Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Gawa 25

Mga Gawa Rango:

276
Mga Konsepto ng TaludtodPagiimbestigaHindi Nagsusulat

Tungkol sa kaniya'y wala akong alam na tiyak na bagay na maisusulat sa aking panginoon. Kaya dinala ko siya sa harapan ninyo, at lalong-lalo na sa harapan mo, haring Agripa, upang, pagkatapos ng pagsisiyasat, ay magkaroon ng sukat na maisulat.

527
Mga Konsepto ng TaludtodMga Tao na Inakusahan ang mga Tao

Sapagka't inaakala kong di katuwiran, na sa pagpapadala ng isang bilanggo, ay hindi magpahiwatig naman ng mga sakdal laban sa kaniya.

592

Nang makapasok na nga si Festo sa lalawigan, pagkaraan ng tatlong araw ay umahon sa Jerusalem mula sa Cesarea.

748
Mga Konsepto ng TaludtodIpinahayag na Pagbati

Nang makaraan nga ang ilang mga araw, si Agripa na hari at si Bernice ay nangagsidating sa Cesarea, at nagsibati kay Festo.

758
Mga Konsepto ng TaludtodSibil na KapamahalaanParusang KamatayanGobyernoIbinigay ang Sarili sa KamatayanWalang Takas

Kung ako nga'y isang makasalanan, at nakagawa ng anomang bagay na marapat sa kamatayan, ay hindi ako tumatangging mamatay; datapuwa't kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal ng mga ito laban sa akin, ay hindi ako maibibigay ninoman sa kanila. Maghahabol ako kay Cesar.

830
Mga Konsepto ng TaludtodRomano, MamamayangNakatayoKorte, Pagpupulong saIsrael, Pinatigas angKahatulan, Luklukan ng

Datapuwa't sinabi ni Pablo, Nakatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar, na doon ako dapat hatulan: wala akong ginawang anomang kasamaan sa mga Judio, gaya rin naman ng pagkatalastas mong mabuti.

873
Mga Konsepto ng TaludtodKahatulan, Luklukan ngOpisyalesAntasPagpapahayagBulwagan, Mga

Kaya't nang kinabukasan, nang dumating si Agripa, at si Bernice, na may malaking karilagan, at nang mangakapasok na sila sa hukuman na kasama ang mga pangulong kapitan at ang mga maginoo sa bayan, sa utos ni Festo ay ipinasok si Pablo.

880
Mga Konsepto ng TaludtodKatarungan sa Buhay ng MananampalatayaMaayos na UlatPagsamo, InosentengSinasapuso ang Kautusan

Samantalang sinasabi ni Pablo sa kaniyang pagsasanggalang, Laban man sa kautusan ng mga Judio, ni laban sa templo, ni laban kay Cesar, ay hindi ako nagkakasala ng anoman.

908
Mga Konsepto ng TaludtodKinaugalianKaugnayan sa TaoTao, Nagtatanggol na

Sa kanila'y aking isinagot, na hindi kaugalian ng mga taga Roma na ibigay ang sinomang tao, hanggang hindi nahaharap ang isinasakdal sa mga nagsisipagsakdal, at siya'y magkaroon ng pagkakataong makagawa ng kaniyang pagsasanggalang tungkol sa sakdal laban sa kaniya.

925
Mga Konsepto ng TaludtodCristo, Buhay niAng Katotohanan ng Kamatayan ni CristoKaugnayan

Kundi may ilang mga suliranin laban sa kaniya tungkol sa kanilang sariling relihion, at sa isang Jesus, na namatay, na pinatutunayan ni Pablo na ito'y buhay.

930
Mga Konsepto ng TaludtodMga Utos sa Bagong TipanAng Sumunod na ArawWalong ArawKahatulan, Luklukan ng

At nang siya'y makatira na sa kanila na hihigit sa walo o sangpung araw, ay lumusong siya sa Cesarea: at nang kinabukasa'y lumuklok siya sa hukuman, at ipinaharap sa kaniya si Pablo.

934
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Pagbibigay Lugod sa mgaKatanyaganPagbibigay Lugod sa TaoKatanyagan, Paghahanap ng

Datapuwa't si Festo, sa pagkaibig na siya'y kalugdan ng mga Judio, ay sumagot kay Pablo, at nagsabi, Ibig mo bagang umahon sa Jerusalem, at doon ka hatulan sa mga bagay na ito sa harapan ko?

