Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Levitico 8

Levitico Rango:

29
Mga Konsepto ng TaludtodKorona, Pinutungan ngUlo, MgaTakip sa UloPlato, MgaTurbante at Sumbrero

At ipinatong ang mitra sa kaniyang ulo; at ipinatong sa mitra sa harap, ang laminang ginto, ang banal na putong; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

37
Mga Konsepto ng TaludtodAng Tabernakulo

At kinuha ni Moises ang langis na pang-pahid, at pinahiran ang tabernakulo, at ang lahat ng nandoon, ay pinapaging banal.

73
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Pagtatatag sa Panahon ng Lumang TipanSaserdote, Kasuotan ng mgaTurbante at Sumbrero

At pinalapit ni Moises ang mga anak ni Aaron, at sila'y sinuutan ng mga kasuutan, at binigkisan ng mga pamigkis, at itinali sa kanilang ulo ang mga tiara; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

78
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kamay sa mga UloPagpapatong ng Kamay sa mga Handog

At kaniyang inilapit ang torong handog dahil sa kasalanan: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang mga kamay nila sa ulo ng torong handog dahil sa kasalanan.

88
Mga Konsepto ng TaludtodDaliri, MgaSungay, MgaIbinubuhosMalinis na mga BagayGamit ang mga DaliriTubusin sa Pamamagitan ng AlayPagpatay sa Handog

At pinatay niya; at kumuha si Moises ng dugo at ipinahid ng kaniyang daliri sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana sa palibot, at nilinis ang dambana, at ang dugo'y ibinuhos sa tungtungan ng dambana, at inaring banal upang pagtubusan.

92
Mga Konsepto ng TaludtodNalalabiDalawang Bahagi sa KatawanTaba ng mga Handog

At kinuha niya ang lahat ng taba na nasa ibabaw ng mga lamang loob, at ang lamad ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba ng mga yaon, at sinunog ni Moises sa ibabaw ng dambana.

93
Mga Konsepto ng TaludtodOrdinasyonMga Kamay sa mga UloPagpapatong ng Kamay sa mga Handog

At iniharap niya ang tupang lalake na handog na susunugin: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang mga kamay nila sa ulo ng tupa.

97
Mga Konsepto ng TaludtodPagpahid ng Langis sa mga KasangkapanPlangganaPagwiwisikPagwiwisik ng LangisPitong UlitParaan ng PaglilinisNahahanda Itayo ang Tansong DambanaPagpahid ng Langis ang mga Bagay-bagay

At winisikan niya niyaon ang ibabaw ng dambana na makapito, at pinahiran ng langis ang dambana at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang hugasan at ang tungtungan niyaon, upang ariing banal.

237
Mga Konsepto ng TaludtodAromaHita, MgaAmoyMalinis na mga HayopNagpapasariwang Diyos

At kaniyang hinugasan sa tubig ang lamang loob at ang mga paa; at sinunog ni Moises ang buong tupa sa ibabaw ng dambana; handog na susunugin nga na pinakamasarap na amoy: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

239
Mga Konsepto ng TaludtodAaron, bilang Punong Saserdote

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

249
Mga Konsepto ng TaludtodLamang LoobLabas ng KampamentoHayop, Mga Balat ngPagbabawas ng DumiPagsunog sa mga Sakripisyo

Datapuwa't ang toro, at ang balat, at ang laman, at ang dumi, ay sinunog niya sa apoy sa labas ng kampamento; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

253
Mga Konsepto ng TaludtodPagwiwisik ng DugoPagpatay sa Handog

At kaniyang pinatay yaon: at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.

263
Mga Konsepto ng TaludtodEfodBalabal

At isinuot sa kaniya ang kasuutan, at binigkisan ng pamigkis, at ibinalabal sa kaniya ang balabal, at sa kaniya'y ipinatong ang epod, at ibinigkis sa kaniya ang pamigkis ng epod na mainam ang pagkayari, at tinalian nito.

270
Mga Konsepto ng TaludtodPaa, MgaTaingaPagwiwisikHinlalakiDaliri ng PaaPagpatay sa HandogIba pang Tamang Bahagi

At kaniyang pinatay yaon; at kumuha si Moises ng dugo niyaon, at inilagay sa pingol ng kanang tainga ni Aaron, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa.

277
Mga Konsepto ng TaludtodKutsilyo, MgaHayop, PinagpirapirasongTaba ng mga Handog

At kinatay niya ang tupa; at sinunog ni Moises ang ulo, at ang mga putolputol, at ang taba.

284
Mga Konsepto ng TaludtodPektoralPunong Saserdote sa Lumang TipanAng Urim at TumimUrim at Tunim

At ipinatong sa kaniya ang pektoral: at inilagay sa loob ng pektoral ang Urim at ang Thummim.

286
Mga Konsepto ng TaludtodIwinagayway na HandogUmuugoy ng Paroo't Parito

At inilagay na lahat sa mga kamay ni Aaron at sa mga kamay ng kaniyang mga anak, at pinagaalog na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon.

