Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mangangaral 2

Mangangaral Rango:

22
Mga Konsepto ng TaludtodAlkoholUmiinom ng AlakIlalim ng Araw, SaPagiging Masaya sa BuhayKasiyahan sa BuhayPaglalakbay

Aking siniyasat sa aking puso na kung paanong masasayahan ang aking katawan sa pamamagitan ng alak, pinapatnubayan pa ng karunungan ang aking puso at kung paanong hahawak sa kamangmangan, hanggang sa aking makita kung ano ang mabuti sa mga anak ng mga tao na marapat nilang gawin sa silong ng langit sa lahat ng mga kaarawan ng kanilang buhay.

47
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatanim ng Ubasan

Gumawa ako sa ganang akin ng mga malaking gawa; nagtayo ako sa ganang akin ng mga bahay; nagtanim ako sa ganang akin ng mga ubasan;

63
Mga Konsepto ng TaludtodKapaguran ng BuhayWalang Kabuluhang PagsusumikapIlalim ng Araw, SaFootball

Sa gayo'y ipinagtanim ko ang buhay; sapagka't ang gawa na ginawa sa ilalim ng araw ay mapanglaw sa akin: sapagka't lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

73
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang mga MataGantimpala para sa GawaSarili, Pagibig saPagiging Masaya sa BuhayKasiyahan sa Buhay

At anomang ninasa ng aking mga mata ay hindi ko ipinagkait: hindi ko pinigil ang aking puso sa anomang kagalakan, sapagka't nagagalak ang aking puso dahil sa lahat kong gawain; at ito ang aking bahagi na mula sa lahat kong gawain.

74
Mga Konsepto ng TaludtodBuhay na HinahamakMabigat na TrabahoTagumpay at PagsusumikapMahirap na Trabaho

At ipinagtanim ko ang lahat kong gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw: yamang marapat kong iwan sa tao na susunod sa akin.

95
Mga Konsepto ng TaludtodHalamananHardin, Mga

Gumawa ako sa ganang akin ng mga halamanan at mga liwasan, at aking tinamnan ng mga sarisaring puno ng kahoy na nagkakabunga:

100
Mga Konsepto ng TaludtodPatubigPalanguyan

Gumawa ako sa ganang akin ng mga tipunan ng tubig, upang dumilig ng gubat na pagtatamnan ng mga puno ng kahoy:

103
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang KabuluhanBubulongbulongWalang Kabuluhang PagsusumikapPagiging Masaya sa BuhayPagtatala

Sinabi ko sa aking puso: Pumarito ka ngayon, Susubukin kitang may kasayahan; kaya't magsawa ka sa kalayawan: at narito, ito rin ay walang kabuluhan.

104
Mga Konsepto ng TaludtodNag-aaral tungkol sa KahibanganKatangian ng mga Hari

At ako'y pumihit upang masdan ang karunungan, at ang kaululan at ang kamangmangan; sapagka't ano ang magagawa ng tao na sumusunod sa hari? samakatuwid baga'y ang nagawa na laong panahon ng nakaraan.

106
Mga Konsepto ng TaludtodKoroAng Kawalang Kabuluhan ng Kaalaman ng TaoMangaawitTinustusan ng Salapi

Nagtipon din ako sa ganang akin ng pilak at ginto, at ng tanging kayamanan ng mga hari at ng mga lalawigan: nagtatangkilik ako sa akin ng mga lalaking mangaawit at mga babaing mangaawit, at ng mga kalayawan ng mga anak ng mga tao, mga sarisaring instrumento ng musiko iya'y totoong marami.

111
Mga Konsepto ng TaludtodDakilang mga Tao

Sa gayo'y naging dakila ako, at lumago ako ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem: ang akin namang karunungan ay namamalagi sa akin.

117
Mga Konsepto ng TaludtodNagmamay-ari ng mga HayopGrupo ng mga Alipin

Ako'y bumili ng mga aliping lalake at babae, at nagkaroon ako ng mga aliping ipinanganak sa aking bahay; nagkaroon din naman ako ng mga malaking pag-aari na mga bakahan at mga kawan, ng higit kay sa lahat na nauna sa akin sa Jerusalem:

118
Mga Konsepto ng TaludtodNakamit sa BuhayPisikal na TrabahoKawalang KasiyahanWalang Kabuluhang PagsusumikapIlalim ng Araw, SaTagumpay at Pagsusumikap

Nang magkagayo'y minasdan ko ang lahat ng mga gawa, na ginawa ng aking mga kamay, at ang gawain na aking pinagsikapang gawin; at, narito, lahat ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala, at walang pakinabang sa ilalim ng araw.

