Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Bilang 1

Mga Bilang Rango:

1
Mga Konsepto ng TaludtodMoises, Buhay niSenso

Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, ayon sa mga angkan nila, ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, bawa't lalake ayon sa dami ng mga ulo nila;

6

Sa mga anak ni Jose: sa lipi ni Ephraim; si Elisama na anak ni Ammiud: sa lipi ni Manases; si Gamaliel na anak ni Pedasur.

7
Mga Konsepto ng TaludtodMilitar, Paglilingkod saAaron, mga Pangyayari sa kanyang BuhayHati-hati

Mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa Israel sa pakikibaka, na bibilangin ninyo at ni Aaron sila ayon sa kanilang mga hukbo.

8

Sa lipi ni Simeon; si Selumiel na anak ni Zurisaddai.

11

At ito ang mga pangalan ng mga lalake na sasama sa inyo. Sa lipi ni Ruben: si Elisur na anak ni Sedeur.

13
Mga Konsepto ng TaludtodBayan ng Juda

Sa lipi ni Juda; si Naason na anak ni Aminadab.

16

Sa lipi ni Issachar; si Nathanael na anak ni Suar.

22

Sa lipi ni Benjamin; si Abidan na anak ni Gedeon.

24

Sa lipi ni Dan; si Ahiezer na anak ni Ammisaddai.

27

At dinala ni Moises at ni Aaron ang mga lalaking ito na nasaysay sa pamamagitan ng kanikaniyang pangalan:

29
Mga Konsepto ng TaludtodKongregasyonPagtitipon ng IsraelBuwan, IkalawangPamilya, Unahin ang

At kanilang pinisan ang buong kapisanan nang unang araw ng ikalawang buwan; at kanilang sinaysay ang kanikaniyang kanunuan ayon sa kanikanilang angkan, sangayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ayon sa dami ng mga ulo nila.

30

Sa lipi ni Gad; si Eliasaph na anak ni Deuel.

32
Mga Konsepto ng TaludtodLalake, Mga

Ito ang mga tinawag sa kapisanan, na mga prinsipe sa mga lipi ng kanikanilang mga magulang; sila ang mga pangulo ng libolibong taga Israel.

35

Sa lipi ni Aser; si Phegiel na anak ni Ocran.

36

Sa lipi ni Nephtali; si Ahira na anak ni Enan.

39

Sa mga anak ni Gad, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka,

42
Mga Konsepto ng TaludtodApatnapung Libo at Higit pa

Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Gad, ay apat na pu't limang libo at anim na raan at limang pu.

44
Mga Konsepto ng TaludtodApatnapung Libo at Higit pa

Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Ruben, ay apat na pu't anim na libo at limang daan.

45

Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon niya binilang sa ilang ng Sinai.

47

Sa mga anak ni Simeon, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng mga pangalan, sangayon sa dami ng mga ulo nila, bawa't lalaking mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

52

Sa mga anak ni Juda, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

60
Mga Konsepto ng TaludtodLimangpu hanggang Siyamnapung Libo

Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Simeon, ay limang pu't siyam na libo at tatlong daan.

66

Sa mga anak ni Issachar, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

75

Sa mga anak ni Zabulon, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

79
Mga Konsepto ng TaludtodLimangpu hanggang Siyamnapung Libo

Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Zabulon, ay limang pu't pitong libo at apat na raan.

89
Mga Konsepto ng TaludtodLimangpu hanggang Siyamnapung Libo

Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Juda, ay pitong pu't apat na libo at anim na raan.

90
Mga Konsepto ng TaludtodLimangpu hanggang Siyamnapung Libo

Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Issachar, ay limang pu't apat na libo at apat na raan.

143

Sa mga anak ni Dan, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

156
Mga Konsepto ng TaludtodLimangpu hanggang Siyamnapung Libo

Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Dan, ay anim na pu't dalawang libo at pitong daan.

240

Sa mga anak ni Manases, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

244
Mga Konsepto ng TaludtodPanganay na Anak na Lalake

At ang mga anak ni Ruben, na panganay ni Israel, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, sangayon sa dami ng kanilang mga ulo, bawa't lalake mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

263

Sa mga anak ni Aser, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

298
Mga Konsepto ng TaludtodPangangalagaAntasTolda, MgaDala-dalang mga Banal na BagayPagkakampo sa Panahon ng ExodoAng Tabernakulo

Kundi ipamamahala mo sa mga Levita ang tabernakulo ng patotoo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang lahat ng nauukol doon; kanilang dadalhin ang tabernakulo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon; at kanilang pangangasiwaan at sila'y hahantong sa palibot ng tabernakulo.