293
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Kasuotan ng mgaDalawang HayopPagaalay ng mga Baka

Dalhin mo si Aaron at pati ng kaniyang mga anak, at ang mga kasuutan, at ang langis na pangpahid, at ang torong handog dahil sa kasalanan, at ang dalawang tupang lalake, at ang bakol ng mga tinapay na walang lebadura:

296
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Pagtatatag sa Panahon ng Lumang TipanLalakeng TupaPagtatalagaMga Kamay sa mga UloPagpapatong ng Kamay sa mga HandogPagtatakda ng Diyos sa Iba

At iniharap niya ang ikalawang tupa, ang tupa na itinatalaga: at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo ng tupa.

297
Mga Konsepto ng TaludtodPaglilinisPaghuhugas

At dinala ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak, at hinugasan ng tubig.

305
Mga Konsepto ng TaludtodBuntot, MgaNalalabiHita ng mga Hayop, MgaDalawang Bahagi sa KatawanTaba ng mga Handog

At kinuha niya ang taba, at ang matabang buntot, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob, at ang lamad ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba ng mga yaon, at ang kanang hita:

310
Mga Konsepto ng TaludtodHinlalakiDaliri ng PaaPagwiwisik ng DugoIba pang Tamang Bahagi

At pinaharap niya ang mga anak ni Aaron, at nilagyan ni Moises ng dugong yaon sa pingol ng kanilang kanang tainga, at sa daliring hinlalaki ng kanang kamay nila, at sa daliring hinlalaki ng kanang paa nila: at iniwisik ni Moises ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.

314
Mga Konsepto ng TaludtodNagpapasariwang Diyos

At kinuha ni Moises sa kanilang mga kamay, at sinunog sa dambana sa ibabaw ng handog na susunugin: mga talagang pinakamasarap na amoy: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

316
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon ng IsraelPagtitipon sa Pasukang Daanan

At pulungin mo ang buong kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

319
Mga Konsepto ng TaludtodTinapay, Manipis naLangis para sa mga Handog

At sa bakol ng tinapay na walang lebadura na inilagay sa harap ng Panginoon, ay kumuha siya ng isang munting tinapay na walang lebadura, at ng isang munting tinapay na nilangisan at ng isang manipis na tinapay, at ipinaglalagay sa ibabaw ng taba at sa ibabaw ng kanang hita:

320
Mga Konsepto ng TaludtodAlay sa Daanang PintoPagkain para sa Saserdote

At sinabi ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak, Pakuluan ninyo ang laman sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at doon ninyo kanin, at ang tinapay na nasa bakol ng itinatalaga, ayon sa iniutos ko, na sinasabi, Kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak.

333
Mga Konsepto ng TaludtodPagpahid na LangisSeremonyaPunong Saserdote sa Lumang TipanMoises, Buhay niLangisOrdinasyonSaserdote, Pagtatatag sa Panahon ng Lumang TipanRituwalPagwiwisikPagwiwisik ng DugoPagwiwisik ng LangisPagpahid ng Langis sa mga SaserdoteSaserdote, Kasuotan ng mga

At kumuha si Moises ng langis na pang-pahid, at ng dugong nasa ibabaw ng dambana, at iniwisik kay Aaron, sa kaniyang mga suot, at sa kaniyang mga anak, at sa mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya; at pinapaging banal si Aaron at ang kaniyang mga suot, at ang kaniyang mga anak at ang mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya.

337
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitipon ng IsraelPagtitipon sa Pasukang Daanan

At ginawa ni Moises ayon sa iniutos sa kaniya ng Panginoon; at nagpupulong ang kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

346
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Atas ng

At sinabi ni Moises sa kapisanan, Ito ang ipinagawa ng Panginoon.

349
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, Natatanging Sinunog na Alay naUmuugoy ng Paroo't Parito

At kinuha ni Moises ang dibdib at inalog na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon: ito ang bahagi ni Moises sa tupang itinalaga; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

652
Mga Konsepto ng TaludtodPitong ArawIbinigay sa PintuanLumabasLabas ng Bahay

At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay huwag kayong lalabas na pitong araw, hanggang sa maganap ang mga kaarawan ng inyong pagtalaga: sapagka't pitong araw na kayo'y matatalaga.

677
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunog sa mga SakripisyoNatitirang mga Handog

At ang labis sa laman at sa tinapay ay susunugin ninyo sa apoy.

749
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Tumutubos

Kung paano ang ginawa sa araw na ito, ay gayon ang iniutos ng Panginoon na gawin upang itubos sa inyo.

792
Mga Konsepto ng TaludtodPitong ArawIbinigay sa PintuanKamatayan bilang Kaparusahan

At sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ay matitira kayo gabi't araw na pitong araw, at inyong tutuparin ang kautusan ng Panginoon, upang huwag kayong mamatay: sapagka't gayon ang iniutos ko.

835

At ginawa ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang lahat na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.