127
Mga Konsepto ng TaludtodKumain at UmiinomMabuting GawainGawa ng DiyosPaghahanap sa PagibigTagumpay at PagsusumikapPagiging Masaya sa BuhayKasiyahan sa BuhayKawalang KatiyakanMahirap na Trabaho

Walang maigi sa tao kundi ang kumain at uminom, at pagalaking mabuti ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang gawa. Ito man ay aking nakita na mula sa kamay ng Dios.

130
Mga Konsepto ng TaludtodPatas na KapalaranEspirituwal na PagkilatisKadiliman ng KasamaanTadhana

Ang mga mata ng pantas ay na sa kaniyang ulo, at ang mangmang ay lumalakad sa kadiliman: at gayon ma'y aking namalas na isang pangyayari ang nangyari sa kanilang lahat.

132
Mga Konsepto ng TaludtodKayamananPagiging PagpapalaKasiyahan, Kulang saPagiging PinagpalaPangako ng KaligayahanWalang Kabuluhang PagsusumikapDiyos na Humahatol sa MasasamaMga Taong may KaalamanDiyos na Nagbibigay KarununganKarununganKarunungan at GabayPagiimpok ng SalapiNagpupunyagi

Sapagka't ang tao na kinaluluguran niya, binibigyan ng Dios ng karunungan, at kaalaman, at kagalakan: nguni't ang makasalanan ay binibigyan niya ng damdam, na magpisan at magbunton, upang maibigay sa kaniya na kinaluluguran ng Dios. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

141
Mga Konsepto ng TaludtodLiwanag at DilimPakinabang ng Karunungan

Nang magkagayo'y aking nakita, na ang karunungan ay humihigit sa kamangmangan, na gaya ng liwanag na humihigit sa dilim.

146
Mga Konsepto ng TaludtodPatas na KapalaranKinalimutan ang mga TaoKamatayan ay sa LahatMarunong O MangmangKarunungan

Sapagka't kung paano sa pantas ay gayon din sa mangmang, walang alaala magpakailan man; dangang sa mga araw na darating ay malilimutang lahat na. At kung paanong ang pantas ay namamatay ay gayon ang mangmang!

153
Mga Konsepto ng TaludtodPatas na KapalaranWalang Kabuluhang PagsusumikapMarunong O MangmangTadhana

Nang magkagayo'y sinabi ko sa puso ko, Kung ano ang nangyari sa mangmang gayon ang mangyayari sa akin; at bakit pa nga ako naging lalong pantas? Nang magkagayo'y sinabi ko sa puso ko, na ito man ay walang kabuluhan.

157
Mga Konsepto ng TaludtodLibangan, Masamang Bunga ngNag-aaral tungkol sa KahibanganKasiyasiya

Aking sinabi tungkol sa tawa, Ito'y ulol: at sa kasayahan, Anong ginagawa nito?

164
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang SitwasyonWalang Kabuluhang PagsusumikapKarununganTrahedyaTagumpay at PagsusumikapKasiyahan sa BuhayPamanaMahirap na TrabahoPagkawalang Saysay ng Makamundong Hangarin

Sapagka't may tao, na ang gawa ay sa pamamagitan ng karunungan, at ng kaalaman, at ng kabihasnan; gayon ma'y sa tao na hindi gumawa niyaon ay iiwan niya na pinakabahagi niyaon. Ito man ay walang kabuluhan at malaking kasamaan.

170
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging Masaya sa BuhayKasiyahan sa Buhay

Sapagka't sinong makakakain, o sinong makapagtataglay ng kagalakang higit kay sa akin?

173
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Pagkakatulog, Sanhi ngWalang KapahingahanWalang Kabuluhang Pagsusumikap

Sapagka't lahat niyang kaarawan ay mga kapanglawan lamang, at ang kaniyang pagdaramdam ay hapis; oo, pati sa gabi ay hindi nagpapahinga ang kaniyang puso. Ito man ay walang kabuluhan.

181
Mga Konsepto ng TaludtodIlalim ng Araw, SaKawalang-Pagasa

Kaya't ako'y bumalik upang aking alisan ng pagasa ang aking puso tungkol sa lahat na gawa na aking ginawa sa ilalim ng araw.

182
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Kabuluhang PagsusumikapIlalim ng Araw, SaMarunong O Mangmang

At sinong nakakaalam kung siya'y magiging isang pantas o isang mangmang? gayon ma'y magpupuno siya sa lahat ng aking gawa, na aking ginawa, at sa aking pinagpakitaan ng karunungan sa ilalim ng araw. Ito man ay walang kabuluhan.