321

Sa mga anak ni Benjamin, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

348
Mga Konsepto ng TaludtodTatlumpung Libo at Higit Pa

Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Manases, ay tatlong pu't dalawang libo at dalawang daan.

351
Mga Konsepto ng TaludtodApatnapung Libo at Higit pa

Ay nangabilang sa kanila sa lipi ni Ephraim, ay apat na pung libo at limang daan.

362

Sa mga anak ni Jose, sa mga anak ni Ephraim, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

399

Gayon ginawa ng mga anak ni Israel; ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon nila ginawa.

405
Mga Konsepto ng TaludtodTolda ng PagpupulongTolda, MgaBuwan, Ikalawang

At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises sa ilang ng Sinai sa tabernakulo ng kapisanan, nang unang araw ng ikalawang buwan, sa ikalawang taon pagkatapos na makaalis sila sa lupain ng Egipto, na sinasabi,

426
Mga Konsepto ng TaludtodTatlo hanggang Siyamraang Libo

Lahat ng nangabilang ay anim na raan at tatlong libo at limang daan at limang pu.

433
Mga Konsepto ng TaludtodTatlumpung Libo at Higit Pa

Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Benjamin, ay tatlong pu't limang libo at apat na raan.

444
Mga Konsepto ng TaludtodDaan sa Diyos sa Lumang TipanDayuhanPagbubukodPagsasagawa ng TabernakuloKamatayan na Dahil sa Presensya ng DiyosPanganib kapag Malapit ang DiyosKamatayan, Dumarating naPaglipat sa Bagong Lugar

At pagka ililipat ang tabernakulo ay pagtatanggaltanggalin ng mga Levita: at pagka itatayo ang tabernakulo ay paguugnay-ugnayin ng mga Levita: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.

478

At magsasama kayo ng isang lalake ng bawa't lipi; na bawa't isa'y pangulo sa sangbahayan ng kaniyang mga magulang.

488

Sapagka't sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

494
Mga Konsepto ng TaludtodBinibilang na mga Levita

Datapuwa't ang mga Levita ayon sa lipi ng kanilang mga magulang ay hindi ibinilang sa kanila.

503
Mga Konsepto ng TaludtodLimangpu hanggang Siyamnapung Libo

Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Nephtali, ay limang pu't tatlong libo at apat na raan.

506
Mga Konsepto ng TaludtodBinibilang na mga Levita

Ang lipi lamang ni Levi ang hindi mo bibilangin, ni di mo ilalahok ang bilang nila sa mga anak ni Israel:

512
Mga Konsepto ng TaludtodMilitar, Paglilingkod saKalagitnaan ng EdadSandatahang-Lakas

Kaya't lahat ng nangabilang sa mga anak ni Israel, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng sa Israel ay makalalabas sa pakikibaka:

519

Sa lipi ni Zabulon; si Eliab na anak ni Helon.

529

Sa mga anak ni Nephtali, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

533
Mga Konsepto ng TaludtodApatnapung Libo at Higit pa

Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Aser, ay apat na pu't isang libo at limang daan.

562
Mga Konsepto ng TaludtodWatawat, Literal na Gamit ngKampo ng IsraelWatawatPagkakampo sa Panahon ng Exodo

At ang mga anak ni Israel ay magtatayo ng kanilang mga tolda, na bawa't lalake ay sa kaniyang sariling kampamento at bawa't lalake ay sa siping ng kaniyang sariling watawat ayon sa kanilang mga hukbo.

613
Mga Konsepto ng TaludtodLabing Dalawang Nilalang

Ito ang nangabilang na binilang ni Moises at ni Aaron at ng labing dalawang lalake, na mga pangulo sa Israel: na bawa't isa sa kanila'y sa sangbahayan ng kanikaniyang mga magulang.

701
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakampo sa Panahon ng ExodoGumawa upang Di Magalit ang Diyos

Datapuwa't ang mga Levita ay magsisitayo sa palibot ng tabernakulo ng patotoo, upang huwag magtaglay ng galit sa kapisanan ng mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay mamahala ng tabernakulo ng patotoo.