941
Mga Konsepto ng TaludtodPunong SaserdoteBulaang Paratang, Halimbawa ngMga Tao na Inakusahan ang mga Tao

At ang mga pangulong saserdote at ang mga maginoo sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa kaniya laban kay Pablo; at siya'y kanilang pinamanhikan,

955
Mga Konsepto ng TaludtodKamatayan bilang KaparusahanIsrael, Pinatigas ang

At sinabi ni Festo, Haring Agripa, at lahat ng mga lalaking nangariritong kasama namin, nakikita ninyo ang taong ito, na tungkol sa kaniya'y nagsasakdal sa akin sa Jerusalem at dito naman ang buong karamihan ng mga Judio, na nangagsisigawang hindi marapat na siya'y mabuhay pa.

960
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipagusap

Nang magkagayon si Festo, nang makapagpanayam na sa Sanedrin, ay sumagot, Naghabol ka kay Cesar; kay Cesar ka paparoon.

962
Mga Konsepto ng TaludtodPaghingiMasugid sa mga TaoEspirituwal na Digmaan, Sanhi ngTambanganTinatangkang Patayin ang Ganitong mga Tao

Na humihingi ng lingap laban sa kaniya, na siya'y ipahatid sa Jerusalem; na binabakayan upang siya'y mapatay sa daan.

968
Mga Konsepto ng TaludtodKahatulan, Luklukan ng

Nang sila nga'y mangagkatipon dito, ay hindi ako nagpaliban, kundi nang sumunod na araw ay lumuklok ako sa hukuman, at ipinaharap ko ang tao.

978
Mga Konsepto ng TaludtodCaesarRomano, Emperador ng mgaMga Taong Kasama sa Kahatulan

Datapuwa't nang makapaghabol na si Pablo na siya'y ingatan upang hatulan ng emperador, ay ipinagutos kong ingatan siya hanggang sa siya'y maipadala ko kay Cesar.

979

At nang sila'y magsitira roong maraming araw, ay isinaysay ni Festo sa hari ang usapin ni Pablo, na sinasabi, May isang taong bilanggo na iniwan ni Felix:

980
Mga Konsepto ng TaludtodMga Tao na Inakusahan ang mga TaoAnong Kasalanan?

Kaya nga, sinabi niya, ang mga may kapangyarihan sa inyo ay magsisamang lumusong sa akin, at kung may anomang pagkakasala ang taong ito, ay isakdal siya nila.

982
Mga Konsepto ng TaludtodKrimenPatunay, MgaMga Tao na Inakusahan ang mga Tao

At nang siya'y dumating, ay niligid siya ng mga Judio na nagsilusong na galing sa Jerusalem, na may dalang marami at mabibigat na sakdal laban sa kaniya, na pawang hindi nila mapatunayan;

987
Mga Konsepto ng TaludtodMatatanda bilang Pinuno sa KomunidadMga Tao na Inakusahan ang mga Tao

Tungkol sa kaniya nang ako'y nasa Jerusalem, ang mga pangulong saserdote at ang mga matanda sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa akin, na hinihinging ako'y humatol laban sa kaniya.

992
Mga Konsepto ng TaludtodPagkatuliroKorte, Pagpupulong sa

At ako, palibhasa'y naguguluhan tungkol sa kung paano kayang mapagsisiyasat ang mga bagay na ito, ay itinanong ko kung ibig niyang pumaroon sa Jerusalem at doon siya hatulan tungkol sa mga bagay na ito.

993
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Kanyang Kilos sa Kinabukasan

At sinabi ni Agripa kay Festo, Ibig ko rin sanang mapakinggan ang tao. Bukas, sinasabi niya, siya'y mapapakinggan mo.

996

Gayon ma'y sumagot si Festo, na si Pablo ay tinatanuran sa Cesarea, at siya'y paroroon sa lalong madaling panahon.

1003
Mga Konsepto ng TaludtodMga Tao na Inakusahan ang mga Tao

Tungkol sa kaniya, nang magsitindig ang mga nagsisipagsakdal, ay walang anomang sakdal na masamang bagay na maiharap sila na gaya ng aking sinapantaha;

1004
Mga Konsepto ng TaludtodEmperyoNararapat ng Kamatayan

Datapuwa't aking nasumpungang siya'y walang anomang ginawang marapat sa kamatayan: at sapagka't siya rin ay naghabol sa emperador ay ipinasiya kong siya'y ipadala.