Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Hukom 12

Mga Hukom Rango:

68

At pagkamatay niya, si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ang naghukom sa Israel.

105
Mga Konsepto ng TaludtodLikodTatlumpuWalo o Siyam na TaonApatnapung TaonPitumpuNapakaraming Asno

At siya'y nagkaroon ng apat na pung anak at tatlong pung apo na sumasakay sa pitong pung asno: at siya'y naghukom sa Israel na walong taon.

148

At si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ay namatay, at inilibing sa Piraton sa lupain ng Ephraim, sa lupaing maburol ng mga Amalecita.

178
Mga Konsepto ng TaludtodPanununogGumagawang MagisaPagsunog sa mga Tao

At ang mga lalake ng Ephraim ay nagpipisan at nagdaan sa dakong hilagaan: at sinabi nila kay Jephte, Bakit ka nagpatuloy na lumaban sa mga anak ni Ammon, at hindi mo kami tinawag upang yumaong kasama mo? susunugin ka namin pati ng iyong bahay.

194
Mga Konsepto ng TaludtodApatnapung Libo at Higit paTumawid na IlogPagpatay sa Loob ng IsraelMga Tulay

Ay sinabi nga nila sa kaniya, Sabihin mong Shiboleth; at sinasabi niya, Shiboleth; sapagka't hindi matumpakang sabihing matuwid; kung magkagayo'y kanilang hinuhuli, at pinapatay sa mga tawiran ng Jordan: at nahulog nang panahong yaon sa Ephraim ay apat na pu't dalawang libo.

202
Mga Konsepto ng TaludtodTumawid na Ilog

At sinakop ng mga Galaadita ang mga tawiran sa Jordan sa dako ng mga Ephraimita. At nangyari, na pagkasinabi ng mga tanan sa Ephraim na, Paraanin mo ako, ay sinasabi ng mga lalake ng Galaad sa kaniya, Ikaw ba'y Ephraimita? Kung kaniyang sabihin, Hindi;

214
Mga Konsepto ng TaludtodIsrael, Tumatakas angPakikipaglaban sa Isa't IsaRuben Gad at Kalahating Manases

Nang magkagayo'y pinisan ni Jephte ang mga lalake sa Galaad, at nakipaglaban sa Ephraim; at sinaktan ng mga lalake ng Galaad ang Ephraim, sapagka't kanilang sinabi, Kayo'y mga tanan sa Ephraim, kayong mga Galaadita, sa gitna ng Ephraim, at sa gitna ng Manases.

226
Mga Konsepto ng TaludtodHumahatol sa Israel

At pagkamatay niya, si Ibzan na taga Bethlehem ang naghukom sa Israel.

238

At si Elon na Zabulonita ay namatay, at inilibing sa Ajalon sa lupain ng Zabulon.

247
Mga Konsepto ng TaludtodSampu hanggang Labing Apat na TaonHumahatol sa Israel

At pagkamatay niya, si Elon na Zabulonita ang naghukom sa Israel; at naghukom siya sa Israel na sangpung taon.

249
Mga Konsepto ng TaludtodAnim na TaonHumahatol sa Israel

At naghukom si Jephte sa Israel na anim na taon. Nang magkagayo'y namatay si Jephte na Galaadita, at inilibing sa isang bayan ng Galaad.

259
Mga Konsepto ng TaludtodYaong Hindi Ligtas

At sinabi ni Jephte sa kanila, Ako at ang aking bayan ay totoong nakipaglaban sa mga anak ni Ammon; at nang tawagan ko kayo ay hindi ninyo ako iniligtas sa kanilang kamay.

279
Mga Konsepto ng TaludtodIbinigay sa KamayYaong Hindi LigtasPanganib, Nilalagay saPanganib

At nang makita ko na ako'y hindi ninyo iniligtas ay aking inilagak ang aking buhay sa aking kamay, at ako'y nagdaan laban sa mga anak ni Ammon, at sila'y ibinigay ng Panginoon sa aking kamay: bakit nga inahon ninyo ako sa araw na ito, upang makipaglaban sa akin?

300
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaTriboTatlumpuPitong TaonKumuha ng Asawa

At siya'y nagkaanak ng tatlong pung lalake, at ang tatlong pung anak na babae ay kaniyang ipinadala sa ibang bayan, at tatlong pung anak na babae ay kaniyang ipinasok mula sa ibang bayan para sa kaniyang mga anak na lalake. At naghukom siya sa Israel na pitong taon.

312

At si Ibzan ay namatay, at inilibing sa Bethlehem.