55
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabalik sa DiyosPagbangon, Personal naTolda, MgaPagaalis ng mga Tao sa iyong BuhayDiyos bilang Bukal ng Ligaya

Kung ikaw ay bumalik sa Makapangyarihan sa lahat, ay matatayo ka; kung iyong ilayo ang kalikuan sa iyong mga tolda.

65
Mga Konsepto ng TaludtodBatis

At ilagay mo ang iyong kayamanan sa alabok, at ang ginto ng Ophir sa gitna ng mga bato ng mga batis:

153
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang Bukal ng Ligaya

Sapagka't ikaw ay magagalak nga ng iyong sarili sa Makapangyarihan sa lahat, at iyong itataas ang iyong mukha sa Dios.

190
Mga Konsepto ng TaludtodKadalisayan

Kaniyang ililigtas, pati ng hindi banal: Oo, siya'y maliligtas sa kalinisan ng iyong mga kamay.

312

At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan, at mahalagang pilak sa iyo.

337
Mga Konsepto ng TaludtodSinagot na PangakoPagsasagawa ng PanataDiyos na Sumasagot ng PanalanginDiyos na Sumasagot ng mga Panalangin

Ikaw ay dadalangin sa kaniya, at kaniyang didinggin ka: at iyong babayaran ang iyong mga panata.

375
Mga Konsepto ng TaludtodAbo, MgaDiyos at ang MapagpakumbabaKapakumbabaan at Kapalaluan

Pagka inilulugmok ka nila, ay iyong sasabihin: Magpakataas; at ililigtas niya ang mapagpakumbabang tao.

429
Mga Konsepto ng TaludtodKapakipakinabang na mga Tao

Mapapakinabangan ba ang tao ng Dios? Tunay na siyang pantas ay nakikinabang sa kaniyang sarili.

442

Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi,

502
Mga Konsepto ng TaludtodUlap, Presensya ng Diyos sa mga

Masinsing alapaap ang tumatakip sa kaniya, na siya'y hindi nakakakita; at siya'y lumalakad sa balantok ng langit.

509
Mga Konsepto ng TaludtodAstronomiyaDiyos na nasa KaitaasanBagay sa Kaitaasan, Mga

Hindi ba ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit? At, narito, ang kataasan ng mga bituin, pagkataastaas nila!

511
Mga Konsepto ng TaludtodHaba ng BuhayMasamang Pamamaraan

Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan, na nilakaran ng mga masamang tao?

524
Mga Konsepto ng TaludtodUtangPangungutang, Garantiya saGarantiyaBulaang ParatangMga Taong Hinuhubaran ang mga TaoMahal na Araw

Sapagka't ikaw ay kumuha ng sangla ng iyong kapatid sa wala, at iyong hinubdan ng kanilang suot ang hubad.

536

Hindi ba malaki ang iyong kasamaan? Ni wala mang anomang wakas sa iyong mga kasamaan.

544
Mga Konsepto ng TaludtodUlila, MgaKahirapan, Ugali saHindi Tumutulong sa mga Balo

Iyong pinayaong walang dala ang mga babaing bao, at ang mga kamay ng ulila ay nangabali.

597

At iyong sinasabi, Anong nalalaman ng Dios? Makahahatol ba siya sa salisalimuot na kadiliman?

601
Mga Konsepto ng TaludtodPuso ng TaoPagninilayTao, Isipan ngPagtanggap ng TuroDiyos na NagtuturoKababaihan, Mga Nagtratrabahong mgaPagninilay sa Salita ng Diyos

Iyong tanggapin, isinasamo ko sa iyo, ang kautusan mula sa kaniyang bibig, at ilagak mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso.

625
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Naglalagay ng PatibongTakot na Darating

Kaya't ang mga silo ay nangasa palibot mo, at biglang takot ay bumabagabag sa iyo,

672
Mga Konsepto ng TaludtodKaguluhanAng DelubyoMaagang Kamatayan

Na siyang mga naalis bago dumating ang kanilang kapanahunan. Na ang patibayan ay nahuhong parang agos:

694
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang Katapatan sa DiyosTinatanong ang Kapangyarihan ng Diyos

Na nagsabi sa Dios: Lumayo ka sa amin; at, anong magagawa sa amin ng Makapangyarihan sa lahat?

778
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos ay BanalKakaibhan ng KatuwiranHindi Nagbibigay Lugod sa Diyos

May kasayahan ba sa Makapangyarihan sa lahat na ikaw ay matuwid? O may pakinabang ba sa kaniya na iyong pinasasakdal ang iyong mga lakad?

830
Mga Konsepto ng TaludtodTubigWalang PagkainPagpapakain sa mga Mahihirap

Ikaw ay hindi nagbigay ng tubig sa pagod upang uminom, at ikaw ay nagkait ng tinapay sa gutom.

856
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Takot sa DiyosBanal na Gawain

Dahil ba sa iyong takot sa kaniya na kaniyang sinasaway ka, na siya'y pumasok sa iyo sa kahatulan?

866

Nakikita ng mga matuwid at nangatutuwa; at tinatawanang mainam ng walang sala:

881

Nguni't tungkol sa makapangyarihang tao, siya'y nagtatangkilik ng lupa; at ang marangal na tao, ay tumatahan doon.

896
Mga Konsepto ng TaludtodNaabutan ng Dilim

O kadiliman, upang huwag kang makakita. At kasaganaan ng tubig ay tumatabon sa iyo.

906
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay ng Mabubuting BagayTao, Payo ng

Gayon ma'y pinuno niya ang kanilang mga bahay ng mga mabuting bagay; nguni't ang payo ng masama ay malayo sa akin.

993
Mga Konsepto ng TaludtodMateryalismo bilang Aspeto ng Kasalanan

Na nagsasabi, Walang pagsalang silang nagsisibangon laban sa atin ay nahiwalay, at ang nalabi sa kanila ay sinupok ng apoy.