52 Talata sa Bibliya tungkol sa Tulong

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Gawa 26:22

Nang aking tamuhin nga ang tulong na mula sa Dios, ay nananatili ako hanggang sa araw na ito na nagpapatotoo sa maliliit at gayon din sa malalaki, na wala akong sinasabing anoman kundi ang sinabi ng mga propeta at ni Moises na mangyayari;

2 Paralipomeno 14:11

At si Asa ay dumaing sa Panginoon niyang Dios, at kaniyang sinabi, Panginoon, walang iba liban sa iyo na makatutulong, sa pagitan ng makapangyarihan at niya na walang lakas: tulungan mo kami, Oh Panginoon naming Dios: sapagka't kami ay nagsisitiwala sa iyo, at sa iyong pangalan ay kami nagsisiparito laban sa karamihang ito. Oh Panginoon, ikaw ay aming Dios; huwag mong panaigin ang tao laban sa iyo.

Awit 124:8

Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon, na siyang gumawa ng langit at lupa.

Isaias 41:10
Mga Konsepto ng TaludtodKatuwiranPagkabalisa at KalumbayanAko ay Kanilang Magiging DiyosHuwag Matakot sapagkat ang Diyos ay TutulongDiyos na Nagbibigay LakasPagkabalisa at TakotKatapangan at LakasTakot sa DiyosTakot at KabalisahanNababalisaPag-iingat ng DiyosTustosPagtulongNatatakotNagtitiwala sa Diyos at Hindi NababalisaPagkabalisaNagbibigay KaaliwanPagiging TakotKahirapanPagiging KristyanoPakikipaglabanPagiging Ganap na KristyanoPagiging Tiwala ang LoobMasamang PamumunoPagiging tulad ni CristoMasamang PananalitaPagsagipDiyos, Katuwiran ngPagiging Lingkod ng DiyosAko ang PanginoonPagiingat mula sa DiyosKapayapaan sa Lumang Tipan, MakaDiyos naPagasa at LakasPag-aalinlangan, Pagtugon saDiyos na nasa IyoKanang Kamay ng DiyosPagiging MatulunginPagpapakamatay, Kaisipan ngDiyos na Saiyo ay TutulongKaaliwan kapag NagiisaPesimismoKaisipan, Sakit ngDiyos na Nagbibigay LakasKalakasan, EspirituwalPagiisaPawiin ang TakotMananakopPagiingatKatiyakan, Katangian ngKaisipan, Kalusugan ngPuso, SinaktangPaghihirap, Kalakasan ng Loob tuwing mayKamay ng DiyosPinagtaksilanNagpapanatiling ProbidensiyaMapagkakatiwalaanTiwala sa Diyos, Nagbubunga ng KatapanganPagiging Alam ang LahatKaaliwanKalakasan, Ang Diyos ang AtingTakotPagiging PinagpalaPagiisaKalakasan ng Loob sa BuhayTamang GulangDiyos na Sumasaiyo

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Awit 20:2

Saklolohan ka mula sa santuario, at palakasin ka mula sa Sion;

Awit 37:40

At sila'y tinutulungan ng Panginoon, at sinasagip sila: sinasagip niya sila sa masama, at inililigtas sila. Sapagka't sila'y nagsipagkanlong sa kaniya.

1 Samuel 7:12

Nang magkagayo'y kumuha si Samuel ng isang bato, at inilagay sa pagitan ng Mizpa at ng Sen, at tinawag ang pangalan niyaon na Ebenezer, na sinasabi, Hanggang dito'y tinulungan tayo ng Panginoon.

Awit 3:2

Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah)

Awit 94:17

Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong, ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan.

Kawikaan 3:28

Huwag mong sabihin sa iyong kapuwa, Yumaon ka, at bumalik uli, at bukas ay magbibigay ako; pagka ikaw ay mayroon.

Awit 44:26

Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan, at tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob.

Isaias 49:8

Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa kalugodlugod na panahon ay sinagot kita, at sa araw ng pagliligtas ay tinulungan kita: at aking iningatan ka, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, upang ibangon ang lupain, upang ipamana sa kanila ang mga sirang mana;

3 Juan 1:7

Sapagka't dahil sa Pangalan, ay nangagsiyaon sila na walang kinuhang anoman sa mga Gentil.

2 Mga Hari 4:2

At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Anong gagawin ko sa iyo? saysayin mo sa akin; anong mayroon ka sa bahay? At sinabi niya, Ang iyong lingkod ay walang anomang bagay sa bahay liban sa isang palyok na langis.

Awit 35:2

Humawak ka ng kalasag at ng longki, at tumayo ka na pinaka tulong sa akin.

Lucas 18:5

Gayon man, sapagka't nililigalig ako ng baong ito, ay igaganti ko siya, baka niya ako bagabagin ng kapaparito.

Marcos 7:11

Datapuwa't sinasabi ninyo, Kung sabihin ng isang tao sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay Corban, sa makatuwid baga'y, hain sa Dios;

Mangangaral 4:10

Sapagka't kung sila'y mabuwal, ibabangon ng isa ang kaniyang kasama; nguni't sa aba niya, na nagiisa pagka siya'y nabuwal, at walang iba na magbangon sa kaniya.

Mga Paksa sa Tulong

Mahimalang Tulong sa oras ng Ligalig

Daniel 6:27

Siya'y nagliligtas at nagpapalaya, at siya'y gumagawa ng mga tanda at mga kababalaghan sa langit at sa lupa, na siyang nagligtas kay Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon.

Misyonero, Tulong sa mga

Mateo 10:17-23

Datapuwa't mangagpakaingat kayo sa mga tao: sapagka't kayo'y ibibigay nila sa mga Sanedrin at kayo'y hahampasin sa kanilang mga sinagoga;

Tulong sa Kakulangan

1 Mga Hari 8:37

Kung magkaroon ng kagutom sa lupain, kung magkaroon ng salot, kung magkaroon ng pagkakatuyot, o amag, balang o tipaklong, kung kulungin sila ng kanilang kaaway sa lupain ng kanilang mga bayan; anomang salot, anomang sakit na magkaroon,

Umiiyak na Humihingi ng Tulong

Job 30:24

Gayon man ang isa ay di ba naguunat ng kamay sa kaniyang pagkahulog? O sa kaniyang kasakunaan kung kaya sisigaw ng tulong?

Walang Tulong

Genesis 2:20

At pinanganlan ng lalake ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawa't ganid sa parang; datapuwa't sa lalake ay walang nasumpungang maging katulong niya.

Walang Tulong mula sa Ibang mga Diyos

Mga Bilang 33:4

Samantalang inililibing ng mga taga Egipto ang lahat ng kanilang panganay, na nilipol ng Panginoon sa gitna nila: na pati ng kanilang mga dios ay hinatulan ng Panginoon.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a