Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Levitico 9

Levitico Rango:

51
Mga Konsepto ng TaludtodNalalabiTaba ng mga Handog

Datapuwa't ang taba at ang mga bato, at ang lamad na nasa atay ng handog dahil sa kasalanan, ay sinunog niya sa ibabaw ng dambana; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

116
Mga Konsepto ng TaludtodLabas ng KampamentoHayop, Mga Balat ngPagsunog sa mga Sakripisyo

At ang laman at ang balat ay sinunog niya sa apoy sa labas ng kampamento.

176
Mga Konsepto ng TaludtodPagwiwisikPagwiwisik ng DugoPagpatay sa Handog

At pinatay niya ang handog na susunugin; at ibinigay sa kaniya ng mga anak ni Aaron ang dugo, at kaniyang iniwisik sa ibabaw ng palibot ng dambana.

245

At kaniyang ibinigay sa kaniya ang handog na susunugin, na isaisang putol, at ang ulo: at sinunog niya sa ibabaw ng dambana.

272
Mga Konsepto ng TaludtodMalinis na mga Hayop

At kaniyang hinugasan ang lamang loob at ang mga paa at sinunog sa ibabaw ng handog na susunugin sa ibabaw ng dambana.

307
Mga Konsepto ng TaludtodKaparusahanAlay, MgaPagpatay sa Handog

At iniharap niya ang alay ng bayan; at kinuha ang kambing na handog dahil sa kasalanan na para sa bayan, at pinatay at inihandog dahil sa kasalanan, na gaya ng una.

312
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, bilang Punong SaserdoteAraw, IkawalongAng Pagtitipon ng mga Matatanda

At nangyari sa ikawalong araw, na tinawag ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak, at ang mga matanda sa Israel;

324
Mga Konsepto ng TaludtodUmagang PagsambaTuntunin para sa Handog na ButilKarne, Handog na

At iniharap niya ang handog na harina, at kumuha ng isang dakot, at sinunog sa ibabaw ng dambana, bukod sa handog na susunugin sa umaga.

328
Mga Konsepto ng TaludtodPagwiwisik ng DugoPagpatay sa Handog

Kaniyang pinatay rin ang toro at ang tupang lalake na haing mga handog tungkol sa kapayapaan, na para sa bayan: at ibinigay ng mga anak ni Aaron sa kaniya ang dugo, at kaniyang iniwisik sa ibabaw ng dambana hanggang sa palibot.

332
Mga Konsepto ng TaludtodKilos at GalawApoyPagpapatirapaSumisigawTheopaniyaSumisigaw sa GalakSagot sa Pamamagitan ng ApoyApoy na mula sa LangitPagsunog sa mga SakripisyoGrupong NagsisigawanAlay sa Tansong Altar

At may lumabas na apoy sa harap ng Panginoon, at sinunog sa ibabaw ng dambana ang handog na susunugin at ang taba: at nang makita yaon ng buong bayan, ay nagsigawan at nangagpatirapa.

339

At iniharap niya ang handog na susunugin, at inihandog ayon sa palatuntunan.

369
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, ang kanyang Tungkulin bilang SaserdoteAaron, ang kanyang mga KarapatanTao na BumabagsakPagtataas ng KamayMga Taong Pinagpala ang Iba

At itinaas ni Aaron ang kaniyang mga kamay sa dakong bayan at binasbasan niya; at bumaba siya na mula sa paghahandog ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog na susunugin, at ng mga handog tungkol sa kapayapaan.

383
Mga Konsepto ng TaludtodBuntot, MgaNalalabiTaba ng mga Handog

At ang taba ng toro at ng tupang lalake, ang matabang buntot at ang tabang nakatakip sa lamang loob, at ang mga bato, at ang lamad ng atay.

392
Mga Konsepto ng TaludtodPagpasok sa TabernakuloPagpapakita ng DiyosMga Taong Pinagpala ang Iba

At pumasok si Moises at si Aaron sa tabernakulo ng kapisanan, at sila'y lumabas, at binasbasan ang bayan: at lumitaw ang kaluwalhatian ng Panginoon sa buong bayan.

394

At kanilang inilagay ang mga taba sa ibabaw ng mga dibdib, at kaniyang sinunog ang taba sa ibabaw ng dambana:

402
Mga Konsepto ng TaludtodKaparusahanKatubusan sa Lumang TipanTagapamagitanSaserdote, Pagtubos ng mga

At sinabi ni Moises kay Aaron, Lumapit ka sa dambana, at ihandog mo ang iyong handog dahil sa kasalanan, at ang iyong handog na susunugin, at itubos mo sa iyong sarili at sa bayan: at ihandog mo ang alay ng bayan, at itubos mo sa kanila; gaya ng iniutos ng Panginoon.

413
Mga Konsepto ng TaludtodKambing, MgaGanap na mga AlayHayop, Batay sa kanilang GulangPagaalay ng mga KambingPagaalay ng mga Tupa at Baka

At sa mga anak ni Israel ay sasalitain mo, na sasabihin, Kumuha kayo ng isang kambing na lalake na handog dahil sa kasalanan; at ng isang guyang baka, at ng isang kordero, na kapuwa na may gulang na isang taon, at walang kapintasan, na handog na susunugin;

418
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, Sinunog na Alay naGanap na mga AlayPagaalay ng mga Baka

At sinabi niya kay Aaron, Magdala ka ng isang guyang toro, na handog dahil sa kasalanan at isang tupang lalake na handog na susunugin, na kapuwa walang kapintasan, at ihandog mo sa harap ng Panginoon.

421
Mga Konsepto ng TaludtodKaluwalhatian, Pahayag ngPagpapakita ng Diyos

At sinabi ni Moises, Ito ang iniutos ng Panginoon na gawin ninyo: at lilitaw sa inyo ang kaluwalhatian ng Panginoon.

424
Mga Konsepto ng TaludtodIwinagayway na HandogHayop, Natatanging Sinunog na Alay naUmuugoy ng Paroo't ParitoHita ng mga Hayop, MgaIba pang Tamang BahagiDibdib

At ang mga dibdib at ang kanang hita ay inalog ni Aaron na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon; gaya ng iniutos ni Moises.

430
Mga Konsepto ng TaludtodLalakeng TupaRituwalLangis para sa mga HandogPagpapakita ng DiyosTuntunin para sa Handog na ButilPagaalay ng mga Tupa at BakaKapayapaan, Handog sa

At ng isang toro at ng isang tupang lalake na mga handog tungkol sa kapayapaan, upang ihain sa harap ng Panginoon, at ng isang handog na harina na hinaluan ng langis: sapagka't napakikita sa inyo ngayon ang Panginoon.

432
Mga Konsepto ng TaludtodPagpatay sa Handog

Lumapit nga si Aaron sa dambana at pinatay ang guyang handog dahil sa kasalanan, na yao'y para sa kaniya.

435

At kanilang dinala sa harap ng tabernakulo ng kapisanan ang iniutos ni Moises: at lumapit doon ang buong kapisanan, at tumayo sa harap ng Panginoon.

440
Mga Konsepto ng TaludtodDaliri, MgaSungay, MgaGamit ang mga DaliriAlay sa Tansong AltarSaligan ng mga bagay

At iniharap ng mga anak ni Aaron sa kaniya ang dugo: at itinubog niya ang kaniyang daliri sa dugo, at ipinahid sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana at ang dugong labis ay ibinuhos sa tungtungan ng dambana: