Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Hukom 21

Mga Hukom Rango:

240
Mga Konsepto ng TaludtodReklamo

At mangyayari, na pagka ang kanilang mga magulang o ang kanilang mga kapatid ay naparito upang kami ay usapin, ay aming sasabihin sa kanila, Ipagkaloob na ninyo sila sa amin: sapagka't hindi namin kinuha na asawa sa bawa't isa sa kanila sa pagkikipagbaka: o ibinigay man ninyo sila sa kanila, sa ibang paraan kayo'y magkakasala.

319
Mga Konsepto ng TaludtodKapangyarihan ng Pamahalaan ng TaoPagkahari, PantaongMakasariliKawalan ng PamahalaanWalang Hari

Nang mga araw na yao'y walang hari sa Israel: ginagawa ng bawa't isa ang matuwid sa kaniyang sariling mga mata.

336
Mga Konsepto ng TaludtodGrupong Papauwi ng Bahay

At ginawang gayon ng mga anak ni Benjamin, at kinuha nila silang asawa ayon sa kanilang bilang, sa mga sumasayaw, na kanilang dinala: at sila'y yumaon at nagbalik sa kanilang mana, at itinayo ang mga bayan, at tinahanan nila.

408
Mga Konsepto ng TaludtodKalsadaAltarBawat TaonPagdiriwang na Tinatangkilik

At kanilang sinabi, Narito, may isang kasayahan sa Panginoon sa taon-taon sa Silo, na nasa hilagaan ng Beth-el sa dakong silanganan ng lansangan na paahon sa Sichem mula sa Beth-el, at sa timugan ng Lebona.

416
Mga Konsepto ng TaludtodGrupong Papauwi ng Bahay

At yumaon ang mga anak ni Israel mula roon nang panahong yaon, bawa't lalake ay sa kaniyang lipi at sa kaniyang angkan, at yumaon mula roon ang bawa't lalake na umuwi sa kaniyang mana.

424
Mga Konsepto ng TaludtodAnak na Babae, MgaAsawang Babae para kay Benjamin, MgaMga Taong Tali ng Panata

Ang mga lalake nga ng Israel ay nagsisumpa sa Mizpa, na nagsasabi, Walang sinoman sa atin na magbibigay ng kaniyang anak na babae sa Benjamin upang maging asawa.

474
Mga Konsepto ng TaludtodAsawang Babae para kay Benjamin, Mga

At tingnan ninyo, at, narito, kung ang mga anak na babae sa Silo ay lumabas na sumayaw ng mga sayaw, lumabas nga kayo sa ubasan, at kumuha ang bawa't lalake sa inyo, ng kaniyang asawa sa mga anak sa Silo; at yumaon kayo sa lupain ng Benjamin.

476
Mga Konsepto ng TaludtodLabing Isa hanggang Labing Siyam na Libo

At nagsugo ang kapisanan ng labing dalawang libong lalaking napaka matapang, at iniutos sa kanila, na sinasabi, Kayo'y yumaon sugatan ninyo ng talim ng tabak ang nagsisitahan sa Jabes-galaad pati ang mga babae at mga bata.

481
Mga Konsepto ng TaludtodAltarNauupoTinig, MgaPagtangisGumawa hanggang Gabi

At ang bayan ay naparoon sa Beth-el at umupo roon hanggang sa kinahapunan sa harap ng Dios, at inilakas ang kanilang mga tinig, at tumangis na mainam.

494
Mga Konsepto ng TaludtodAsawang Babae para kay Benjamin, Mga

Paano ang ating gagawing paghanap ng mga asawa sa kanila na nangaiwan, yamang tayo'y nagsisumpa sa Panginoon na hindi natin ibibigay sa kanila ang ating mga anak na babae upang maging asawa?

498
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Tali ng Panata

At sinabi ng mga anak ni Israel, Sino yaong hindi umahon sa lahat ng mga lipi ng Israel, sa kapulungan sa Panginoon? Sapagka't sila'y gumawa ng dakilang sumpa laban doon sa hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa, na sinasabi, Walang pagsalang siya'y papatayin.

520

At kanilang sinabi, Sino sa mga lipi ng Israel ang hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa? At, narito, walang naparoon sa kampamento sa Jabes-galaad sa kapulungan.

523

At ito ang bagay na inyong gagawin: inyong lubos na lilipulin ang bawa't lalake, at bawa't babae na sinipingan ng lalake.

535
Mga Konsepto ng TaludtodSenso

Sapagka't nang bilangin ang bayan, narito, wala sa nagsisitahan sa Jabes-galaad doon.

537

At nagsugo ang buong kapisanan at nagsalita sa mga anak ni Benjamin na nangasa bato ng Rimmon, at inihayag ang kapayapaan sa kanila.

542
Mga Konsepto ng TaludtodPagtatago mula sa mga Tao

At kanilang iniutos sa mga anak ni Benjamin, na sinasabi, kayo'y yumaon at bumakay sa mga ubasan;

554
Mga Konsepto ng TaludtodApat hanggang Limang DaanApat at Limang Daan

At kanilang nasumpungan sa nagsisitahan sa Jabes-galaad ay apat na raang dalaga, na hindi nakakilala ng lalake sa pagsiping sa kaniya: at kanilang dinala sa kampamento sa Silo, na nasa lupain ng Canaan.

559
Mga Konsepto ng TaludtodSinusumpa ang Di-Matuwid

Gayon man ay hindi natin maibibigay na asawa sa kanila ang ating mga anak na babae: sapagka't ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa, na nangagsasabi, Sumpain yaong magbigay ng asawa sa Benjamin.

567
Mga Konsepto ng TaludtodMatatanda bilang Pinuno sa KomunidadAsawang Babae para kay Benjamin, Mga

Nang magkagayo'y sinabi ng mga matanda ng kapisanan, Paanong ating gagawin na paghanap ng asawa doon sa nangatitira, yamang ang mga babae ay nalipol sa Benjamin?

576
Mga Konsepto ng TaludtodHindi MaligayaPangungulilaWalang Sinuman na Natagpuan

At nangagsisi ang mga anak ni Israel dahil sa Benjamin na kanilang kapatid, at sinabi, May isang angkan na nahiwalay sa Israel sa araw na ito.

582
Mga Konsepto ng TaludtodAltar, Mga GinawangPagtatatag ng AltarYaong mga Bumangon ng Umaga

At nangyari nang kinabukasan, na ang bayan ay bumangong maaga, at nagtayo roon ng dambana, at naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan.

594
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabawas na Mula sa mga TaoPangungulilaWalang Sinuman na NatagpuanBakit ito Nangyayari?

At kanilang sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, bakit nangyari ito sa Israel, na mababawas ngayon ang isang lipi sa Israel?

596
Mga Konsepto ng TaludtodKakapusan Maliban sa Pagkain

At bumalik ang Benjamin nang panahong yaon; at ibinigay nila sa kanila ang mga babaing kanilang iniligtas na buhay sa mga babae sa Jabes-galaad: at gayon ma'y hindi sapat sa kanila.

598
Mga Konsepto ng TaludtodNanghihinayang

At ang bayan ay nagsisi dahil sa Benjamin, sapagka't ginawan ng kasiraan ng Panginoon ang mga lipi ng Israel.

605
Mga Konsepto ng TaludtodTagapagmanaMana, Materyal naNakaligtas sa Israel, Mga

At kanilang sinabi, Nararapat magkaroon ng mana yaong nangakatakas sa Benjamin, upang ang isang lipi ay huwag mapawi sa Israel.