Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Mga Hukom 20

Mga Hukom Rango:

27
Mga Konsepto ng TaludtodDalawangpung Libo at Higit PaPagpatay sa Loob ng IsraelPagkatalo ng Bayan ng Diyos

At lumabas ang mga anak ni Benjamin sa Gabaa at ibinuwal sa lupa sa mga Israelita sa araw na yaon ay dalawang pu't dalawang libong lalake.

103
Mga Konsepto ng TaludtodPag-aalinlangan, Pagtugon saPinalalakas ang Loob ng NagaanlinlanganPagsasagawa ng Paulit-ulitPampatibay

At ang bayan, ang mga lalake ng Israel, ay nagpakatapang, at humanay uli sa pakikibaka sa dakong kanilang hinanayan nang unang araw.

150
Mga Konsepto ng TaludtodPagaayuno, Katangian ngAsetisismo, Uri ngPanalangin, Praktikalidad saAlay sa Lumang TipanHindi MaligayaPagtangisKaban ng Tipan, Pangyayari tungkol saGumawa hanggang GabiPagaayuno

Nang magkagayo'y nagsiahon ang lahat ng mga anak ni Israel, at ang buong bayan, at nagsiparoon sa Bethel, at nagsiiyak, at nagsiupo roon sa harap ng Panginoon, at nagsipagayuno nang araw na yaon hanggang sa kinahapunan; at sila'y naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon.

217
Mga Konsepto ng TaludtodPagsasagawa ng Paulit-ulit

At nagsiahon ang mga anak ni Israel laban sa mga anak ni Benjamin nang ikatlong araw, at humanay laban sa Gabaa, gaya ng dati.

225
Mga Konsepto ng TaludtodYaong Ibinigay ng Diyos sa Kanilang Kamay

At si Phinees, na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron, ay tumayo sa harap niyaon nang mga araw na yaon,) na sinasabi, Lalabas ba ako uli upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin na aking kapatid, o magtitigil ako? At sinabi ng Panginoon, Umahon ka; sapagka't bukas ay ibibigay ko siya sa iyong kamay.

261
Mga Konsepto ng TaludtodDalawangpung Libo at Higit PaDiyos na PumapatayDiyos na Pumapatay sa Kanyang BayanPagpatay sa Loob ng Israel

At sinaktan ng Panginoon ang Benjamin sa harap ng Israel: at pinatay ng mga anak ni Israel sa Benjamin nang araw na yaon ay dalawang pu't limang libo at isang daang lalake: lahat ng mga ito'y humahawak ng tabak.

269

Kanilang kinubkob ang mga Benjamita sa palibot, at kanilang hinabol, at kanilang inabutan sa pahingahang dako hanggang sa tapat ng Gabaa, sa dakong sinisikatan ng araw.

270

At nangagmadali ang mga bakay at nagsidaluhong sa Gabaa, at nangagpatuloy ang mga bakay, at sinugatan ang buong bayan ng talim ng tabak.

288
Mga Konsepto ng TaludtodHindi MapanghahawakanPagtitiwala sa Ibang Tao

Sa gayo'y nakita ng mga anak ni Benjamin na sila'y nasaktan: sapagka't binigyang kaluwagan ng mga lalake ng Israel ang Benjamin, sapagka't sila'y umaasa sa mga bakay na kanilang inilagay laban sa Gabaa.

371
Mga Konsepto ng TaludtodGumawa hanggang Gabi

At nagsiahon ang mga anak ni Israel, at nagsiiyak sa harap ng Panginoon hanggang sa kinahapunan; at sila'y sumangguni sa Panginoon, na sinasabi, Lalapit ba uli ako upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin na aking kapatid? At sinabi ng Panginoon. Umahon ka laban sa kanila.

397
Mga Konsepto ng TaludtodPagharapLabing Isa hanggang Labing Siyam na LiboPagpatay sa Loob ng IsraelPagkatalo ng Bayan ng Diyos

At lumabas ang sa Benjamin sa Gabaa laban sa kanila nang ikalawang araw, at nabuwal uli sa lupa sa mga anak ni Israel ay labing walong libong lalake; lahat ng mga ito ay humahawak ng tabak.

399
Mga Konsepto ng TaludtodKongregasyonAltarPagtitipon ng IsraelNagkakaisang mga taoLahat ng TaoKrusada

Nang magkagayo'y lumabas ang lahat ng mga anak ni Israel, at ang kapisanan ay nagpisang gaya ng isang tao sa Panginoon sa Mizpa, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, na kalakip ng lupain ng Galaad.

403
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipaglaban sa Isa't Isa

At lumapit uli ang mga anak ni Israel laban sa mga anak ni Benjamin nang ikalawang araw.

429
Mga Konsepto ng TaludtodKaban ng Tipan, Gamit ngKaban, Ang Paglilipat-lipat sa

At itinanong ng mga anak ni Israel sa Panginoon (sapagka't ang kaban ng tipan ng Dios ay nandoon nang mga araw na yaon,

440

At lahat ng mga lalake sa Israel ay bumangon sa kanilang dako, at nagsihanay sa Baal-tamar: at ang mga bakay ng Israel ay nagsilabas mula sa kanilang dako, sa makatuwid baga'y mula sa Maare-Gabaa.

