Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Hukom 13

Mga Hukom Rango:

25
Mga Konsepto ng TaludtodKambing, MgaMagiliw na Pagtanggap, Halimbawa ngMagiliw na PagtanggapManlalakbay

At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon, Isinasamo ko sa iyo na ikaw ay aming mapigil, upang maipagluto ka namin ng isang anak ng kambing.

59
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapakita ng Diyos

Nguni't hindi na napakita ang anghel ng Panginoon kay Manoa o sa kaniyang asawa. Nang magkagayo'y naalaman ni Manoa na siya'y anghel ng Panginoon.

71
Mga Konsepto ng TaludtodPagsangguni sa DiyosAno ba ang Pangalan ng Diyos?

At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon, Ano ang iyong pangalan, upang pangyayari ng iyong mga salita ay mabigyan ka namin ng karangalan?

76
Mga Konsepto ng TaludtodKambing, MgaPagkamangha sa mga Gawa ng DiyosAlay sa Lumang TipanAltar, Mga GinawangPagsasagawa ng Butil na Handog sa Diyos

Sa gayo'y kumuha si Manoa ng isang anak ng kambing pati ng handog na harina, at inihandog sa Panginoon sa ibabaw ng bato: at gumawa ng kamanghamangha ang anghel, at minasdan ni Manoa at ng kaniyang asawa.

90
Mga Konsepto ng TaludtodWalang TalinoAno ba ang Pangalan ng Diyos?

At sinabi ng anghel ng Panginoon sa kaniya, Bakit mo itinatanong ang aking pangalan, dangang kagilagilalas?

116
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatirapaNilalang na PumapaitaasIbang Nilalang na Umaakyat

Sapagka't nangyari, nang umilanglang sa langit ang alab mula sa dambana, na ang anghel ng Panginoon ay napailanglang sa alab ng dambana: at minasdan ni Manoa at ng kaniyang asawa; at sila'y nangapasubasob sa lupa.

142
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Pahayag ngKamatayan na Dahil sa Presensya ng DiyosYaong mga Nakakita sa Diyos

At sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa, Walang pagsalang tayo'y mamamatay, sapagka't ating nakita ang Dios.

154
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na PumapatayPagsasagawa ng Butil na Handog sa DiyosMga Bagay ng Diyos, Nahahayag naDiyos na Pumapatay sa isang Tao

Nguni't sinabi ng asawa niya sa kaniya, Kung nalulugod ang Panginoon na patayin tayo, hindi sana niya tinanggap ang handog na sinunog at ang handog na harina sa ating kamay, ni ipinakita man sa atin ang lahat ng mga bagay na ito ni nasaysay man sa panahong ito, ang mga bagay na gaya nito.

162
Mga Konsepto ng TaludtodKinasihan ng Espiritu Santo, Paraan naIlagay sa Isang Lugar

At pinasimulang kinilos siya ng Espiritu ng Panginoon sa Mahanedan, sa pagitan ng Sora at Esthaol.

175
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging Hustong GulangMga Bata, Mabuting Halimbawa ngPaglakiPinagpala ng DiyosSanggol bilang PagpapalaPagpapalakas

At nanganak ang babae ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang pangalan na Samson. At ang bata'y lumaki, at pinagpala ng Panginoon.

271

At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa, Bagaman ako'y iyong pigilin, hindi ako kakain ng iyong pagkain: at kung ikaw ay maghahanda ng handog na susunugin, ay iyong nararapat ihandog sa Panginoon. Sapagka't hindi naalaman ni Manoa na siya'y anghel ng Panginoon.

363
Mga Konsepto ng TaludtodBaog, Halimbawa ng PagigingPagpapakita ng Diyos sa Lumang TipanMga Bata, Tungkulin sa Magulang

At may isang lalake sa Sora sa angkan ng mga Danita, na ang pangala'y Manoa; at ang kaniyang asawa ay baog, at hindi nagkaanak.

374
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakalbo, Hindi Likas naPagkakalboBuhok, MgaUlo, MgaTagapagligtas, MgaKonseptoNakatalaga sa DiyosMula sa Sinapupunan

Sapagka't, narito, ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake; at walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo: sapagka't ang bata ay magiging Nazareo sa Dios, mula sa tiyan: at kaniyang pasisimulang iligtas ang Israel sa kamay ng mga Filisteo.

