Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mangangaral 4

Mangangaral Rango:

19

Inihahalukipkip ng mangmang ang kaniyang mga kamay, at kumakain ng kaniyang sariling laman.

40
Mga Konsepto ng TaludtodKasiyahan, Kulang saKasaganahanKawalang KasiyahanPisikal na TrabahoPagiging Hindi KontentoWalang Kabuluhang PagsusumikapPagpapagod ng Walang KabuluhanPamilya at mga Kaibigan

May isa na nagiisa, at siya'y walang pangalawa; oo, siya'y walang anak o kapatid man; gayon ma'y walang wakas sa lahat niyang gawa, ni nasisiyahan man ang kaniyang mga mata sa mga kayamanan. Dahil kanino nga, sabi niya, nagpapagal ako, at binabawahan ko ang aking kaluluwa ng mabuti? Ito man ay walang kabuluhan, oo, mahirap na damdam.

44
Mga Konsepto ng TaludtodWalang Kabuluhang PagsusumikapIlalim ng Araw, Sa

Nang magkagayo'y bumalik ako at aking nakita ang walang kabuluhan sa ilalim ng araw.

53
Mga Konsepto ng TaludtodPaniniil, Halimbawa ngWalang kaaliwang BuhayKapaguran ng BuhayManiniilWalang KaaliwanIlalim ng Araw, SaPaniniilSobrang Pagtratrabaho

Nang magkagayo'y pumihit ako, at aking nakita ang lahat na kapighatian na nagawa sa ilalim ng araw: at, narito, ang mga luha ng mga yaon, na napipighati, at wala silang mangaaliw: at sa siping ng mga mamimighati sa kanila ay may kapangyarihan, nguni't wala silang mangaaliw.

62
Mga Konsepto ng TaludtodMatalik na mga KaibiganTrahedyaHindi Talagang NagiisaTulongPagtulongKahabaghabag

Sapagka't kung sila'y mabuwal, ibabangon ng isa ang kaniyang kasama; nguni't sa aba niya, na nagiisa pagka siya'y nabuwal, at walang iba na magbangon sa kaniya.

82
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang KabuluhanWalang Kabuluhang Pagsusumikap

Walang wakas sa lahat ng bayan, sa makatuwid baga'y sa lahat na pinaghaharian niya: gayon ma'y silang darating pagkatapos ay hindi mangagagalak sa kaniya.Tunay na ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

120
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapainitDalawang TaoHindi Talagang NagiisaLagay ng Panahon sa mga Huling ArawMagkabiyakPagsisinungalingMaligamgam

Muli, kung ang dalawa ay mahigang magkasama, may init nga sila: nguni't paanong makapagpapainit ang isa na nagiisa?

154
Mga Konsepto ng TaludtodMahirap na mga TaoHari at KapalaluanBilangguan

Sapagka't mula sa bilangguan ay lumabas siya upang maghari; oo, sa kaniyang kaharian nga ay ipinanganak siyang dukha.

160
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang KabuluhanWalang Kabuluhang PagsusumikapUdyokTagumpay at PagsusumikapPaligsahanMga NakamitNakamitMahirap na TrabahoNagpupunyagi

Nang magkagayo'y nakita ko ang lahat na gawa, at bawa't gawang mainam na dahil dito ay pinananaghilian ang tao ng kaniyang kapuwa. Ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.

171
Mga Konsepto ng TaludtodKapaguran ng BuhayHangarin na MamatayPagkamatayPagkawala ng Mahal sa Buhay

Kaya't aking pinuri ang patay na namatay na, ng higit kay sa may buhay na nabubuhay pa;

177
Mga Konsepto ng TaludtodIlalim ng Araw, Sa

Aking nakita ang lahat na may buhay, na nagsisilakad sa ilalim ng araw, na sila'y kasama ng bata, ng ikalawa, na tumatayo na kahalili niya.

186
Mga Konsepto ng TaludtodIlalim ng Araw, SaSanggol na Makalasanan nang Isilang

Oo, maigi kay sa kanila kapuwa ang hindi ipinanganganak, na hindi nakakita ng masamang gawa na nagawa sa ilalim ng araw.

217
Mga Konsepto ng TaludtodLubidMakapangyarihang PresensyaTirintasDalawang TaoTatlong IbayoPagkakabuhol

At kung ang isang tao ay manaig laban sa kaniya na nagiisa, ang dalawa ay makalalaban sa kaniya; at ang panaling tatlong ikid ay hindi napapatid na madali.