453
Mga Konsepto ng TaludtodPagsangguni sa DiyosUnang LumabanPakikipaglaban sa mga KaawayBayan ng Juda

At bumangon ang mga anak ni Israel, at nagsiahon sa Beth-el upang sumangguni sa Dios; at kanilang sinabi, Sino ang unang aahon sa amin upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin? At sinabi ng Panginoon, Ang Juda ang unang aahon.

458
Mga Konsepto ng TaludtodTatlumpuPagsasaalis ng mga Tao mula sa kanilang mga LugarPagpatay sa Loob ng Israel

At ang mga anak ni Benjamin ay nagsilabas laban sa bayan, na ipinalayo sa bayan; at kanilang pinasimulang sinaktan at pinatay ang bayan gaya ng dati, sa mga lansangan, na ang isa'y umahon sa Beth-el, at ang isa'y sa Gabaa, sa bukid, na may tatlong pung lalake ng Israel.

462

At bumakay ang Israel laban sa Gabaa, sa buong palibot.

472
Mga Konsepto ng TaludtodPagtitiponTatlo hanggang Siyamraang Libo

At nagsiharap ang mga pinuno ng buong bayan, sa makatuwid baga'y ng lahat ng mga lipi ng Israel, sa kapulungan ng bayan ng Dios, na apat na raang libong lalake na humahawak ng tabak.

478
Mga Konsepto ng TaludtodLumilingon

Nguni't nang ang alapaap ay magpasimulang umilanglang mula sa bayan, sa isang haliging usok, ang mga Benjaminita ay lumingon sa likuran, at, narito, ang apoy ng buong bayan ay napaiilanglang sa langit.

482
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang LiboLimang liboNaabutan

At sila'y nagsiliko at nagsitakas sa dakong ilang sa malaking bato sa Rimmon. At hinabol nila sa mga lansangan ang limang libong lalake; at hinabol silang mainam hanggang sa Gidom, at pumatay sa kanila ng dalawang libong lalake.

483
Mga Konsepto ng TaludtodDigmaan, Estratehiya saIsrael, Tumatakas ang

At sinabi ng mga anak ni Benjamin, Sila'y nangasaktan sa harap natin, gaya ng una. Nguni't sinabi ng mga anak ni Israel, Tayo'y tumakas, at palabasin natin sila mula sa bayan hanggang sa mga lansangan.

492
Mga Konsepto ng TaludtodKadalisayan, Moral at Espirituwal naIbinigay sa mga TaoParusang Kamatayan laban sa Kahalayan

Ngayon nga'y ibigay ninyo ang mga lalake, ang mga hamak na tao, na nasa Gabaa, upang aming patayin sila, at alisin ang kasamaan sa Israel. Nguni't hindi dininig ng mga anak ni Benjamin ang tinig ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Israel.

508
Mga Konsepto ng TaludtodSampu-sampung Libo

At nagsidating laban sa Gabaa ang sangpung libong piling lalake sa buong Israel, at ang pagbabaka ay lumala: nguni't hindi nila naalaman na ang kasamaan ay malapit na sa kanila.

533

(Nabalitaan nga ng mga anak ni Benjamin na umahon ang mga anak ni Israel sa Mizpa.) At sinabi ng mga anak ni Israel, Saysayin ninyo sa amin kung bakit ang kasamaang ito ay nangyari?

534
Mga Konsepto ng TaludtodKabastusanTinatangkang Patayin ang Ganitong mga TaoKamatayan ng mga Hindi Pinangalanang Tao

At bumangon ang mga lalake sa Gabaa laban sa akin, at kinubkob ang bahay sa palibot laban sa akin nang kinagabihan; ako'y kanilang pinagakalaang patayin, at kanilang dinahas ang aking babae, at siya'y namatay.

540
Mga Konsepto ng TaludtodPagharapPakikipaglaban sa Isa't Isa

At lumabas ang mga lalake ng Israel upang makibaka laban sa Benjamin; at humanay ang mga lalake ng Israel sa Gabaa, sa pakikibaka laban sa kanila.

546
Mga Konsepto ng TaludtodKabastusanMga Taong Pinagpira-pirasoKeridaGinugupitan

At aking kinuha ang aking babae, at aking pinagputolputol, at ipinadala ko sa buong lupain ng mana ng Israel: sapagka't sila'y nagkasala ng kalibugan at ng kaululan sa Israel.

547
Mga Konsepto ng TaludtodPito Hanggang SiyamnaraanDalawangpung Libo at Higit Pa

At ang mga anak ni Benjamin ay binilang nang araw na yaon sa mga bayan, na dalawang pu't anim na libong lalake na humahawak ng tabak, bukod pa ang mga tumatahan sa Gabaa na binilang, na pitong daang piling lalake.