394
Mga Konsepto ng TaludtodLupain bilang Kaloob ng Diyos40 hanggang 50 mga taonDiyos, Bibiguin sila ngPagkakasala ng Bayan ng Diyos

At ang mga anak ni Israel ay gumawa uli ng kasamaan sa paningin ng Panginoon; at ibinigay ng Panginoon sila na apat na pung taon sa kamay ng mga Filisteo.

398
Mga Konsepto ng TaludtodAnghel ng PanginoonPakikipag-ugnayanMga Kapanganakan na dulot ng HulaBaog

At napakita ang anghel ng Panginoon sa babae, at nagsabi sa kaniya, Narito ngayon, ikaw ay baog at hindi ka nagkakaanak: nguni't ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake.

400
Mga Konsepto ng TaludtodMalakas na InuminPandurungis, Ipinagbabawal angHindi Umiinom ng AlakAlkohol, Mga Inuming may

Siya'y hindi makakakain ng anomang bagay na nanggagaling sa ubasan, ni uminom man lamang ng alak ni ng inuming nakalalasing, ni kumain man ng anomang maruming bagay; lahat ng iniutos ko sa kaniya ay sundin niya.

418
Mga Konsepto ng TaludtodAnghel ng Panginoon, AngHindi Humihiling sa IbaSaan Mula?Ano ba ang Pangalan ng Diyos?Tao ng Diyos

Nang magkagayo'y ang babae'y yumaon at isinaysay sa kaniyang asawa, na sinasabi, Isang lalake ng Dios ay naparito sa akin, at ang kaniyang anyo ay gaya ng anyo ng anghel ng Dios, na kakilakilabot: at hindi ko natanong siya kung siya'y taga saan, ni kaya'y sinaysay niya sa akin ang kaniyang pangalan:

421
Mga Konsepto ng TaludtodPangingilin bilang DisiplinaPangingilinAlkoholMalakas na InuminPandurungis, Ipinagbabawal angHindi Umiinom ng AlakAlkohol, Mga Inuming mayAlkoholikBeerAlkoholismo

Ngayon nga'y magingat ka, isinasamo ko sa iyo, at huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay:

443
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na NagtuturoTao ng DiyosPinangalanang mga Tao na NanalanginPagpapalaki ng mga Bata

Nang magkagayo'y nanalangin si Manoa sa Panginoon, at sinabi niya, Isinasamo ko sa iyo, Oh Panginoon, na pabalikin mo uli ang lalake ng Dios na iyong sinugo sa amin, at ituro sa amin kung ano ang aming gagawin sa bata na ipanganganak.

448
Mga Konsepto ng TaludtodAlkohol, Paggamit ngMalakas na InuminPandurungis, Ipinagbabawal angMula sa SinapupunanHindi Umiinom ng AlakAlkohol, Mga Inuming mayPagkakaroon ng SanggolBeerAlkoholismo

Nguni't sinabi niya sa akin, Narito, ikaw ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake; at ngayo'y huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing man, at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay: sapagka't ang bata'y magiging Nazareo sa Dios mula sa tiyan hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.

486
Mga Konsepto ng TaludtodSiya nga ba?

At bumangon si Manoa, at sumunod sa kaniyang asawa, at naparoon sa lalake, at sinabi sa kaniya, Ikaw ba ang lalake na nagsalita sa babaing ito? At kaniyang sinabi, Ako nga.

491
Mga Konsepto ng TaludtodGumagawang Magisa

At dininig ng Dios ang tinig ni Manoa; at nagbalik ang anghel ng Dios sa babae habang siya'y nakaupo sa bukid: nguni't si Manoa na kaniyang asawa ay hindi niya kasama.

502
Mga Konsepto ng TaludtodMakinig sa Diyos!

At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa, Sa lahat ng aking sinabi sa babae ay magingat siya.

503
Mga Konsepto ng TaludtodMabuting Maybahay, Halimbawa ngTumatakbo ng may Balita

At nagmadali ang babae, at tumakbo, at isinaysay sa kaniyang asawa, at sinabi sa kaniya, Narito, ang lalake ay napakita sa akin, yaong naparito sa akin ng ibang araw.

518
Mga Konsepto ng TaludtodPanawagang Gawain

At sinabi ni Manoa, Mano nawa'y mangyari ang iyong mga salita: ano ang ipagpapagawa sa bata, at paanong aming gagawin sa kaniya?