551
Mga Konsepto ng TaludtodNananatiling Pansamantala

At ang Levita, ang asawa ng babaing pinatay, ay sumagot at kaniyang sinabi, Ako'y naparoon sa Gabaa na ukol sa Benjamin, ako at ang aking babae upang tumigil.

557
Mga Konsepto ng TaludtodUsokPagsunog sa mga Lungsod

Nagkaroon nga ng palatandaan ang mga anak ng Israel at ang mga bakay, na sila'y gagawa ng alapaap na usok na pauusukin mula sa bayan.

560

Kundi ngayo'y ito ang bagay na aming gagawin sa Gabaa; magsisiahon kami laban sa kaniya na aming pagsasapalaran;

563
Mga Konsepto ng TaludtodPagsunog sa mga LungsodAng mga Tao at Hayop ay kapwa Napatay

At binalikan ng mga lalake ng Israel ang mga anak ni Benjamin, at sinugatan nila ng talim ng tabak, ang buong bayan, at gayon din ang kawan, at yaong lahat na kanilang nasumpungan: bukod dito'y yaong lahat ng mga bayan na kanilang nasumpungan ay kanilang sinilaban.

564
Mga Konsepto ng TaludtodNagkakaisang mga tao

At ang buong bayan ay bumangong parang isang tao, na nagsasabi, Hindi na babalik ang sinoman sa amin sa kaniyang tolda, ni uuwi man ang sinoman sa amin sa kaniyang bahay.

571

At nagsugo ang mga lipi ng Israel ng mga lalake sa buong lipi ng Benjamin, na sinasabi, Anong kasamaan ito na nangyari sa gitna ninyo?

575
Mga Konsepto ng TaludtodIkasampung Bahagi ng MamamayanMga Taong Nagbibigay Pagkain

At magsisikuha kami ng sangpung lalake sa isang daan, sa lahat ng mga lipi ng Israel, at isang daan sa isang libo, at isang libo sa sangpung libo, upang ipagbaon ng pagkain ang bayan, upang kanilang gawin pagparoon nila sa Gabaa ng Benjamin ang ayon sa buong kaululang kanilang ginawa sa Israel.

577
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipisan sa Gawain ng mga KristyanoPagkakaisa ng Bayan ng DiyosNagkakaisang mga taoBansang Nagkakaisa, MgaPagtitipon

Sa gayo'y nagpipisan ang lahat ng mga lalake ng Israel laban sa bayang yaon, na nagtibay na magkakapisang parang isang tao.

580
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Payo ng

Narito, kayong mga anak ni Israel, kayong lahat, ibigay ninyo rito ang inyong payo at pasiya.

588

At nagsibangon ang mga anak ni Israel sa kinaumagahan, at humantong laban sa Gabaa.

595
Mga Konsepto ng TaludtodDalawangpung Libo at Higit Pa

Na ano pa't lahat na nabuwal nang araw na yaon sa Benjamin ay dalawang pu't limang libong lalake na humawak ng tabak; lahat ng mga ito ay mga lalaking may tapang.

601
Mga Konsepto ng TaludtodSibil, Digmaang

At nagpisan ang mga anak ni Benjamin sa mga bayang patungo sa Gabaa, upang lumabas na makibaka laban sa mga anak ni Israel.

603
Mga Konsepto ng TaludtodAnim hanggang Pitong DaanDalawa Hanggang Apat na BuwanIsrael, Tumatakas angNakaligtas sa Israel, MgaAnimnaraan at Higit Pa

Nguni't anim na raang lalake ay nagsiliko at nagsitakas sa dakong ilang sa malaking bato ng Rimmon, at nagsitahan sa malaking bato ng Rimmon na apat na buwan.

610
Mga Konsepto ng TaludtodTumalikod

Kaya't kanilang itinalikod ang kanilang likod sa harap ng mga lalake ng Israel, na nangagsitungo sa ilang; nguni't hinabol silang mainam ng pakikibaka; at yaong nangagsilabas sa mga bayan, ay nagsilipol sa kanila sa gitna ng ilang.

614
Mga Konsepto ng TaludtodTatlumpuPagpatay sa Loob ng Israel

At nang ang mga lalake ng Israel ay nagsipihit mula sa pagbabaka, at pinasimulang sinaktan at pinatay ng Benjamin ang mga lalake ng Israel na may tatlong pung lalake: sapagka't kanilang sinabi, Walang pagsalang sila'y nasaktan sa harap natin gaya ng unang pagbabaka.

616
Mga Konsepto ng TaludtodEspada, MgaTatlo hanggang Siyamraang Libo

At binilang ang mga lalake sa Israel, bukod pa ang sa Benjamin, ay apat na raang libong lalake na humahawak ng tabak: lahat ng mga ito ay mga lalaking mangdidigma.

617
Mga Konsepto ng TaludtodLabing Isa hanggang Labing Siyam na Libo

At nabuwal sa Benjamin, ay labing walong libong lalake; lahat ng mga ito ay mga lalaking may tapang.

618

At nangagbalik ang mga lalake ng Israel, at ang mga lalake ng Benjamin ay nangabalisa: sapagka't kanilang nakita na ang kasamaan ay dumating sa kanila.